Words of Wisdom : "Code of Honor"
A Mason's accompishment....mabuhay ka kuyang BGen. Alex Balutan......isang Marino....isang Mandirigma....isang MASON!!!!!!!! uHAAAAAAA!!!!!!! ~ Jojo De Onon
|
|
Last year, we liberated the Mun of Palimbang, Sultan Kudarat, from the claws of vicious criminal elements when I deployed the 7th Marine Battalion there. This was highlighted by the confiscation of 60K bdft of illegal logs and another 100K bdft more that followed being used as source of terror money. Cache of bomb making materials (IEDs) was recovered from their mountain lairs. We neutralized high profile criminal leaders and curved down extortion, piracy and killings. We have turned around the economy of the Town in a short period that recently received the coveted Seal of Good Housekeeping due to timely intervention of the Marines. In celebration of the spirit of EDSA Revolution on Feb 24-25, this is our humble contribution and suffice to say that we have returned the Peoples' Power in this part of the country. This is how deep the PMA's HONOR CODE is ingrained in me.
"TOUCHING LIVES...WINNING THE PEACE." |
|
Just only my opinion "Code of Honor" in the case of Cadet. AJ. Cudia
TumugonBurahinMinsan may mga pagkakataon na ilan sa ating mga pinoy ay sobra makapanghusga. Kulang nalang sabihin na kung si Juan Dela Cruz ay nagkasala dapat parusahan pati ang kanyang buong pamilya o sunugin pati ang bahay. Bagama’t nakakapagtaka na sa mga cadet affair tulad nito ay kailangan pang kaladkarin sa publiko or social media ganon may tamang proseso ng pagdinig at pagpataw ng parusa sa mga kadeteng nagkakasala. Marahil na isang dahilan ni ate ay mangolekta ng simpatya at palabasin na sila ang tama at mali ang PMA. Dahil dito sila ay hindi nabigo because due to trial by publicity ayan abot abot na batikos nanaman mula sa mga miron ang inaabot ng PMA kaya pati matitino tupok sa mga epal.
Marami nanghihinayang sa 2M daw na ginagastos ng gubyerno sa isang kadete ng PMA kung sisibakin dahil sa pagsisinungaling o pandaraya! Araaaayyyy! Ganon nalang ba kababa ang halaga ng Karangalan sa pinoy 2 million pesos forgive and forget nalang? Kung sabagay marami na nga palang kaso ng pandarangbong sa gubyerno na dilang 2 million ang pinaguusapan kundi daan-daang milyones at ngayun ano na ba nangyari sa kanila naipakulong na ba talaga sa bilibid? Nakikita natin ang butas ng karayom pero butas ng palakol nabubulag tayo. Ang isang marangal na tao di nababayaran kaya kung ang institusyon na may pagpapahalaga sa karangalan ay hindi nasisilaw, nanghihinayang, o kaya’y nabibili kapalit ay dangal, integridad, at karangalan dapat purihin pa natin ang PMA at huwag batikusin dahil nakakasiguro tayo na di nasasayang ang binabayaran natin buwis sa daang daan kadete dahil sa Code of Honor nasasala na ang mga bad guy's or future hoodlum in the uniform. Sana meron din ang mga ilang pulitiko ng Code of Honor para tumino ang bansa kaya lang priceless ito at di nakukuha sa suhol o lagay.
Sa kaso ni 1st class Cudia, kung umamin lang sana siya sa kasalanan niya sa Deliquency Report at di na nagpalusot o nagsinungaling ay demerit at touring punishment lang ang parusa, kaya lang nagsinungaling kaya ayun bumigat ang kaso imbis na conduct lang naging Code of Honor ang violation na ang parusa ay mag-resign sa tungkulin o harapin ang ostracism/expelled. Grabe no! nagsinungaling o nandaya expelled agad! Kung baga sa relasyon kapag ang karelasyon mo nahuli mo dinaraya ka o nakikipagrelasyon sa iba asahan mo sinungaling din ito dahil panay palusot siyempre hihiwalayan mo agad dahil traydor at kung hindi patuloy ka gagaguhin nito.
Paano ba nahuli? Para lang isda sa bibig nahuhuli halimbawa 3 magkasama nakagawa ng parehong pagkakasala, siyempre paghihiwalayin mo para imbistigahan eh si Cadet X nagpapalusot kung baga sa videoke challenge siya lang ang sintonado sa trio pero si Cadet Y and Z na kasama niya tugma ang paliwanag at may pagamin sa kanilang pagkakasala . Huli si Cadet X na nagsisinungaling at ang pagsisinungaling sa Code of Honor ay isang Big NO!
Ang mabuting tao kahit pasaway pero marunong umamin ng pagkakamali ibig sabihin tapat sa sarili at sa kapwa puwedeng mapagkatiwalaan. Pero ang tao na sinungaling at di marunong umamin ng pagkakamali palagay mo puwede mo ipagkatiwala sa kanya ang buhay mo o buhay ng tropa?
Mainam nga na ang ilan sa mga PMA'er eh maging pulitiko, mambabatas o pinuno ng bawat ahensya ng gobyerno para isa nalang ang tanong ng bayan sa kanila kung sakaling nakagawa o gumagawa sila ng anumalya, "All right Sir?" Dahil kung hindi all RIGHT diyan na papasok ang Code of Honor either you resign sir or put a bullet in your head to redeem your honor. Like what the Good General Angelo Reyes done. All Right?