Ang kapanganakan ng Messiah
Ayon sa pagaaaral ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) noong 7-2 BCE nagkaroon ng hindi pangkaraniwang paggalaw ang ilan mga planeta (planetary alignment). Ang mga tanda sa kalawakan na nabanggit ay nangyari sa mga panahon naganap ang pagdadalangtao ni Maria, ang kapanganakan ng messiah at ang pagpunta ng 3 magi sa Bethlehem upang handugan at sambahin ang messiah. Ang lahat ng ito ay hudyat ng kaganapan ng propesiya tulad ng nakasaad sa banal na kasulatan;
" Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob (Israel), At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab (Jordan), At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi (Numbers 24:17-19)."
18At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi (Numbers 24:17-19)."
Ang Jupiter - ay simbulo ng isang hari, pagiging matuwid at tagapagligtas.
Ang Venus - ay simbulo ng isang ina.
Ang Saturn - ay simbulo ng isang tagapagtangol ng mga Hudyo.
Ang Mars - ay simbulo ng digmaan, kaguluhan, at panganib.
Ang Mercury - ay simbulo ng pagiging maliksi, tagapagbalita, at paglilinlang.
Ang Regulus - ay simbulo ng pagiginghari at ito ang pinakatala ng konstilasyon Leo.
Ang bawat konstilasyon naman ay sumisimbulo sa 12 tribo ng israel o 12 anak ni Jacob (Psalm 147:4).
Anak ni Jacob kay Leah 1-6
1. Reuben - dahil sa pakikiapid sa kinakasama ng kanyang ama (Bilhah) siya ay tinanggalan ng karapatan bilang panganay. Taglay niya ang simbulo ng Capricornus, isang kambing na inaalay sa Dios sa kapatawaran ng kasalanan, si Reuben ang umako ng kasalanan ng kanyang ama na si Jacob.
2. Simeon - isang kriminal, mamatay tao, at malupit sa mga hayop. Sinisimbulo niya ang Scorpius o scorpion o prinsipe ng kaguluhan.
3. Levi - si Levi ay isa sa mga nagbuyo kay Simeon upang patayin si Shechem isang Canaanite na lumapastangan sa kanilang kapatid na si Dinah. Sa kanyang lahi magmumula ang magiging saserdote ng Israel at tagapangalaga't tagapagpatupad ng banal na kautusan. Sinisimbulo niya ang Pisces ang dalawang isda sa konstilasyon na ang ibig sabihin ay tagapamagitan sa mga mananampalataya at simbulo ng Israel.
4. Judah -Kay Judah pinagkaloob ang karapatan ng isang panganay at tagapamuno ng buong tribo ng Israel. Siya ay tinawag na Leon na sumisimbulo sa konstilasyon ng Leo. Ang panginoon natin ay tinawag na Leon ng tribo ng Juda.
5. Zebulun - Siya ay maninirahan malapit sa karagatan at taglay niya ang simbulo ng Aquarius o tagapangalaga ng tubig.
6. Issachar - Siya ay inihalintulad sa asno (dunkey) tagapagbitbit ng mga tribo, simbulo niya ay ng Aries. Pangungunahan niya ang ilang mga tagapagbibit ng tribo sa kanilang patutunguhan.
Anak ni Jacob kay Bilhah ( Katulong ni Rachel)
7. Napthali - ay isang usa sinisimbulo niya ang Virgo o ang birhen.
8. Dan - na ang kahulugan ay katarungan, hukom. Sinisimbulo niya ang Libra o timbangan.
Anak ni Jacob kay Zilpah
9. Gad - punong tagapaglusob, sinisimbulo niya ang Sagittarius ang tagapana.
10. Asher - siya ang kakain ng taba ng lupa, sinisimbulo niya ang Tauros o baka.
Anak ni Jacob kay Rachel 11-12
11. Joseph - si Joseph ay tumanggap ng dobleng pagpapala ng isang panganay. Ang anak niyang si Ephraim at Manasseh ay inampon ni Jacob at ang dalawang ito ang sumisimbolo sa Gemini ang kambal na pagpapala.
12. Benjamin - siya ay kinumpara sa isang hayok na lobo na kanyang kinakain ang anumang natira sa pagtatagumpay. Kanyang sinisimbulo ang Cancer o alimango.
Ang mga planetary alignment at ang ibig ipaaninaw sa mga Zoroastrian.
7 BCE mula May, September at December
-Ang Jupiter at Saturn ay nagtapat sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng hari (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng mga hudyo (saturn), ng bansang Israel (picses).
6 BCE February
-Ang pagtatapat ng Jupiter, Saturn at Mars sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng haring (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng hudyo (saturn) sa panahon ng panganib, digmaan, at kaguluhan (mars) ng bansang Israel. (Ang Israel ay nasa ilalim ng pananakop ng Emperyong Roma at ng baliw na si haring Herodes)
3 BCE May
-Ang Saturn at Mercury ay nagtapat. Na ang kahulugan ay ang mabuting balita mula sa mensahero patungkol sa pagdating ng tagapagtangol (Messiah) ng Israel
3 BCE June
-Ang pagtatapat ng Saturn at Venus na ang kahulugan ay ang tagapagtangol (Messiah) ng Israel at ang kanyang Ina (Mary).
3 BCE August
-Ang pagtatapat ng planetang Jupiter at Venus sa konstilasyon ng Leo. Ang planeta sumisimbulo sa Messiah (jupiter) at ina (venus) sa konstilasyon ng kaharian ng Juda. Ang pagdadalangtao ni Maria sa magiging hari ng Israel mula sa angkan ni Juda.
3 BCE September
- Ang Jupiter ay tumapat sa Regulus, ang pinakatala sa konstilasyon ng Leo, ang kumbinasyon ng haring planeta at haring tala habang ang araw ay nasa tapat ng Virgo (Virgin Constellation, Isaiah 7:14), at Kabilugan ng buwan (New Moon) sa konstelasyon ng Leo (Judah). Ang kabilugan ng buwan sa buwan ng Elul- Tishrei (September) ay hudyat ng pasimula ng unang araw ng Rosh Hashanah o bagong taon ng mga hudyo. Ang kabilugan ng buwan ay naganap ng 05 September 3 BCE at ang kasunod nito ay ang mga paggalaw ng planeta na naganap ng 11 September 3 BCE.
Ang 12 tribo ng Israel |
Ang mga planetary alignment at ang ibig ipaaninaw sa mga Zoroastrian.
7 BCE mula May, September at December
-Ang Jupiter at Saturn ay nagtapat sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng hari (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng mga hudyo (saturn), ng bansang Israel (picses).
6 BCE February
-Ang pagtatapat ng Jupiter, Saturn at Mars sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng haring (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng hudyo (saturn) sa panahon ng panganib, digmaan, at kaguluhan (mars) ng bansang Israel. (Ang Israel ay nasa ilalim ng pananakop ng Emperyong Roma at ng baliw na si haring Herodes)
3 BCE May
-Ang Saturn at Mercury ay nagtapat. Na ang kahulugan ay ang mabuting balita mula sa mensahero patungkol sa pagdating ng tagapagtangol (Messiah) ng Israel
3 BCE June
-Ang pagtatapat ng Saturn at Venus na ang kahulugan ay ang tagapagtangol (Messiah) ng Israel at ang kanyang Ina (Mary).
3 BCE August
-Ang pagtatapat ng planetang Jupiter at Venus sa konstilasyon ng Leo. Ang planeta sumisimbulo sa Messiah (jupiter) at ina (venus) sa konstilasyon ng kaharian ng Juda. Ang pagdadalangtao ni Maria sa magiging hari ng Israel mula sa angkan ni Juda.
3 BCE September
- Ang Jupiter ay tumapat sa Regulus, ang pinakatala sa konstilasyon ng Leo, ang kumbinasyon ng haring planeta at haring tala habang ang araw ay nasa tapat ng Virgo (Virgin Constellation, Isaiah 7:14), at Kabilugan ng buwan (New Moon) sa konstelasyon ng Leo (Judah). Ang kabilugan ng buwan sa buwan ng Elul- Tishrei (September) ay hudyat ng pasimula ng unang araw ng Rosh Hashanah o bagong taon ng mga hudyo. Ang kabilugan ng buwan ay naganap ng 05 September 3 BCE at ang kasunod nito ay ang mga paggalaw ng planeta na naganap ng 11 September 3 BCE.
3 BCE November
- Ang pagtatapat ng 4 na planeta ang Jupiter, Mars, Venus, Mercury sa konstilasyon ng Leo ngunit may nagbabadyang paglilinlang at panganib. Sa mga panahon na ito naganap ang kalupitan ni Herodes sa mga kapwa niya hudyo ang paglipon niya sa Hasmonean Dynasty at pagusig sa sinuman banta sa kanya kaharian.
2 BCE February
- Ang pagtapat ng Jupiter sa Regulus (sa posisyon ng konstilasyon ng Leo) pananatili ng hari sa Jerusalem.
2 BCE May
- Ang pagtapat ng Jupiter sa Regulus (sa posisyon ng konstilasyon ng Leo) pananatili ng hari sa Jerusalem.
2 BCE June
-Ang Jupiter at Venus (magkatabi) sa konstilasyon ng Leo
2 BCE August
-Ang Jupiter, Mars, Saturn, Venus ay nagtapat. Ang planeta ng hari at reyna kasama ang tagapagtangol ng Israel ay nanganganib.
2 BCE December
-Ang Jupiter ay nagsimulang gumalaw pakanluran, mula sa pananatili nito sa tapat ng Virgo. Nagsimulang gumalaw ang haring planeta mula sa lugar ng birhen (Virgo) pakanluran. (Ang pagsunod ng magi sa mga tala upang matunton ang tinutuluyan ng maganak.)
Ayon sa obserbasyon ng mga eksperto sa astrolohiya, ang mga galaw ng planeta sa pagitang ng 3-2 BCE ay hindi pangkaraniwan at ito ay naging palaisipan sa mga Zoroastrian upang ang mga tanda na ito ay kanilang saliksikin. At dahil sa pagaaral ng mga propesiya ng mga propeta at pagkakaugnay nito sa mga tanda sa kalangitan, napagalaman ng mga magi na ang lahat ay may kinalaman sa kapanganakan ng bagong hari ng gitnang Asya (Jeremiah 23:5, Isaiah 9:6, Daniel 7:13-14), kanila din napagalaman na ang bansang pagmumulan ay nasa parteng Juda (dahil sa constilasyon ng Leo) ng bansang Israel. Dahil sa kaalaman na ito sila ay nagsimulang magsipaghanap. Ang pagpapakita ng mga tanda sa kalangitan ay isang paraan ng pagapagpapahayag ng katuparan ng mga pangako ng D_s sa kanyang mga nilalang (Psalms 1:1-4). At para sa paglilinaw, ang ginawa ng mga Zoroastrian ay hindi panghuhula kundi isang interpretasyon sa mga tanda na kanilang nakita at ang lahat ng ito ay binase sa mga sinabi ng mga propeta sapagkat alam nila na anumang mahika at panghuhula gamit ang mga bituwin o anumang bagay upang malaman ang mga mangyayari sa hinaharap ay isang pagsalangsan sa banal na utos at ito ay isang uri ng dibinasyon na sumasalungat sa kanilang paniniwala (Deuteronomy 18:9-11).
Sa mga panahon ng mga pagbabago ng mga bituwin sa kalangitan, walang sinoman ang nakakabatid sa mga pangyayaring ito maliban sa mga Zoroastrian.
Ang Kapistahan ng Trompeta
(Yom Teruah Leviticus 23:24)
Sa buwan ng Setyembre ng taon 3 BCE ipinanganak ang Messiah taliwas sa paniniwala na ito ay nangyari ng buwan ng Disyembre. Ang hudyo ay gumagamit ng lunisolar calendar habang tayo naman ay Gregorian calendar (Christian calendar), at kung tayo ay nagsisimula bumilang bago sumikat ang araw sila naman ay nagbibilang sa oras na lumobog ito. Ang Sabado naman ang kanilang ika pitong araw samantala sa atin naman ay Lingo. Sa araw ng Sabbath o Sabado (Exodus 20:8-11) sila ay nagpapahinga at sumasamba sa D_s samantalang tayo ay nagtratrabaho o di kaya'y nagpapakasaya. Ang Elul- Tishrei ay katumbas ng Setyembre sa ating kalendaryo at ang ukasyon ng Rosh Hashanah ay ang simula ng bagong taon para sa mga hudyo, ito rin ang araw ng paggunita, pagluwalhati, at pasasalamat sa D_s sa paglalang kay Adan at Eba at ang panibagon buhay para sa sangkatauhan ng ang Arko ni Noah ay sumadsad sa Mt. Ararat pagkatapos gunawin ang mundo (Genesis 8:13). Ito din ang simula ng panahon ng tagsibol (Spring Season). Sa sulat ni Pablo sa mga taga Corinthians tinukoy niya ang Messiah na ikalawang Adan (1 Corinthians 15:45) at sa okasyon na ito si Jesus (Yeshua) ay isinilang, siya ang ikalawang Adan ang messiah at pag-asa sa ilalim ng pananakop ng Roma (Numbers 10:9). Ang hudyat ng panimula ng kapistahang ito ay tinatapat sa kabilugan ng buwan o full moon. Sa talaan ng NASA moon phases noong taon 3 BCE sa okasyon ng Rosh Hashanah ang kabilugan ng buwan (full moon) ay naganap noong ika-5 ng Setyembre ng umaga ito ang araw ng kapanganakan ng Messiah.
Ang Pagtutuli (pakikipagtipan) at pagaalay sa Templo
Nakaugalian na ng mga Hudyo na pagkatapos magsilang ang isang babae ay kailangan muna siya ay lumayo sa kanyang asawa "niddah" sa loob ng 7 araw, ito din ay kadalasan sinasagawa ng mga babae kapag siya ay dinadatnan ng buwanang dalaw (Leviticus 12:2). Sa edad na ika-8 araw ng bagong panganak ang bata ay kailangan tuliin bilang pagtupad sa kautusan at kasunod nito ay ang pagbibigay nila Joseph at Maria sa kanilang anak ng pangalan "Jesus" (Genesis 17:10-14, Matthew 1:21). Matapos ang seremonya ng pagtutuli si Maria at ang kanyang anak ay mananatili parin nakabukod sa loob ng 33 araw at sa ika- 40 araw ang pagaalay at pagtatalaga sa templo ay isinasagawa upang magkagayon ay malinis sila sa anuman pagkakasala o karumihan at maging karapatdapat sa paningin ng D_s (Leviticus 12:1-4). Nang sumapit ang ika 40 araw si Maria at Joseph ay nagtungo sa Templo upang italaga ang kanilang anak at sila ay nagsipagalay ng kalapati bilang sakrepisyo. Ang pagaalay ng kalapati ay karaniwang isinasagawa ng mga mahihirap na hudyo samanatalang tupa at guya naman sa mga nakakaangat sa buhay. Ang pagaalay ng kalapati ay isang pagpapatunay kung anong antas ng buhay meron sila Joseph at Maria sa lipunin ng mga panahon na iyon. Kung sinasabi sa kuwento na pagkayari manganak ni Maria ay nagsidating ang mga pantas na may mga kaloob partikular si Melchior na may dalang ginto disin sanay hindi lang kalapati ang kanilang mga handog kundi tupa o kaya'y guya. Noong mga araw na iyon sila ay inaabangan ni Simeon at dahil siya ay puspos ng banal na espirito ay agad niyang natukoy ang batang si Jesus at si Maria na binabangit ni propeta Isaiah. Si Simeon ay isang iskolar at tagapagsalin ng Torah sa salitang griyego o kilala sa tawag na Septuagint. Nang kanyang isasalin ang Isaiah 7:14 hindi siya makapaniwala na ang isang birhen ay magsisilang ng bata kaya't inisip niya ito ay palitan ng salitang babae imbis na birhen ngunit ng isusulat niya ito ang kanyang kamay ay tinapik ng Anghel at sa kanya ay nagwika " Iyong makikita ang katuparan ng propesiyang ito at hindi ka mamatay hanggat di mo nakikita ang Messiah na ipapanganak ng isang birhen." kaya't ng makita niya si Jesus siya ay nagalak at pinapurihan ang Dios (Luke 2:25-32). Pinaniniwalaan na si Simeon ay nabuhay sa loob ng 360 na taon.
Ang pagbabalik sa Galilee Nazareth
Isang paghahalintulad sa mga kabahayan at kalsada noong panahon ng ating Panginoon Jesus |
Makalipas ang isang taong pamumuhay nila sa Nazareth ang maganak ay nagdesisyon na bumalik muli sa Bethlehem sapagkat naisipan nila na makakabuti sa kanilang maganak ang manirahan sa kanilang sariling bayan kaya bago sumapit ang taginit (Summer season ay June-September 2 BCE) ang maganak ay naglakbay papuntang Jerusalem at duon sila ay nakakuha ng bahay na matutuluyan sa Matthew 2:11 kapansin pansin ang pagdating ng mga magi sa bahay taliwas sa ating akala na sila ay dinatnan ng 3 magi sa sabsaban.
Noong buwan ng Disyembre 2 BCE natunton ng 3 magi ang maganak at sila ay nagsipagalay at sinamba si Jesus na isang hari. Noong gabi na iyon ang tatlong magi ay inutusan ng anghel na huwag na bumalik kay haring Herodes upang iulat ang kinaroroonan ng Messiah bagkus magsipagbago ng landas pauwi (Matthew 2:12). Nagpakita ang anghel sa panaginip ni Joseph upang iutos naman sa kanya ang pagtakas papuntang Ehipto dahil sa nanganganib ang buhay ni Jesus (Matthew 2:13). Kaya ang maganak ay agad tumakas at iniwan ang Bethlehem dala ang mahahalagang handog ng 3 magi upang magamit nila ito sa pagtakas at pagtatago sa Ehipto. Nang malaman ni haring Herodes na nalinlang siya ng mga magi iniutos niya ang pagpatay ng mga batang lalaki na ipinanganak sa Bethlehem mula 2 taon pababa. Ang dahilan sa pagpapatay sa mga bata na may idad 2 taon pababa ay upang makasigurado si Herodes na di makakaligtas ang Messiah. Si Jesus ay pinanganak ng September 3 BCE at mula sa buwan na ito hanggang Disyembre 2BCE si Jesus ay may 15 na buwan na gulang at isama ang 9 na buwan na pagbubuntis ni Maria sa kanya, ang kabuuang bilang ay 24 na buwan o 2 taon. Kaya pinadala ni Herodes ang mga kawal nito at kanilang pinagpapatay ang mga batang may 2 taon pababa sa bayan ng Betlehem. Ang katuparan ng propesiya ay naganap ayon sa banal na aklat ni Jeremiah 31:15.
Isang paglalarawang ng mga kababaihang Hebrew o Hudyo kalong ang isang 15 buwan na gulang na anak na lalaki. |
Ang tatlong Magi upang sambahin at magbigay ng handog sa 15 buwan na gulang na si Jesus. |
Ang pagpatay ng mga inosente |
Ang Pagkamatay ni Herodes
Upang lubos maunawaan, ang chart na ito ang magpapakita ng kabuuang taon ng pagkahirang hari ni Herodes ng senado ng Roma mula 37 BCE- hanggang siya ay bawian ng buhay noong 1 BCE. Ang Regnal Years Period ay ang kabuuang taon ng kanyang pagiging hari at sa kaliwa column naman ay ang taon ng mga panahon na iyon.
Madaming mananalaysay ng kasaysayan ang nagsasabi na si haring Herodes ay namatay ng 4 BCE ngunit kung pagbabasihan ang mga mahahalagang pangyayari ng kapanahunan na iyon ay di tumutugma sa nabanggit na taon ang kanyang kamatayan. Sapagkat ang kanyang kamatayan ay may malaking kaugnayan sa panahon kung kailan ipinanganak ang ating panginoong Jesus.
Noong 40 BCE si Herodes ay inihalal ng senado ng Roma bilang isang hari ng mga Hudyo. Makalipas ang 3 taon (37 BCE) sinakop ni Herodes ang Judea sa tulong ng mga kawal ng emperyong Roma at pinatay niya si Antigonus, dahil dito mula sa pagkakahalal ay diniklara niya ang kanyang sarili bilang hari ng mga hudyo. Si Herodes ay nanungkulan sa Emperyo sa loob ng 37 taon. Ang 34 na taon nito ay kanyang ginugol sa Jerusalem matapos niya itong sakupin at ito ay ayon kay Josephus.
..."having reigned, since he had procured Antigonus to be slain, thirty-four years; but since he had been declared king by the Romans, thirty-seven." ~Antiquities of the Jews Book XVII , Chapter 5, Section 2
Upang lubos maunawaan, ang chart na ito ang magpapakita ng kabuuang taon ng pagkahirang hari ni Herodes ng senado ng Roma mula 37 BCE- hanggang siya ay bawian ng buhay noong 1 BCE. Ang Regnal Years Period ay ang kabuuang taon ng kanyang pagiging hari at sa kaliwa column naman ay ang taon ng mga panahon na iyon.
Ang pagkakaroon ng lunar eclipse ayon kay Josephus ay isa pang palatandaan ng mga panahon bago mamatay si haring Herodes at sa pamamagitan ng talaan ng kasaysayan ng mga naganap na lunar eclipse mula sa NASA ay madaling matutukoy ang eksaktong taon ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa mga iskolar si Herodes ay namatay sa pagitan ng Marso at Abril 4 BCE.
Base sa talaan may naganap na lunar eclipse noong 13 March 4 BCE at ang ikalawang eclipse naman ay noong 05 September 4BCE.
Sa taong 3BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 31 January, 02 March, 27 July, at 29 December.
Sa taong 2 BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 20 January at 17July.
Sa taong 1 BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 10 January, 05 July, at 29 December.
Para sa karagdagan impormasyon tingnan ang link na NASA.
Ang huling mga panahon ni Herodes ay nauwi sa mga kahindikhindik na pagpatay at ilang sa mga ito ay ang pagpapapatay sa mga inosenteng bata, ang pagsunog sa monesteryo sa dakong Qumran, ang pagtirik ng Aquila sa bungad ng banal na templo na isang paglapastangan at pagsalansan sa banal na utos (Exodus 20:4-5, Leviticus 26:1).
Ang Aquilas ni Augustus na simbulo ng emperyo ng Roma na siyang tinirik ni Herodes sa harapan ng banal na Templo. |
Dahil sa mga krimen at pagsalangsan sa mga banal na kautusan ng D_s, si Herodes ay nagkasakit ng malubha sa balat (Fournier gangrene) at ito ay kanyang pinagdudusahan. Habang nagdurusa si Herodes sa kanyang sakit ang pagkakataon ito ay sinamantala nila Matthias at ni Judas mga kilalang guro sa sinagoga kasama ang kanilang mga istudyante upang tanggalin ang rebultong agila sa templo na siya naman kinagalit ni Herodes. Agad niya pinadakip ang gurong (rabi) si Matthias pati na ang mga istudyante nito at walang kaabog abog na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagsunog ng buhay at noong gabi na iyon naganap ang lunar eclipse ~Antiquities of the Jews Book XVII , Chapter 6, Section 4.
Inaresto at pinakulong niya ang matitikas na kalalakihan ng Jericho upang patayin sa oras na siya ay mamatay ng sa gayon ay magsipagtangis ang kanilang mga asawa at mga anak na tila ang pagluluksa ay patungkol sa pagkamatay niya, sapagkat siya ay nagaalala na sa oras na siya ay mamatay ang kaharian ay magsasaya at wala sinuman sa kanila ang tatangis. Ang kautusan na pagpatay sa mga kalalakihan ng Jericho ay ibinilin sa kanyang anak na si Archilaus at kapatid niyang babae na si Salome. Namatay si Herodes bago sumapit ang kapistahan ng Paskwa (Passover) ngunit ang pagpatay sa mga kalalakihan ay di nangyari at pinakawalan sila ni Salome at Archilaus at nagsibalikan sa kanilang mga tahanan upang ipagdiwang ang kapistahan.
Sa pamamagitan ng Timeline masusuri natin ang mga mahalagang naganap sa pagitan ng 3BCE at 1 BCE.
05 September 3 BCE- Kapanganakan ng Messiah.
13 September 3 BCE- Pagtutuli at pagbibigay pangalan sa Messiah.
15 October 3 BCE- Purification sa Templo at si Simeon.
November 3 BCE- Pagbabalik ng maganak sa Nazareth.
May 2 BCE- Ang maganak ay nagsibalik muli sa Bethlehem.
Disyembre 2 BCE- Ang pagdalaw ng 3 magi.
Disyembre 2 BCE- Ang pagtakas ng maganak papuntang ihipto.
Disyembre 2 BCE- Ang pagtakas ng maganak papuntang ihipto.
December 2 BCE- Pagpatay ng mga inosente.
20 January 1 BCE- Ang pagsunog kay Matthias, Judas, at mga tagasunod nila (Lunar Eclipse- Umbral).
18 April 1 BCE- Ang araw ng pagkamatay ni Herodes.
19 April 1BCE- Ang pagdidiwang ng Paskwa (passover) ang pagpapakawala at pagbabalik ng mga kalalakihan ng Jericho sa kanilang pamilya upang ipagdiwang ang Paskwa.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento