Desiderata
- Magpatuloy kang mahinahon sa gitna ng kaguluhan at pagmamadali,
- at tandaan kung anong kapayapaan ang maaaring mayroon sa katahimikan.
- Hangga’t maaari, walang pagsuko,
- magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga tao.
- Sabihin ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw;
- at pakinggan mo ang iba,
- kahit na ang walang sigla at walang nalalaman;
- mayroon din silang sari-sariling mga salaysayin.
- Iwasan mo ang matitingkad at mararahas na mga tao;
- nakaliligalig sila sa kaluluwa.
- Kapag inihambing mo ang iyong sarili sa iba,
- maaari kang maging hungkag o may kapaitan,
- palaging magkakaroon ng mga nakalalamang at mas mababang mga tao kaysa iyo,
- Kasiyahan ang iyong mga naisagawa, maging ang mga balakin mo.
- Manatiling nahuhumaling sa iyong larangan, gaano man kababa;
- Isa itong tunay na pag-aari sa pabagu-bagong katalagahan ng panahon.
- Magsagawa ng pag-iingat sa iyong mga pakikitungong pangpinagkakaabalahan,
- sapagkat puno ang daigdig ng panlilinlang.
- Ngunit huwag mong hayaang bulagin ka nito sa kung anumang naririyang kabutihang-loob;
- maraming mga taong nagsusumikap para sa matataas na mga pamantayan,
- at kahit saan man, puno ang buhay ng pagkabayani.
- Maging ikaw ka. Natatangi na ang hindi pagkukunwari sa saloobin.
- Huwag ring maging makutyain hinggil sa pag-ibig,
- dahil sa mukha ng lahat ng katigangan at pagkaakit,
- panghabang panahon itong katulad ng damo.
- Malugod mong tanggapin ang pangaral ng mga taon,
- Habang may kayumiang isinusuko ang mga bagay ng kabataan.
- Mag-alaga ng lakas ng kaluluwa upang mapananggalang ka sa biglaang dagok ng kapalaran.
- Ngunit huwag mong guluhin ng madirilim na mga palapalagay ang iyong isipan.
- Maraming mga takot ang isinisilang mula sa kapaguran at pangungulila.
- Sa kabila ng kaayaayang katakdaang pang-asal,
- maging banayad sa iyong sarili.
- Isa kang anak ng sanlibutan
- na hindi mababa kaysa mga puno at mga bituin;
- mayroon kang karapatan sa pagiging naririto.
- At kahit na malinaw man sa iyo o hindi,
- walang pag-aalinlangang lumalantad ang sanlibutan ayon sa nararapat.
- Samakatuwid, mamayapa ka sa piling ng Diyos,
- sa kung anumang paraan mo siya nauunawaan.
- At kung ano man ang iyong mga gawain at mga hangarin,
- sa loob ng magulong kalituhan ng buhay,
- Kupkupin ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.
- Sa kabila ng kanyang kahungkagan, kabagalan, at sawing mga pangarap,
- isa pa rin siyang magandang daigdig.
- Maging masiyahin. Magsikap kang maging maligaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento