Martes, Marso 4, 2014

Kabalyero ng Disyerto 8 - Ang Himagsikan laban sa Emperyong Roma 1 (THE FALL OF TEMPLE MOUNT)

by: Desertknightfm Rhojel

Ang Insperasyon ng Himagsikan ng Israel

Sa kasaysayan ng Pilipinas, isa sa naging inspirasyon ng mga katipunero ay ang Noli Me Tangre at El Felibusterismo. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mala dramatikong pagmamahalan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara, pinatibok nito ang mga puso ng mambabasa upang mahalin ang bansang Pilipinas. Dahil dito namulat nalamang ang mga Pinoy na nakikipaglaban at handang mamatay para sa kasarinlan.

Ang pangangaral at pagbabawtismo ni Juan na anak ni Zacarias ang nagpaalab sa mga puso at kaluluwa ng mga Israelita upang magkaroon ng pagmamahal at takot sa D_s. Ang kanyang pagkamatay ay lalong nagpaalab ng kanilang pananampalataya. Lalo pang pinaigting ni Jesus ang inspirasyong ito sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at pagpapagaling ng mga maysakit. Ito ang prinsipyo ng Messiah ang makamit ang esperitwal na kalayaan at kaligtasan ng mga taong tapat sa D_s at banal na kautusan.

Matapos mamatay si haring Herodes ang kanyang anak na si Antipas ang siyang humalili upang ituloy ang pamamahala ng Galilee. Hiniwalayan ni Antipas ang kanyang asawa na si Phasaelis na anak ni haring Aretas IV ng Nabatea, upang sipingan ang asawa ng kanyang kapatid na si Herodias. Sa mga panahon na iyon si Juan na anak ni Zacarias ay naging popular sa pangangaral at pagbabawtismo sa mga Hudyo, nagkaroon ng maraming tagasunod si Juan, at pati si Antipas ay naging kanyang magiliw na tagapakinig ngunit hindi naging mabuting tagasunod. Ngunit ganon paman si Antipas ay di nakalusot sa mga pagtuligsa ni Juan sa kanyang pagsalangsang sa ika-6 at 10 utos ng Dios. Gusto man niyang saktan si Juan sa pagbatikos sa kanya ay di niya ito magawa dahil alam niyang si Juan ay matuwid at alagad ng D_s.



Si Juan na Tagapagbawtismo ay nangangaral sa mga taga Galilee
 Sa isang piging habang nakikipag sayaw si Salome sa kanyang ama na si Antipas, ay pinagkalooban ni Antipas ang kanyang anak ng kahilingan sa kaarawan nito. Hiniling ni Salome ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo sa kanyang ama, na alam niyang ikatutuwa ng kanyang ina, dahil dito natahimik si Antipas at kanyang kinausap si Salome, " Nangako ako na pagkakalooban kita ng kahilingan para sa iyong kaarawan, at hindi ko inaaasahan na ang hihilingin mo na ako ay gumawa ng krimen. Ako ay nagkamali at pinawawala kong saysay ang aking sinabi." Agad kinausap ng mga tagapagpayo si Antipas at kanilang minungkahi na mas makakabuti sa isang hari ang tuparin ang kanyang salita, at dahil si Juan ay isang banta sa kanyang kaharian marapat na kanyang gawin ang kahilingan ni Salome. Kaya't labag man sa kalooban ni Antipas ang pagpapapatay kay Juan ay kanya itong pinagplanuhan. Pinaaresto niya ito at hinatulan ng pagkakakulong ng 2 taon sa bilangguan ng Macherus  na matatagpuan sa Jordan, at kamatayan bago sumapit ang Paskwa (Passover). Alam ni Antipas na madami tagasunod si Juan at sa isang salita lamang nito ng pagaaklas ay puwedeng ito ay mangyari kung kayat upang maiwasan ang pagaaklas ay kanya muna itong ikinulong sa loob ng 2 taon upang mawasak niya ang mga tagasunod ni Juan at saka niya isinagawa ang pagpugot dito.

Antipas's Bilibid Prison ng Macherus
Nang malaman ni haring Herodes na naisakatuparan na ang pagpatay kay Juan siya ay nakonsensya at di na mapakali. Ang buong Israel ay napoot kay haring Antipas at ito ang hinihintay na pagkakataon ng Haring si Aretas IV ang ama ng unang naging asawa ni Antipas na si Phasaelis upang umatake at ipaghiganti ang sinapit ng kanyang anak.
Si Salome at ang ulo ni Juan na Tagapagbawtismo
Ang kaharian ni Antipas ay bumagsak sa paglusob ni haring Aretas at pinaniniwalaan na ang pagbagsak ni Antipas ay isang kaparusahan ng D_s sa pagpatay niya kay Juan na tagapagbawtismo. Si Antipas at Herodias ay di sinuportahan ng Roma bagkus sila ay pinatapon sa Gaul (France) dahil sa paratang ng kanyang pamangkin na si Aggripa sa planong pagaaklas laban sa bagong emperador na si Caligula. Bilang pabuya sa katapatan ni Aggripa siya ay binigyan ng teritoryo at ginawang hari.

Ang pangyayari sa pagitan ni Antipas at Juan na tagapagbawtismo ay naisalaysay ng tagapagsulat ng kasaysayan ng Israel na si Flavius Josephus;

In Antiquities, 18.5.2, Josephus discusses the ministry of John the Baptist.
"Now some of the Jews thought that the destruction of Herod's army came from God, and that very justly, as a punishment of what he did against John, that was called the Baptist: for Herod slew him, who was a good man, and commanded the Jews to exercise virtue, both as to righteousness towards one another, and piety towards God, and so to come to baptism; for that washing [with water] would be acceptable to him, if they made use of it, not in order to the putting away [or the remission] of some sins [only], but for the purification of the body; supposing still that the soul was thoroughly purified beforehand by righteousness. Now when [many] others came in crowds about him, for they were very greatly moved [or pleased] by hearing his words, Herod, who feared lest the great influence John had over the people might put it into his power and inclination to raise a rebellion, (for they seemed ready to do any thing he should advise,) thought it best, by putting him to death, to prevent any mischief he might cause, and not bring himself into difficulties, by sparing a man who might make him repent of it when it would be too late. Accordingly he was sent a prisoner, out of Herod's suspicious temper, to Macherus, the castle I before mentioned, and was there put to death. Now the Jews had an opinion that the destruction of this army was sent as a punishment upon Herod, and a mark of God's displeasure to him."

Zealotry

Ang Zealotry ay tulad ng Katipunan ni Andres Bonifacio sa ating kasaysayan, ito ay isa sa mga partidong political na tinatag ni Judah ng Galilee. Ang "zealot" sa salitang Hebrew ay kanai na ang kahulugan ay kumakatawan sa D_s, at ang zealot ay salitang Grego na ang kahulugan ay "Tagasunod". Ang Zealots ay pang apat na sekta ng partidong politikal ang Una ay ang Pharisees, ang ikalawa ay ang Sadducees, at ang pangatlo ay ang Essenes. Ang Zealotry di tulad ng tatlong sekta ay isang grupong naniniwala sa armadong pakikibaka, napaka agresibo sa pakikipaglaban kaya sila ay tinaguriang Biryonim  na ang ibig sabihin ay ruffians o malupit. Ang kanilang pagaaklas ay nabaling sa mga Romano ng magkaroon ng paghihigpit sa pagbabayad ng buwis at sa kautusan ni Emperador Caligula, na magkaroon ng kanyang rebulto o larawan sa mga tahanan at templo ng mga nasasakupan ng Emperyo ng Roma kasama dito ang Israel , at ito ay isang malaking paglabag sa kautusan ng D_s, dahil sa pananampalataya at katuruan na iisa lamang ang D_s na dapat sambahin at sundin, ang himagsikan ay sumibol laban sa Roma.

Si Judah ng Galilee- Zealots 

Nagsimula ang rebolusyon noong 6 CE ng si Quirinius ang naupong gobernador ng Sirya. Dahil sa mahigpit na pagsingil ng buwis hinikayat ni Quirinius ang mga saserdote na makipagtulungan sa Roma dahill sa impluwensya nito sa mga mamamayan. Ito ay tinutulan ni Judah ng Gamla anak ni Ezekias. Si Ezekias ay isang lider ng bandido na nagaklas din ngunit nahuli at napatay ng yumaong si haring Herodes. Dahil sa pagtutol ni Judah sa pagbubuwis, kanyang kinalap ang mga tagasunod ng kanyang ama sa Sepphoris Galilee at tinatag ang Zealots, siya ay sinoportahan ni Zadok isang Pharisees. Tinipon ni Judah ang buong kawal ng Zealots at sa kanila sinabi " Iisa lang ang hari ng bansang Israel ang D_s na si Yahweh, hindi si Antipas o ang emperador na si Caligula , at iisa lang ang batas na dapat sundin ng mga Israelita ang batas ng D_s na si Yahweh. Ang pagbabayad ng buwis ay isang pangaalipin sa atin at ngayun na ang panahon upang palayain ang Israel sa pagkaalipin!", at sa diklerasyon niyang ito nagsimula ang pag-atake sa isang garison at bahay pamahalaan ng Roma sa Judea at kanilang ninakaw ang mga sandata at mga salaping pinambayad para sa buwis. Muli din niyang binuo ang grupo na kung tawagin ay Sicarii ito ay ang mga lihim na mamamatay tao (assassin) at naging kaalyado ng Zealots, ang bawat tauhan nito ay may mga sukbit na sicae o maliit na kutsilyo. Ang pangunahing adhikain ng grupo ay paslangin ang mga taong sumasamba sa dios-diosan at bigyan hustisya (vigelante) ang mga biktima ng karahasan ng haring si Herodes at ng emperyong Roma.

Sicae

 Ang isang Sicarii ay humahalo a madaming tao upang di masundan pagkayaring saksakin hanggang sa mamatay ang kanilang target. Ang kilusan ay lumaganap mula sa iba't ibang parte ng Galilee.


Sicarii
 Nasasangkot din ang grupong Sicarii sa pagdukot ng mga opisyales at mamamayan ng Roma at ang pinaka ransom ay ang pagpapalaya sa mga kasamahan nilang nadakip o di kaya'y pagbabayad ng salapi dahil dito sila ay tinaguriang mga bandido o magnanakaw ng Roma ngunit sa mga hudyo sila ay mga bayani. Ang pagaaklas ni Judah ay panandalian lamang dahil sa pinagsanib na puwersa ng mga kawal ng  Gobernador ng Judea (Coponius) at Gobernador ng Sirya na si Quirinius si Judah at ilan mga kasamahan nito ay kanilang naaresto at kinalaunan ay sinintensyahan ng haring si Antipas Herod na mamatay. Dahil sa pagkamatay ni Judah ang mga tagasunod niya ay nagkawatak watak at nagsipagtago (Acts 5:37). Ang pakikibaka ng mga Zealots ay nagpatuloy ngunit palihim at ang sumunod na mga namuno ay ang mga anak ni Judah na sila Simon at James ngunit tulad ng kanilang ama sila ay nahuli at pinako sa krus ng Gobernor na si Tiberius Julius Alexander.

Si Barabbas!- Zealots

Jesus Barabbas o si Jesus ng Nazareth?
Ang pangalan Barabbas ay mula sa salitang Aramaic na "Bar-Abbas" ang kahulugan ay "anak ng ama" at ang buong pangalan ni Barabbas ay Jesus Barabbas. Si Barabbas ay isa sa mga lider ng Zealots at ang dalawang pinako kasama ng ating Panginoon Jesus sa krus ay kanyang mga tauhan. Kapansin pansin na bawat namumuno sa Zealots ay gumagamit ng titulong Messiah,  maging ang pinsan buo ni Jesus na si James the Just na naging lider din ng rebolusyon ay gumamit ng alyas na Kristo (ancient Greek: Χριστός, Christós, ang kahulugan ay 'anointed', kung isasalin sa salitang  Hebrew מָשִׁיחַ (Māšîaḥ).
 Ang Messiah ay hindi pangalan kundi isang titulo na ginagamit ng mga lider ng Zealots dahil sa paniniwala na sila ang messiah na magpapalaya sa Israel. Ito din ang dahilan bakit pinili na palayain si Barabbas kaysa kay Jesus na taga Nazareth (si Hesus ay naging Colateral damage ng rebolusyon) sapagkat si Barabbas para sa mga hudyo ay isang bayani at kay Bar-Abbas sila humuhugot ng pagasa na ang Israel ay lalaya sa mga kamay ng Emperyo ng Roma. Ang pangalan Jesus sa Latin Greek ay Ἰησοῦς (Iēsous) na kahulugan ay tagapagligtas, sa Hebrew ay (ישוע) Joshua or Yesua na pareho din ang kahulugan "tagapagligtas o tagapagpalaya". Ang pangalan Jesus ay pangkaraniwang ginagamit noong panahon na iyon, halimbawa nalang ay sila  Jesus ben Ananias at Jesus ben Sirach.

Si Joseph ben Mattathias o Titus Josephus Flavius- Zealots

Si  Joseph ben Mattathias ay isang iskolar at nakapagtapos ng pagaaral ng batas at kasama niya sa pagaaral ang mga grupo mula sa Sadducees, Pharisees, at ang Essenes. Si Joseph ay nabibilang sa grupo ng Pahrisees. Siya ay sinugo sa Roma noong 62 C.E. upang ipagtanggol at mapalaya ang ilan sa mga nakakulong na mga Saserdote o pari. Matapos niya magampanan ang kanyang misyon sa tulong ng asawa ni Nero Poppaea siya ay nagbalik sa Jerusalem noong 65 C.E. at sa kanyang pagbabalik dinantnan niya ang kanyang bansa na nagaaklas laban sa Roma. Isang taon makalipas si Joseph ay naging bahagi na ng rebolusyon at naging bahagi sa pagtatagumpay ng Zealots ng kanilang mapagbagsak ang isang kampo ng Roma sa bundok ng Masada. Dahil dito si Joseph ay tinanghal na komander ng Galilee. Noong 67 C.E. siya at ang kanyang kasama ay nasukol sa isang kuweba sa Jotapata at imbes na sumuko sa mga kawal ni Vespasian siya at ang kanyang mga tauhan ay nagsipag patiwakal.
Ang labanan sa Jotapata Cave
 Sa pagtitiwakal ni Joseph at ng kanyang kawal siya lang ang nakaligtas at dahil dito siya ay naging bihag. Bawat lider ng Zealot ay tinuturing isang Messiah siya ay napagkamalan propeta at hinulaan niya si Vespasian na magiging emperador ng Roma. Dahil dito siya ay pinakawalan ni Vespasian at ginawang interpreter, negosyador, at tagapamagitan sa mga rebelde at gobyerno ng Roma at dahil sa paglilingkod niya sa Roma siya ay tinuring traydor ng bansang Israel. Nasaksihan ni Joseph ang trahedyang sinapit ng mga tagapagtanggol ng Templo, pagkasunog nito, at ang pagkabigo ng himagsikan.

Ang kanyang propesiya kay Vespasian ay nagkatotoo na maging emperador ng Roma ng magpakamatay si emperador Nero. Dahil dito siya ay pinalaya at nanirahan sa Roma at duon siya ay naging isang ganap na romano. Kasabay ng kanyang pagbabago ng nasyunalidad ang pagbabago ng kanyang pangalan. Kanyang pinili na maging kaapelyido si Emperador Vespasian at ang pangalan na Flavius at Titus, dahil naglingkod din siya sa anak ng emperador na si Titus. Siya ay kinomisyon ng emperador na sumulat ng kasaysayan ng mga digmaan, at ito naman ay kanyang natapos noong 78 C.E. at ang naging titulo ng kanyang sinulat ay " Jewish War". Ang ikalawang libro na kanyang isinulat ay ang pinakatampok na "Antiquities of the Jews na natapos at nailathala noong 93 C.E.. Bago siya mamatay ay nakapagsulat pa siya ng libro ang "Against Apion at ang kanyang talambuhay na " The life of Josephus".


 Ang sigalot ng tatlong lider ng Defenders Eleaser ben Simon-Zealots, Simon bar Giora, at John ng Gischala-Zealots
Si Eleaser ben Simon- Sicarii

Nakilala ang kabayanihan ni Eleaser ben Simon bilang Zealots noong 66 C.E., Sa bilang na 2,400 niyang mga kawal ay kanilang dinurog ang buong kawal ni Cestius Gallus' Legio XII Fulminata sa isang ambush sa Beit-Horon. Ang pagkakamatay ng 5,000 Legionaries sa ambush ay nagdulot ng takot sa mamamayan ng Roma. Dahil sa tinding takot ng mga taga Jerusalem na maghiganti ang emperyo ng Roma sa kaguluhan dinulot ni Eleaser, hindi pumayag ang punong saserdote sa kanyang kahilingan na siya ay pagkalooban ng mataas na puwesto sa lipunan dahil na din sa ugaling pagiging diktador. Sunod sunod na pandadahas ang ginawa ng gobyerno ng Roma sa mga karatig bayan ng Jerusalem kung kaya nagpasya ang mga kalalakihan ng mga ito na sumapi sa pinaglalaban ni Eleaser. Dumami ang mga tagasunod ni Eleaser at dahil sa kanyang impluwensya ay kanyang pinapatay ang punong saserdote na si Ananus ben Ananus sa templo at ipinalit niya ang saserdote na sunod sunoran sa kanyang kagustuhan, sa madaling salita nasa ilalim na ng kanyang kapangyarihan ang Templo. Dahil sa kontrolado na ni Eleaser ang Templo ay kanya diniklara ang kasarinlan nito (Ang ginawa pagpaslang at paglapastangan ni Eleaser sa Templo ay di nakaligtas sa katarungan ng D_s sa pamamagitan ni John ng Gischala)

Si Simon bar Giora - Sicarii

Si Simon ay ama ni Eleaser ng Zealots, at malaki ang naging bahagi niya sa pagkakagapi sa kawal ng Roma na pinamumunuan ni Cestius Gallus. Kanyang inatake ang mga Legionaries at ninakaw ang mga karetelang may laman ng mga armas at dahil sa pagkabaling ng atensyon ng mga Legionaries sa panghahijack ng kanilang mga karitela, sila ay inambush ni Eleaser na kanilang ikinasawi. Si Simon ay nakilala bilang isang tulisan at mamatay tao ng mga Romano, kanyang nilooban ang mga opisyales sa Idumea pangunahin ang kapitolyo nito, ang Hebron. Sa Hebron ay kanyang ninakawan ang imbakan ng trigo, at dahil sa kanyang matagumpay na paglusob sa lunsod dumami ang kanyang tagasunod.

Nabahala ang mga Zelots sa ginagawa ni Simon na isang Sicarii dahil lalong pinagiinit nito ang mga opisyales ng Roma. Upang mapatigil at arestuhin si Simon dahil ang Zealots ay di bihasa sa lantarang pakikidigma ay kanilang dinukot ang asawa nito upang mapasuko siya,  dahil sa ginawa ng mga Zealots, naghurumintado si Simon at kanyang nilusob ang Jerusalem at lahat ng tao rito ay kanyang binihag, pinahirapan at ang ilan ay pinutulan pa ng mga kamay. Dahil dito pinakawalan ng mga Zealots ang asawa ni Simon.

Noong 69 B.C.E. sunod sunod na pag atake ng kawal ng Roma ang dinanas ni Simon na naging dahilan ng kanyang pagatras patungo sa Jerusalem. Noong una ang tropa ni Simon ay nakahimpil lamang sa labas ng Jerusalem. Kinausap siya ng ilang opisyales ng lungsod upang patalsikin si John at bigyan na din ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang anak na si Eleaser. Kaya inatake ni Simon ang tropa ni John at kanyang nakontrol ang itaas na bahagi ng lungsod. Si John naman ay umatras at sa pamamagitan ng mga naglalakihan mga haligi, hindi makapasok ang tropa ni Simon sa balwarte ni John ng Giscala. Upang lumabas sa pinagtataguan si John, sinunog ni Simon ang imbakan ng pagkain, at gayon din ang ginawa ni John kay Simon bilang paghihiganti.

Si John ng Giscala - Zealots

John vs Josephus
Si John ay isang Kumander ng hukbong Zealots, may pagkadiktador, mainitin ang ulo at ang paggamit ng dahas ang pangunahin niyang solusyon sa kanyang prublema. Nakasama din niya sa pakikipag laban si Josephus (Joseph ben Mattathias) na isa din kumander. Minsan dumalaw si John kay Josephus upang kamustahin ang kaibigan. Nakita ni John ang isang mainit na paliguan sa  Tiberias at humingi siya ng pahintulot kay Josephus na ito ay kanyang gamitin. Tinugon ni Josephus ang kahilingan ng kaibigan, bukod sa paggamit ng paliguan ay pinaghanda pa siya ng matutuluyan at pagkain. Nagpaalam si Josephus kay John na siya ay aalis dahil sa may kausap siyang tao ng mga araw na iyon. Nagkaroon ng hinala si John na magtratraydor si Josephus. Habang wala si Josephus ay hinimok niya ang mga tao ng Tiberias na suportahan ang kilusan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng salapi,  Nalaman ni Josephus ang pangingikil na ginagawa ni John at siya ay nagalit sa ginawa nito, kaya agad siya bumalik at isa sa 1,000 tauhan ni John ang sumalubong sa kanya upang bigyan ng babala na may planong ipapatay siya ni John kayat agad tumakas si Josephus patungong Taricheæ. Ang pangyayaring ito ang simula ng personal nilang alitan.

Si John vs Eleaser
Sa Jerusalem kanyang hinimok ang mga tao na lumaban sa emperyo ng Roma upang makamit ang kanilang kalayaan, sumapi sa kanyang hukbo ang mga Idumeans. Dahil kontrolado din ng Zealots Army ang Templo na pinamumunuan ni Eleaser na anak ni Simon bar Giora, kaya pinagplanuhan niyang patayin si Eleaser at siya ay di nabigo. Ang buong Jerusalem ay kanyang pinamunuan at siya ay naging diktador na labag sa prinsipyo pinaglalaban ng Zealots at Sicarii kaya't dahil dito kinausap ng mga opisyales si Simon na kasalukuyan na sa labas ng lungsod upang pabagsakin si John.

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento