Huwebes, Marso 6, 2014

WOW for the Month of March 2014: "International Humanitarian Law"


Words Of Wisdom: " International Humanitarian Law"

NPA: Sorry sa Davao del Sur

Ni Alexander D. Lopez

Naglabas ng pahayag ang Southern Mindanao Regional Command ng New People’s Army (NPA) na inaamin ang kanilang pagkakamali sa atake kamakailan sa bayan ng Banasalan sa Davao del Sur na ikinasugat ng apat na civilian volunteers.

“We express our deep regret and commiserate with the victims from the Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, namely Genaro Doronio Dumayas (driver), Bonita dela Cruz (nurse), Arnel Comandante Veloroso and Alberto Simbajon Cabual”, sinabi ni Rigoberto Sanchez, spokesman ng NPA sa Southern Mindanao sa isang e-mail sa Manila Bulletin.
Naganap ang pagsabog 7pm noong Marso 2, 2014 sa Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur.
Sinabi ni Sanchez na inaako ng NPA sa Southern Mindanao ang kasalanan at inaming hindi dapat ginawang target medical staff at mobile medical units dahil ang kanilang kaligtasan ay ginagarantiya ng international humanitarian law (IHL).
“We have also ordered for a full investigation and if complete data and evidence warrant, promise to undertake appropriate measures and impose disciplinary actions against the responsible NPA unit”, ani Sanchez.



Ang International Humanitarian Law (IHL)
by: Desertknightfm Rhojel

What is International Humanitarian Law (IHL)

Ano ang International Humanitarian Law (IHL) 

What is the purpose of IHL?
Ang layunin ng IHL?

IHL does not aim to prevent wars. Its purpose is to limit the human suffering caused by war. It sets out rules on the ways in which war may be waged, restricts the methods and means of warfare, ensures proportionality in the use of force and prevents unnecessary suffering and hardship.

Ang layunin ng IHL ay upang mabawasan ang paghihirap ng mga biktima dulot ng digmaan at hindi upang patigilin o hadlangan ang isang labanan. Nag bibigay ito ng gabay kung paano ang isang labanan ay isasagawa ng may limitasyon sa pamamaraan at paggamit ng tamang puwersa upang maiwasan ang hindi makatarungan paghihirap ng tao at pagkasira ng kanyang kapaligiran. 

Who is bound and protected by IHL?
Sino ang pangunahing pinahahalagahan ng IHL?

IHL applies to all parties to International armed conflicts and non –International armed conflicts. It protects all persons who are not, or who are no longer, taking part in hostilities, including:

Ang IHL ay ipatutupad sa pagitan ng anumang Armadong Partido may alitan, ito man ay Pandaigdigan o hindi. Ang pangunahing layunin ay protektahan ang sinuman hindi kabilang, o wala ng kakayahan lumaban, tulad ng mga sumusunod;
  •  Wounded and sick members of land forces and armed forces at sea;
  • Sugatan at may sakit na kawal ito man ay nasa kalupaan o karagatan;
  •  Prisoners of War;
  • Sinuman Bihag ng Digmaan;
  •  Civil and military medical services;
  • Sibilyan at mga Military Medical Officers
  •  War correspondents;
  • Mga Mamamahayag
  •  Civil Defense staff;
  • Miyembro ng Depensang Sibil tulad ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), Bumbero, Emergency Responder, at mga kauri nito.
  •  Civilians.
  • Mga Sibilyan.
 How are civilians defined and how they are protected?
Ano ba ang mga Sibilyan at paano sila poprotektahan?

A civilian is any person who does not belong to the armed forces of a Party to a conflict (Geneva Convention (Article 4), First Additional Protocol (Article 50)).

Ang sibilyan ay isang tao na hindi nabibilang sa anumang armadong partido at sa kanilang pinaglalaban.
(Geneva Convention (Article 4), First Additional Protocol (Article 50)).  
  • The civilian population comprises all persons who are civilians. The presence within the civilian population of individuals who do not come within the definition of civilians does not deprive the population of its civilian character.
  • Ang isang populasyon na binubuo ng mga sibilyan. Ang sinuman tao na nagawi sa lugar ng mga sibilyan ay hindi puwedeng ipagkakait sa kanya ang katangian ng isang sibilyan.
  •  In case of doubt about whether a person is a civilian, that person shall be considered to be a civilian.
  • At kung sakali na ang isang indibidwal ay kadudaduda ang pagkatao, hindi parin dapat isawalang tabi ang kanyang karapatan bilang sibilyan.

A. The civilian population and individual civilians shall enjoy general protection against dangers arising from military operations:

A. Karapatan ng bawat populasyon ng isang sibilyan o isang sibilyan ang kabuuang proteksyon sa anumang karahasan mula sa operasyon sa pagitan ng armadong partido. 
  •  They shall not be the object of attack;
  • Hindi ang sibilyan ang pangunahin dahilan ng anumang pagatake;
  •  Attacks against civilians by way of reprisals are prohibited;
  • Pag atake sa sibilyan bilang pagganti ay mahigpit na pinagbabawal;
  •  Indiscriminate attacks which are of a nature to strike military objectives and civilians or civilian objects without distinction are prohibited ;
  • Ang walang pasubaling pagatake sa mga militar at sibilyan na walang pangunahing dahilan ay pinagbabawal; (ito'y maaaring tamaan ang military hospital, military medical evac utility, at mga kauri nito)
  •  Acts or threats of violence the primary purpose of which is to spread terror among the civilian population are prohibited
  • Ang anumang uri ng pananakot at pandadahas ng alin mang partidong grupo sa populasyon ng sibilyan ay mahigpit na pinagbabawal;
  •  Theft and pillage are prohibited.
  • Pagnanakaw at pagkamkam ng mga ari-arian ay pinagbabawal.

B. In times of occupation:

B. Sa panahon ng pananakop:
  • Occupying power shall respect the civilians basic human rights including the prohibition of willful killing, torture or inhumane treatment, medical experiments, as well as respect for their dignity and honor and respect of religious convictions and freedoms.
  • Sa oras ng pananakop ang pangunahing karapatan pangtao ay dapat irespeto at protektahan at mahigpit na pinagbabawal ang sadyaang pagpatay, pagpapahirap o di makataong pagtrato, pageksperimento sa katawan at kalusugan ng sibilyan o pagpapahirap sa kawal na wala ng kakayahan pang lumaban. Ang bawat karangalan, dignidad, pananampalataya at kalayaan ng sibilyan ay dapat na igalang.
  • Occupying power shall also respect economic, social and cultural rights such as respect for property, prohibition of theft and pillage and respect for private property, provision of relief, right of pregnant women and children to receive medical care and preferential treatment, the right to work and the right to education.
  • Ang sinumang mananakop ay kailangan irespeto ang kabuhayan, kultura at karapatan panlipunan tulad ng pagrespeto sa mga ari-arian, pagpaparusa sa mga pagnanakaw at pangangamkam, respeto sa mga personal na pagaari, pagkakaloob ng tulong sa mga nangangailangan, pagkakaloob ng karapatan ng mga buntis, ng mga kababaihan, at mga bata sa serbisyong medikal,  at karapatan makapaghanapbuhay at magsipagaral.

How is IHL implemented?

Paano ipatutupad ang IHL?

IHL stipulates that a state is responsible for the actions of individuals who belong to it. Every internationally wrongful act of a State entails the international responsibility of that State. Even the injurious consequences of a conduct which is not prohibited and does not constitute a breach of international obligations or IHL rules entails international responsibility. States cannot escape their international responsibility.

Itinadhana ng IHL na bawat bansa o istado ay responsable sa kagagawan ng kanyang mamamayan. Lahat ng mga paglabag ng isang bansa sa itinadhana ng IHL ay kanya itong pananagutin. At ang bansa na lumabag sa IHL ay di makakatakas sa responsebilidad niya sa buong mundo.

The Hague Convention (1907) on the Laws and Customs of War on Land states that “A Party to the conflict which violates the provisions of the Conventions or of this Protocol shall, if the case demands, be liable to pay compensation. It shall be responsible for all acts committed by persons forming part of its armed forces”. This Convention is considered as an embodying rule of Customary International Law.

Ang Hague Convention (1907)  ay Batas at Alituntunin ng Digmaan ito ay nagsasaad na " Ang sinuman Partido na lumabag sa batas ng Combensyon o sa sinasaad sa Alituntunin ay kinakailangan maging responsable na bayaran ang mga pananagutan. Ang Partido ay responsable sa lahat ng pagkakasala ginawa ng kanyang tauhan bilang bahagi ng kanyang puwersa". Ang Combensyon na ito ay kikilalanin na kinatawan ng Customary International Law." 
The four Geneva Convention of 1949 and their two additional protocols of 1977 also refer to this issue of international responsibility.

Ang ika apat ng Geneva Convention noong 1949 at karagdagan na protokol noong 1977 ay tumatalakay din sa isyu ng international responsibility.

Civil responsibility

Responsebilidad bilang Sibilyan

Covers all measures that IHL violators have to take to cease their unlawful conduct and to put an end to its effects, such as ceasing the unlawful act, restitution and reparation for the injury caused, which includes both material and moral damage.

Ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga panukala ng IHL violators na kailangang gawin upang itigil ang kanilang mga labag sa batas na pag-uugali at upang wakasan ang epekto nito, tulad ng pagpapahinto ng anumang gawain labag sa batas, pagsasaayos at pagbabayad-pinsala para sa mga pinsala na dulot, na kasama ang parehong mga materyal at moral na kapinsalaan.

Criminal responsibility

Responsibilidad ng isang Kriminal

A person who planned, instigated, ordered, committed or otherwise aided and abetted in the planning,
preparation or execution of a crime referred to in IHL provisions or international law shall be individually responsible for the crime. States must bring those responsible of war crimes to trial before local courts. If this is not possible they should be brought before the international judiciary system.

Ang sinuman nagplano, gumawa, nagutos, o kaya'y kasabwat sa pagpaplano o pagsasagawa ng krimen o paglabag sa IHL provisions o International law ay pananagutin sa krimen. Ang Istado o Bansa ay responsable na lahat ng nasasangkot sa krimeng ito ay kailangan litisin sa korte. At kung ito ay hindi posible, ang lahat ng mga sangkot ay kailangan dalin sa harapan ng International Judiciary system para sa paglilitis.

How to disseminate IHL?

Paano palalaganapin ang IHL?

The Four Geneva Conventions of 1949 stipulate that States must disseminate information about IHL provisions and rules to the armed forces. The Statutes of the International Movement stipulate that National Red Cross/Crescent Societies should disseminate IM principles as well as IHL provisions to their staff and volunteers. Dissemination in times of peace would ensure the respect of these rules in times of war.

Itinadhana ng ika-4 na Geneva Conventions of 1949 na bawat bansa ay kinakailangan palaganapin ang impormasyon tungkol sa International Humanitarian Law ang mga probisyon at alituntunin sa lahat ng armadong partido mapa gobyerno man o hindi. Itinadhana din naman ng  Statutes of the International Movement ang National Red Cross/ Crescent Societies na palaganapin at ituro ang International Movement principles ganun din ang probisyon hingil sa International Humanitarian Law sa kanilang mga tauhan o staff at mga volunteers. Makatitiyak na magiging epektibo ang pagtuturo nito sa oras ng kapayapaan at higit na inaasahan na  mauunawaan at irerespeto ng lahat, maging ang mga armadong grupo o magkabilang partido ang mga batas na ito sa oras naman ng digmaan.

-SMIB- 

1 komento:

  1. Matapos aminin at humingi ng tawad ang pamunuan ng NPA. Nararapat na isuko nila sa batas ang may sala gaya ng sinasaad sa IHL. Ala po sa inyong jurisdiction ang magdesiplina at magparusa ng lumalabag sa IHL.

    TumugonBurahin