Huwebes, Marso 6, 2014

Kabalyero ng Disyerto 9 - Ang Himagsikan laban sa Emperyong Roma 2 (THE FALL OF TEMPLE MOUNT)


by: Desertknightfm Rhojel

Ang Defenders ng Temple Mount
February - August 70 C.E.


Defenders (Mount Temple Army)

 Noong 70 C.E. ang Roma ay naglunsad ng malawakan operasyon sa mga rebeldeng Zealots at Sicarii. Si emperador Titus at ang kanyang gobernor na si Tiberius Julius Alexander, ang nanguna sa paglusob sa Jerusalem. Sa mga panahon na iyon ay may mga di pagkakaunawaan ang mga lider ng himagsikan, isa sa kanilang malaking sigalot ay ang posisyon ng pamunuan pangkalahatan kung baga sa ating kasay-sayan ay ang pagtutunggali ng Magdalo at Magdiwang sa pagkapangulo ng Republika ng Pilipinas (ref.sigalot ng tatlong lider ng kilusan).

Pinamumunuan ni Simon bar Giora ang grupo ng Sicarii at ang kanilang himpilan ay nasa Masada Fortress kasama ang mga Zealots,  
Ang Masada Fortress ang kampo ng mga Zealots at Sicarii


habang ang kanyang anak na si Eleaser ay mga breakaway group mula sa grupo ng Zealot na pinamumunuan ni Kumander John ng Giscala.
Ang Temple Mount sa Jerusalem

Dahil ang saserdote ang nagtatalaga ng mamumuno sa mga Israelita, ang templo ay kinomando ni Eleaser at pinapatay ang punong saserdote nito, dahil sa pagtanggi nito sa kagustuhan ni Eleaser na siya ay gawing pangulo, kaya't agad nagplano ng paglusob si John ng Giscala upang hadlangan at paslangin si Eleaser. Nagparating ng mensahe si John na siya ay magaalay sa templo dahil obligasyon ng mga hudyo ang magdasal at magalay para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, siya ay pinagbigyan ng punong saserdote. Nang pagbuksan sila ng gate ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kawal ni John na pasukin ang templo at patayin si Eleaser. Sa pagkamatay ni Eleaser ang mga kawal niya ay nagsipag balik loob kay John at ang buon Jerusalem ay sumailalim sa pamamahala ni John.

Noong 69 C.E. nabigo si Simon sa pakikipaglaban sa mga Legionaries ng Roma. Ang Roma ay nagdiklara ng all out war sa mga rebelde at unti unti nilang sinuyod ang mga bayan malapit sa Jerusalem na maaaring pinagtataguan ng mga ito. Si Simon ay umurong at nagtatag ng sariling kampo sa labas ng Temple Mount. Masama ang loob ni Simon kay John dahil sa pagkakapatay nito sa kanyang anak na si Eleaser at pagdukot nito sa kanyang asawa. Isang gabi, kinausap ng mga matatanda si Simon upang patalsikin si John (coup d'état ) sa kanyang pamumuno. Nakahanap ng suporta si Simon sa loob kaya kanyang hinanda ang kanyang mga tauhan at naglunsad ng pagatake si Simon laban kay John.
Nasakop ni Simon ang Bezetha parteng itaas na lugar ng Jerusalem, at si John ay umurong sa Anthonian Fortress. Dahil sa taas ng haligi ng Anthonian's Fortress, si Simon at ang kanyang kawal ay di makapasok, kaya upang gipitin si John at mapwersang lumabas ay kanyang sinunog ang imbakan ng pagkain. Di alintana ang paparating na panganib sa kanilang lugar ang mga kawal ng emperyong Roma.


Noong February 70 C.E.

Titus Vespasian

Pinalibutan ni Titus ang buong paligid ng Jerusalem ng apat na battalion ng mga Legionaries V Macedonica, XII Fulminata, at XV Apolinaris. at sa hilagang parte ng bundok ng olea ang X Fretensis. Natigil ang paglalaban ni John at Simon ng makita ng mga ito ang pagpuwesto sa buong paligid ng Jerusalem ng mga kawal ng Emperyo na sa kabuuang bilang ay umaabot sa 60,000 mga beteranong sundalo na ipinadala ng Roma para sa all out war sa mga rebelde Zealots at mga tulisan Sicarii.

Legionaries
Dahil inabot ng Paskwa o Passover ang planong paglusob ni Titus, hinayaan ni Titus na makapasok sa Jerusalem ang mga Hudyo (Pilgrim) na mula sa iba't ibang bayan upang ipagdiwang ang okasyon ngunit hindi na niya hinayaan ito ay makabalik o makalabas ng Jerusalem. Sa pagkakataon ito lahat ng mga pagkain at tubig na papasok sa lunsod ay kanyang hinarang (Blockade).

Si Titus at ang negosyador, kasama si Josephus Flavius bilang interpreter ay nagtungo sa bukanan ng Temple Mount upang makipag negosasyon sa mga lider na sila Simon bar Giora ng Sicarii at John ng Giscala ng Zealots. Sapagkat isa sa mga tradisyon sa digmaan na bago ito ay magsimula, ang mga pinuno ay binibigyan ng pagkakataon makapagusap upang sa isang negosasyon ng pagsuko.

Habang papalapit ang grupo ni Titus nakita ni John si Josephus na kanyang mortal na kaaway kaya agad niyang pinagutos na magpakawala ng mga palaso at tinamaan agad ang negosyador na ikinamatay nito habang si  Titus at Josephus ay nakaligtas sa patraydor na pagatake mula kay John ng Giscala sa pamamagitan ng Testudo Formation ng mga Legionaries


Testudo Formation isa sa mga military tactics ng Legionaries
Ang pagatake ni John ay nangahuhulugan ng pagsisimula ng digmaan. Pumuwesto sa timog bahagi ng haligi ang 15,000 Sicarii ni Simon, sa silangan parte naman ang 2,400 na kawal ng Zealots, at sa hilaga naman ang 6,000 kawal ni John.

Temple- East (Silangan) , Old town- South (timog), Bezetha- North (hilaga), Palace-West (kanluran)
Halos kalahating milyon mga Israelitang manlalakbay mula sa iba't ibang bayan para sa kapistahan ng Paskwa (Passover) ang di makalabas at nakulong sa parteng hilaga ng Jerusalem (Bezetha) at sila ngayun ay nasa pagitan ng labanan. Pumuwesto ang mga Legionaries sa harapan ng hilagang haligi ng Bezetha dahil karamihan sa mga haligi ay nasa gilid ng lambak kung kaya ito lamang ang tanging paraan upang makapasok ang puwersa ng Roma sa loob ng Jerusalem. Nakita ni John ang paghahanda ng kalaban at nagplaplano siyang maglunsad ng malawakan pagatake sa mga Legionaries ngunit pinangangambahan niya na kung sakali sila ay umatake ay baka pagsarhan sila ng gate ni Simon bilang paghihiganti sa pagkakapatay niya sa kanyang anak na si Eleaser, kaya di na niya tinuloy ang plano. Unti unti ipinuwesto ng mga Legionaries ang mga catapolt sa harapan ng Bezetha, at matapos isaayos at ikasa ang mga naglalakihang mga adobe, ay sabay sabay nila itong pinakawalan sa ere.



Ang Catapulta by Edward Poynter (1868)
Umulan ng malalaking adobe sa loob ng Jerusalem at nagsisipagtakbuhan ang mga tao upang makaiwas sa mga nagliliparang mga bato. Marami ang nahagip at namatay at karamihan ay mga bata at matatanda. Habang isinasagawa ang pagbomba ng adobe ang mga Legionaries ay unti unting lumalapit sa haligi bitbit ang malaking ram at siege tower upang basagin ang haligi ng Bezetha. Bukod sa mga nagliliparan adobe ay nagliliparan din ang mga palaso mula sa magkabilang panig ng Legionaries at Defenders (Zealots & Sicarii).
 
Ang Ram at ang Sige Tower

Dahil mas mataas ang siege tower kaysa sa haligi ng Jerusalem ang mga Defenders ay di makapuwesto sa mga naglalakihang palaso na pinupukol sa kanila. Kaya nawalan ng dipensa ang haligi ng Bezetha habang patuloy na binabasag ng ram ang haligi nito. Sa ika-15 araw na pagatake sa haligi ng Bezetha ang haligi ay tuluyan gumuho at nakapasok ang mga Legionaries sa loob,

 Agad sila hinarang ng mga Defenders at nagsalpukan ang dalawang puwersa, nagpatuloy ang labanan sa iba't ibang kalye ng Bezetha, ang labanan ay umabot ng 4 na araw at marami sa Defenders ay nalagas. Naitulak ng puwersa ng Legionaries ang mga Defenders hanggang sa ikalawang haligi  ng Jerusalem ang Antonians wall.

Si Josephus habang nakikipag usap sa mga Defenders na sumuko.
 Muli nagpadala ng negosyador si Titus sa mga Defenders at si Josephus ang tumayong negosyador. Inalok ni Titus ang mga kawal ng Defenders na sumuko at sumanib sa Legionaries upang mailigtas ang kanilang mga mahal sa buhay (turncoat). Ngunit hindi kombensido ang mga lider ng Defenders bagkus kumuha ng bato si John at ipinukol niya ito, at tinamaan si Josephus sa ulo ng naging sanhi ng pagkawalan niya ng malay. Dahil dito nagpatuloy muli ang labanan, nagtayo ang Legionaries ng mga siege tower at ito ay inumang sa tapat ng Atonian Fortress, umatake ang grupo ni John at kanila ito sinunog at ang mga nalalabing siege tower ay nawasak naman ng grupo ni Simon at dahil sa pagkasira ng mga siege tower unti unti naitataboy palabas ng Mount Temple ang mga Legionaries.




Napagtanto ng mga heneral ng Legionaries na ang Defenders ay may kakayahan makipaglaban ng matagalan at mabawi ang Bezetha kung kaya't sila ay nagbago ng plano. Naglagay ang Legionaries ng karatula sa tapat ng haligi na may libreng pagkain pinamimigay ang Roma para sa mga mamayan ng Israel sa bungad ng Bezetha, dahil dito ay naglabasan ang mga kalalakihan at kababaihan sa inaakalang may pagkain ngang ipinamimigay ngunit sila ay pinagdadakip at pinagpapapako sa krus, mahigit 500 kada araw ang pinahihirapan at pinapako sa krus ng mga Legionaries at ito ay naging libangan nila ang magpako sa krus sa iba't ibang klase ng posisyon.
Halos wala ng magamit na krus sa dami ng kanilang pinagpapapako at wala na din mapuwestuhan ang krus na umabit halos isang kilometro ang kahabaan. Sa kabuuang bilang ayon kay Josephus ang pinako sa krus ay umabot ng 3, 600 at dinig sa buong dako ng Jerusalem ang mga panaghoy ng mga nakapako. Sinubukan ng Legionaries na gutumin ang mga Defenders at mga tao sa loob ng Mount temple at pinaligiran nila ng mga matutulis na bakod (palisade) ang buong paligid nito upang walang makatakas.

Nagtayo din sila ng Kampo sa loob ng Bezetha upang sa gayon ay masukol nila ang nagnanais tumakas (Close Blockade). Ang lambak ng Kidron at Hinnom ay napuno ng dagsadagsang mga bangkay, isa sa mga bumaligtad na defenders ang nagsabi kay Josephus na ang bilang nalang ng natitirang defenders ay nasa higit kumulang 115,880 ng malaman ni Titus ang bilang ay itinigil na niya ang pagpapahirap sa mga nahuhuli nilang Israelita. Maraming mga sibilyang Israelita ang pinagpapatay ni Simon kapag nahuling tumatakas para sumanib sa mga Romano. Ang mga iba na nakatakas sa loob at umabot sa bakod ng matutulis na kahoy ay nahaharang ng mga nagbabantay na kawal ng Romano at sila ay hinuhuli at binibigyan ng pagkain. Dahil sa tindi ng gutom ng mga nabihag sila ay nagsikain ng labis at nangamatay. Dahil sa misteryong pangyayaring ito sa mga bihag isang dalubhasa ang nagsuri sa kanilang katawan at ng kanilang buksan ang tiyan ay tumambad sa kanila ang mga gintong barya na nilunok ng mga tumakas na siyang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
Nagtayo ang mga Legionaries ng ikaapat ng kampo sa loob ng Bezetha
 mula sa iba't ibang grupo na pinagsama upang makabuo ng panibagong batalyon.
Isa sa mga bumaligtad (turncoat) ay ang isang sikat na Rabbi o guro ng mga panahon na iyon si Yohanan ben Zakkai, siya ay nagpanggap na patay sa loob ng ikalawang haligi at ng mailabas ang mga bangkay siya ay sumuko at nailigtas niya ay kanyang buhay, Nang makita niya si Titus ay kanya itong hinulaan na magiging Emperador tulad ng kanyang ama, natuwa si Titus sa propesiya ni Yohanan at ito ay kanyang pinakawalan. Dahil sa kakulangan ng kahoy inabot ng 3 lingo ang pagbubuo ng mga siege tower, at matapos nga na ito ay mabuo ay muling narinig ang paghataw ng ram sa muog ng haligi hanggang sa ang haligi ng Antonia ay gumuho at tumambad sa kanilang harapan ang panibagong haligi. Nang gabi ng buwan ng July sumampa ang 24 na Legionaries sa haligi at napatay nila ang mga tanod dito. Naging kumpante ang mga tauhan ni John na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang depensa. Pinasok ng mga tauhan ni Titus ang lunsod mula sa mga butas na ginawa ng mga tauhan ni John at bandang alas-3 ng umaga isang trumpeta ang pinatunog ng Legionaries bilang hudyat ng sabay sabay na pagatake. Ang labanan sa pagitan ng Defenders at Legionaries ay umabot sa 10 oras at marami sa mga Defenders ang namatay sa labanan. Nagsiurong ang mga natitirang kawal ni John papuntang templo.

Noong ika-10 ng Augusto nagpaulan ng malaki at nagaapoy na palaso ang Roma patungo sa bukana ng Templo upang mabuwag ang haligi na siyang huling dipensa ng mga Defenders. Pinasok ni Titus at kanyang mga kawal ang kabanal banalang lugar ng templo sa pamamagitan ng pagdaan sa isa sa mga bintana nito at napatay nila ang mga Defenders na nagaabang sa bukanan pinto ng templo.
Si Titus sa kanyang pagpasok sa kabanal banalang dako ng Templo
Isang kawal ng Legionaries ang nagtapon ng sulo sa loob ng templo at ang templo ay unti unting nilamon ng apoy. 

Ang pagkasunog ng Banal na Templo
Anim na libong mga kababaihan at mga bata ang naging bihag ng mga Legionaries samantala ang mga nalabing Defenders ay nahuling nagtatago sa mga sapa kasama si John. Si Simeon ay nakitang nakatayo sa templo suot ang kasuotan ng isang saserdote at siya ay agad inaresto. Ang mga bihag ay dinala sa bansang Roma upang gawin alipin ang iba naman kalalakihan ay sinanay upang gawin gladiator at nangamatay sa arena.


 Ang iba ay naging laborer sa paggawa ng Titus Tunnel o Seleucia sa Syria


 habang ang ilan ay sa pagtatayo ng Colosseum sa Roma.



 Si Simon ay dinala sa Roma at kasamang ipinarada ni Titus pagkatapos ng parada ay hinatulan ng kamatayan si Simon sa pamamagitan ng paghulog sa bangil, habang si John ng Giscala ay nahatulan ng panghabang buhay na pagkabilango bilang pabuya kay Josephus, pinaniniwalaan na si John ng Giscala ay namatay sa kulungan.


 Desertknightfm Rhojel's Personal Thought


Nitong nakaraan buwan ay naging mainit ang issue sa social media tungkol sa Code of Honor, ngunit ano ba talaga ang kahalagahan nito sa usapin ng pamumuno at pamamahala? Sa kasaysayan ng digmaan, sa pagitan ng Israel at Roma ay naisalarawan ang epekto ng kawalan ng dangal ng isang lider , na bago pa sila atakihin ng kanilang kalaban ay nilipon na sila ng kanilang mga sarili dahil sa pagkagahaman sa kapangyarihan, kasakiman, kawalan desiplina at prinsipyo sa kanilang pinaglalaban.

Ang pamumuno ay sagradong pusisyon, at anuman mangyari sa mga taong ating pinamumunuan ay malaking pananagutan sa D_s. Kung nanatili sana ang kautusan at katuruan ng D_s sa mga namuno sa Rebolusyon at hindi ang pangsariling interest ang nangibabaw, ay di mauuwi sa pagkaalipan at pagkamatay ng libolibong mga inosente at maaaring may pagasa pa ang himagsikan ay manalo sa tulong ng mga haligi ng Temple Mount.


"Tunay ang kasabihan na ang sarili ang iyong mortal na kaaway kung wala kang pinahahalagahan Dangal talo ka."

Marahil pinagiisipan parin natin hanggang ngayun kung ano ba talaga ang Code of honor na sinusunod ng mga kadete sa PMA? Isang simpleng katanungan na may simpleng sagot at ito iyon " cadet does not lie, cheat, steal, or tolerate those who do,”  siguro naman hindi muna kailangan maging kadete upang maintindihan ang Code of honor kahit simpleng mamayan ay puwedeng magkaroon ng dangal tulad ng isang mandirigma kung ipapamuhay natin ang prinsipyong ito.

Sabi nga ni  Wiktionary ang "DANGAL" ay malinis at dalisay na katangian ng pangalan at pagkatao na nasusukat sa pagpapahalaga sa karangalan o dignidad. Ang kawalan ng pagpapahalaga sa makadiyos at makataong pag uugali ay siyang dahilan ng di pagkilala sa tunay na dangal ng tao. Dahil dito, nagiging salaula at pariwara ang maraming tao dahil sa pag aakala na kapag nabigo sila sa unang pagsalubong ng pagsubok ay wala nang saysay ang kasunod na haharapin sa buhay. Isa nga itong maling pananaw dahil ang dangal ay nahuhubog sa pamamagitan ng paninindigan sa katuwiran, may pagkukulang man sa umpisa o kasunod, mahalaga pa rin na maging marunong ang tao sa pagtimbang sa pagitan ng katuwiran at katiwalian, sa panlilinlang at sa katarungan. Dito ipinakikita ang kasalimuotan ng buhay dahil hindi ito isang iglap lang kundi umiiral sa mahabang panahon. Ang dangal ay maaring igawad sa tao ng isang tadhana na nilikha rin ng D_s ukol sa kaniya , tulad nang nangyari kay job sa kasaysayan sa Biblia. Mahalaga ang dangal ng tao ay nakasalig sa katotohanan ng Dios dahil siyang ngang tunay at matibay hindi kagaya ng dangal na karaniwan ay pakitang tao at pakitang mukha lang na ipinandadaya sa paningin ng nakakarami sa mga pamayanan.

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento