Ni: Desertknightfm Rhojel
At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. ~ Daniel 9:26
Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. ~Matthew 24:2
Ang natitirang moog ng banal na templo ay kanyang pinatibag at sa lugar kung saan ito ay dating nakatayo ay kanyang ipinatayo ang templo na kanyang inihandog sa dios na si Jupiter Capitolinus, pinatigil din niya ang tradisyon ng mga Hudyo na pagtutuli sapagkat sa paniniwala ng mga Grego at mga Romano ang pagtutuli ay isang barbarong gawain. Ang pagtatayo ng templo ni Jupiter sa dating banal na lugar at ang pagpapahinto sa pagtutuli ay naging mitsa ng panibagong rebelyon ng mga Hudyo na pinangungunahan ni Simon bar Kokhba at Akiva ben Joseph o kilala sa tawag na Rabbi Akiva. Upang hadlangan ang rebelyon ay pinatawag ni emperador Hadrianus ang kanyang heneral na si Sextus Julius Severus na nakahimpil sa Britanya. Sa pakikidigma ng mga hudyo sa kawal ng Roma, maraming kawal ng Roma ang nalagas sa labanan na halos maubos ang batalyon ng XXII Deiotariana. Noong ika-135 C.E. nagapi ni heneral Severus ang rebelyon matapos ang 3 taon labanan na ikinasawi ng 580,000 mga hudyo. Dahil sa pagaakala ni Hadrianus na ang pinagmumulan ng rebelyon ay ang Judaism, kanya itong pinagbawal pati na ang pagbabasa ng banal na aklat na Torah at paggamit ng Hebrew calendar. Upang mabura ang ala ala ng Judea na madalas pagmulan ng rebelyon ito ay kanyang pinalitan ng pangalan at tinawag na Syria Palaestina at pinagbawalan ang mga Hudyo na pumunta sa lugar na ito.
Noong 140 C.E.: Natapos ang pagpapatayo ng 2 templo na inalay kay Jupiter sa Temple Mount at ang templo na inalay kay Venus na itinayo sa Golgotha o kalbaryo ng pinagpakuan kay Jesus.
Noong 195 C.E.: Si Narcissus of Jerusalem ang patriyarka ng Jerusalem ang namagitan sa konseho ng mga kristiyanong obispo sa Caesrea, at pinagkasunduan na ang Easter o muling pagkabuhay ni Hesus Kristo, ay isasagawa sa unang lingo matapos ang full moon (paschal fullmoon) hiwalay sa nakaugalian na pagsabay sa pagdiriwang ng Jewish Passover , na ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan o full moon sa buwan ng Nisan o sa Julian Calendar ay sa pagitan ng buwan ng Marso at April, kung saan nagaganap ang tinatawag na vernal equinox o halos pagkapareho ng haba ng gabi at araw sa panahon na ang mundo ay tumatapat sa kalagitnaan ng kanyang paginog sa araw. Ang vernal equinox ay panahon ng tagsibul mula sa pagkatuyot hanggang sa pagkasariwa at mula sa pagkamatay hanggang sa pagkabuhay na muli.
Noong 140 C.E.: Natapos ang pagpapatayo ng 2 templo na inalay kay Jupiter sa Temple Mount at ang templo na inalay kay Venus na itinayo sa Golgotha o kalbaryo ng pinagpakuan kay Jesus.
Noong 195 C.E.: Si Narcissus of Jerusalem ang patriyarka ng Jerusalem ang namagitan sa konseho ng mga kristiyanong obispo sa Caesrea, at pinagkasunduan na ang Easter o muling pagkabuhay ni Hesus Kristo, ay isasagawa sa unang lingo matapos ang full moon (paschal fullmoon) hiwalay sa nakaugalian na pagsabay sa pagdiriwang ng Jewish Passover , na ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan o full moon sa buwan ng Nisan o sa Julian Calendar ay sa pagitan ng buwan ng Marso at April, kung saan nagaganap ang tinatawag na vernal equinox o halos pagkapareho ng haba ng gabi at araw sa panahon na ang mundo ay tumatapat sa kalagitnaan ng kanyang paginog sa araw. Ang vernal equinox ay panahon ng tagsibul mula sa pagkatuyot hanggang sa pagkasariwa at mula sa pagkamatay hanggang sa pagkabuhay na muli.
Noong 313 C.E.: Itinatag ang Brotherhood of the Holy Sepulchre sa Jerusalem matapos na lagdaan ni Constantine I ang Edict of Milan, ito ay para sa paglelegalisasyon ng Kristyanismo sa buong Emperyo ng Roma. Lumaganap ang pagpapatayo ng mga simbahan katoliko kabilang dito ang mga pinatayong simbahan sa Jerusalem ng mga kristiyano.
Noong 324–325 C.E. : Napagwagian ni Emperor Constantine ang Civil Wars of the Tetrarchy (306–324) at kanyang napagisa ang Emperyo. Matapos ang ilang buwan, ang First Council of Nicaea (first worldwide Christian council) ay dinaos upang pagtibayin ang pagiging patriarchate ng Aelia. Dito din naganap ang makasaysayang pagkakatipon at pananatili ng mga kristiyano sa lunsod. Sa panahon din ito napagkasunduan baguhin at ibalik sa orihinal na pangalan na Jerusalem ang lunsod. Ang mga Hudyo ay pinagkalooban ng pagkakataon na pumasok sa Jerusalem upang magdasal sa Wailing wall o Kotel (Western Wall ) minsan sa isang taon sa tuwing sasapit ang Tisha B'Av.
Si Constantine At Ang Paglaganap ng Kristyanismo
Si Constantine ay ipinanganak noong taon 272 C.E. sa lunsod ng Naissus. Ang lunsod ay nasa probinsya ng Moesia na sa panahon ngayun ay kilala sa ngalan na Serbia. Ang kanyang ama ay si Flavius Constantine na isang opisyales ng gobyerno ng Roma hanggang sa ang kanyang ama ay naging pangalawa sa pinakamataas na posisyon ng pamamahala sa ilalim ng pamumuno ni Emperador Diocletian.
Si Constantine ay lumaki at namulat sa bahay pamahalaan ni Emperador Diocletian. Siya ay nagkaroon ng maayos na edukasyon, siya ay natutong magbasa at sumulat ng dalawang dayalekto ang Latin at Greek. Siya ay nakapagaral tungkol sa mga pilosopiya ng Greyego at naging alagad ng sining pang tiyatro. Bagamat siya ay namuhay sa isang maginhawang pamumuhay, siya ay nanatiling bihag ni Diocletian upang masiguro ang katapatan ng kanyang Ama sa kanya.
Di naglaon si Constantine ay naging ganap na mandirigma at nakipag laban alang-alang sa Roma. Kanya din nasaksihan ang pagusig at pagpatay sa mga Kristiyano ni Emperador Diocletian.
Nang si Diocletian ay dumanas ng malubhang karamdaman, kanyang pinatawag si Galerius bilang tagapagmana ng kanyang trono. Hindi nakalusot kay Galerius ang pagaalala sa ama ni Constantine bilang karibal sa posisyon kung kaya't pati ang buhay ni Constantine ay nanganganib. May mga pagkakataon na ilan ulit ng pinagbantaan patayin si Constantine ng mga tauhan ni Galerius ngunit lahat ng ito'y kanyang naiwasan. Dahil dito si Constantine ay tumakas at sumama sa kanyang ama sa Britanya. Duon siya ay nahasa ng ilang taon sa pakikidigma kasama ang kanyang ama.
Ang kanyang ama ay nagkaroon ng malubhang karamdaman, at siya ay ginawang Augustus ng parteng kanluran ng Roma upang ipagpatuloy ang pamamahala at pagtatanggol ng kanyang ama. Kanyang pinamahalaanan ang Britanya, Gaul, at Ispanya at kanya ito pinalakas at pinagtibay. Kanya ito pinaunlad sa pmamagitan ng pagtatayo ng mga gusali at maaayos na daanan. Ang kanyang pamamahala ay nakarating sa lunsod ng Trier sa Gaul kung saan ang depensa ng lunsod ay kanya pang pinatatag. Pinaunlad din niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pampublikong gusali.
Sinimulan din niya ang pananakop ng mga kalapit bayan sa pamamagitan ng kanyang napakaraming mga kawal, hanggang ang nasasakupan ng Roma ay unti unting lumalaki. Nakakitaan siya ng mabuting kalooban ng kanyang mga nasasakupan at tinanghal na mabuting lider. Kanya din pinatigil ang pagusig at pagpatay ng mga Kristiyano sa lahat ng kanyang nasasakupan.
Nang mamatay si Emperador Galerius noong 311 C.E. maraming mga makapangyarihan opisyales ng Roma ang nagnanasa sa posisyon ng pagiging emperador at di naglaon ang digmaan sibil ay nangyari. Si Maxentius isang maimpluwensyang tao ang nagdiklara sa kanyang sarili bilang isang emperador. Kanyang pinamahalaanan ang Roma at Italya. Ang balitang ito ay nakarating kay Constantine kung kaya't agad siyang nagpunta ng Roma upang harapin si Maxentius.
Habang si Constantine ay papalapit sa Roma noong 312, siya ay may pagaalala. Ang kanyang puwersang pandigma ay halos wala pa sa kalahating bilang ng puwersa ni Maxentius. Isang gabi bago sila magharap ni Maxentius sa isang labanan, si Constantine ay nanaginip at sa kanya ay may nagsabi na mananalo lang siya kung siya ay makikidigma sa ilalim ng simbulo ng Kristiyanismo ang Krus. Kaya't ng kinaumagahan lahat ng kanyang mga kawal ay kanyang pinahanay at iniutos na ang kanilang kalasag ay pintahan ng krus. Sa bilang na 20,000 na kawal ni Constantine ay kanyang nagupo ang may bilang na 100,000 na kawal ni Maxentius na isang masasabing himala mula sa D_s. Dahil dito ang buong emperyo ng Roma ay sumailalim sa pamumuno ni Constantine.
Matapos ang digmaan, Nakipag alyansa si Constantine kay Licinius mula sa silangan. Ang emperyo ng Roma ay nahati sa dalawa. Ang Silangan ay pinamamahalaanan ni Licinius habang ang kanluran naman ay kay Constantine.
Matapos ang digmaan, Nakipag alyansa si Constantine kay Licinius mula sa silangan. Ang emperyo ng Roma ay nahati sa dalawa. Ang Silangan ay pinamamahalaanan ni Licinius habang ang kanluran naman ay kay Constantine.
Noong 313, nilagdaan ang Edict of Milan na ang nilalaman nito ay ang paghinto o pagbabawal sa sinuman sa buong emperyo ng Roma ang paguusig o pananakit sa mga Kristiyano at simula noon si Constantine ay naging tagasunod sa pananampalataya ng Kristyanismo.
Ang pagbawtismo kay Constantine bilang isang Kristiyano. |
Nagpatuloy ang pagpapagawa ng malalaking gusali sa lunsod ng Roma. Kanyang pinatayo ang isang napakalaking Basilika.
Kanyang pinaayos ang Circus Maximus at ang tanyag na the Arch of Constantine bilang pagalaala sa kanyang pagtatagumpay laban kay Maxentius.
Kanyang pinaayos ang Circus Maximus at ang tanyag na the Arch of Constantine bilang pagalaala sa kanyang pagtatagumpay laban kay Maxentius.
Noong 330 pinatatag ni Constantine ang bagong kapitolyo ng Emperyong Roma. Ito ay kanyang itinatag sa lunsod ng Byzantium. Ang lunsod ay nakilala sa pangalan na Constantinople bilang parangal kay Constantine. Ang Constantinople sa mga sumunod na kasaysayan ay naging kapitolyo ng silangan Emperyo ng Roma na tatawagin na Byzantine Empire.
Ang Arko na inialay kay Constantine the Great |
Nagpatuloy ang pamamahala ni Constantine sa Emperyo ng Roma hanggang sa siya ay namatay noong 337 C.E. Siya ay inilibing sa Church of the Holy Apostles sa Constantinople at tinanghal na isang santo.
Ilang sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Constantine.
- Ang kanyang buong pangalan ng siya ay ipinanganak ay Flavius Valerius Constantinus
- Ang lunsod ng Constantinople ay tinanghal na pinaka mayaman at pinaka malaking lunsod noong Middle Ages hanggan sa ito ay mapasailalim sa pananakop ng Ottoman Empire noong 1453. Ngayun ang lunsod ay kilala sa pangalan na Istanbul, ang kapitolyo ng Turkey.
- Noong 326 C.E. Isinugo niya ang kanyang ina na si Helena sa banal na lupain (Jerusalem) kung saan sa tulong ni Macarius of Jerusalem ay nahanap ng kanyang ina ang piraso ng krus na pinagpakuan kay Jesus at ang pako na ginamit. Pinangasiwaan din ng kanyang Ina ang pagtibag sa templo na itinayo para kay Jupiter at Venus sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay ginawang Santa ng simbahang Katolika. Sa Pilipinas ang piyesta ng Krus ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo at isinasadula ang pagkakanap ng krus ni reyna Elena sa pamamagitan ng Santakrusan.
St. Helen of the Cross |
- Marami ang naniniwala at nagsasabi na ang nakita ni Constantine sa kanyang panaginip ay ang letrang Griyego na Chi at Rho na ang ibig sabihin ay Kristo.
- Siya ay nabawtismuhan lamang bilang kristiyano ng bago siya mamatay.
- Noong 326 Ang kanyang asawa na si Fausta at ang anak na si Crispus kay Minervina ay kanyang pinapatay. Bakit? eto po ang buod ng istorya. Si Fausta at Crispus ay halos magkasing edad lamang. Bagamat marami ang nahihiwagaan bakit pinapatay ni Constantine ang dalawang malapit sa kanyang puso at ito ay naging palaisipan at pinagdebatihan. Sa pagsasaliksik kung ano ang naging motibo ng pagpatay ito ay ipinaliwanag ni Zosimus noong 5th century at Joannes Zonaras noong 12th century. Sa kanilang naitalang ulat, lumalabas na si Fausta ay may kaisaisang lalaking anak kay Constantine siya ay si Constantine II. Dahil sa pinatunayan tagumpay sa pakikidigma ni Crispus anak ni Constantine kay Minervina siya ay mas kwalipikadong magmana ng trono bilang emperador. Dahil dito sa tindi ng paninibugho ni Fausta dahil maaagawan pa ng trono ang kanyang anak na si Constantine II ay kanyang sinet up si Crispus, ang kanyang stepson na halos kaidaran lang niya. Kinausap ni Fausta si Crispus at sinabi na meron siyang pagtingin dito at inalok makipagrelasyon sa kanya ngunit ito ay tinanggihan ni Crispus at umalis ng palasyo na tulala at di makapaniwala sa plano ng kanya stepmother na pagtataksil sa kanyang ama. Agad nagsumbong si Fausta kay Constantine at pinalabas na si Crispus ay walang respeto sa kanyang ama at siya ay pinagtangkaan ligawan at gahasain kaya pinaalis niya ito sa palasyo. Dahil pinaniwalaan ni Constantine ang sumbong ng kanyang asawa, sa sobrang galit at maikling pagtitimpi ay kanya pinaaresto ang anak at hinatulan ng kamatayan. Matapos ang ilan buwan ayon na din sa mga kaibigan na pinagsabihan ng prublema ng kanyang anak ay tumambad kay Constantine ang katotohanan na ang lahat ay gawa gawa lamang ni Fausta upang mawala si Crispus bilang karibal ng kanyang anak sa trono. Dahil dito pinapapatay si Fausta ni Constantine sa kanyang tapat na tuhan, nagkaroon ng pagkaantala sa pagpatay dahil noong panahon na iyon si Fausta ay nagdadalangtao, kaya't hinintay muna na makapanganak ito bago isinagawa ang planong pagpatay. Makalipas ang ilan buwan ng pagkapanganak, habang si Fausta ay nasa steam bath sadyang nilakasan ang buga ng usok nito na naging sanhi ng sagkaang paghinga at dagliang pagkamatay. Kaya't upang di pagusapan ang isyu at makaiwas sa kahihiyan nagpasya si Constantine na idiklara si Crispus at ang kanyang asawa na si Helena at anak na lalaki nito na damnatio memoriae. Si Constantine II ang humalili sa kanyang ama bilang emperador matapos ito ay mamatay.
Ang pagbagsak ng Emperyong Roma
476 C.E.
Ang bansang Roma mula sa pagiging monarkiya, republika, at kinalaunan ay naging emperyo. Noong panahon ng Imperial period, nagkaroon ang Roma ng mabubuting emperador at nagdusa din ang bansa sa mga emperador na corrupt at diktador. Mararaming dahilan bakit bumagsak ang Emperyong Roma.
- Ang emperyo ay masyadong malawak upang pamahalaanan ng maayos.
- Ang mga kawal nito ay di na tulad ng dati. Naging palasak ang corruption partikular sa mga heneral at mga banyagang kawal nito.
- Nagkaroon ng mga alitan ang bawat partidong politikal na nagdulot ng pagkakawatak watak at labanan ng mga mamamayang Roma (civil war).
- Hindi naging epektibong lider ang mga emperyong naupo dahil sa karahasan at naging tagapagmana lamang ng posisyon dahil sa ang ama ay emperador (Political Dynasty).
- Maraming mga Romano ang nawalan ng trabaho dahil sa paggamit ng mga alipin.
- Ang mayayayaman ay naging tamad at karamihan sa mga elitista ay nawalan na ng interest sa pagresulba ng mga problema ng Roma.
- Ang mga mahihirap ay pinatawan ng sobrang buwis na nagdulot ng pagaaklas sa pamahalaan ng Roma.
- Ang mga presyo ng bilihin ay nagtaasan habang ang merkado ay pabagsak ng pabagsak.
- Ang populasyon ay unti unting lumiliit dahil sa dami ng nagugutom at nagkakasakit. Ito ang dahilan din ng pagbagsak ng negosyong pang agrikultura at sistema ng pamahalaan.
- Dahil sa mga prublemang ito ang teritoryo ng Emperyong Roma ay paliit ng paliit dahil sa mga paglusob ng mga Huns, Visgoths, Franks, Vandals, Saxons at ilan mga barbarong tribo hanggang ang Roma ay kanilang masakop.
Sinubukan resolbahin ng Roma ang kanilang prublema sa pamamagitan ng paghati ng kanilang bansa sa dalawa upang sa ganon ay mapadali ang pamamahala nito. Bawat isa ay may Emperador. Ang Western Empire ay di nagtagumpay sa pamamahala at naging mahina ang gobyerno nito, kung kaya sunod sunod na pagatake ng mga Huns, Franks, Vandals, Saxons, Visgoths ang inilunsad sa Western Empire at ang tribong higit na nakasakop ay ang Visigoth noong 476 C.E. at ito ang Dark Ages ng buong Europa. Dahil ang kapitolyo ng Roma ay nasa Western side ang buong senado nito ay tuluyan nabuwag. at ang Emperyong Roma ay tuluyang nagwakas.
Ang natitirang bahagi ng emperyo sa Eastern side ay nagbago ng kanilang titulo at nakilala bilang Byzantine Empire at nagtagal ng isang libong taon bago ito sakupin ng Ottoman Empire.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento