Ang Paglalakbay ng Maganak sa Lupain ng Egipto
Nang mangakaalis nga sila, narito ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sangol upang siya ay puksain. ~ Matthew 2:13
Ang maganak ay agad tumongo ng Egipto sa patnubay ng banal na espiritu at duon sila ay pansamantalang namalagi at nagtago.
Sa kanilang paglalakbay ay kanilang iniwasan ang mga pangunahin lansangan mula Bethlehem, Palestino hanggang sila ay makarating sa bansang Egipto upang hindi sila masundan ng mga naghahanap na mga kawal ni haring Herodes.
Farma at Tel Basta
Sa kanilang paglalakbay ay kanilang iniwasan ang mga pangunahin lansangan mula Bethlehem, Palestino hanggang sila ay makarating sa bansang Egipto upang hindi sila masundan ng mga naghahanap na mga kawal ni haring Herodes.
Farma at Tel Basta
Pagsapit sa lupain ng Egipto sila ay unang namalagi sa Farma at sumunod ay sa banal na bayan ng Tel Basta o Bubastis (Cat Godess) at sa pagpasok ng maganak sa bayan ito, isang malakas na ihip ng hangin ang nagpabagsak sa mga dios-diosan na nasa templo ni Ramsis II , ang pangyayaring ito ay katuparan ng propesiya ni Isaiah.
"Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto; at ang mga disdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon." ~ Isaiah 19:1
Ang Dios-diosan na si Bast sa gumuhong templo ni Ramsis II, kasalukuyang isinasaayos ng gobyernong Egipto ang nasabing rebulto at ang templo upang gawin tourist spot. Ito ay kuha noon taong 2005. |
Mostorod
Ang maganak ay nakarating sa bayan ng Mostorod o kilala sa dating tawag na Al Mahamma mga 10 kilometro mula sa Cairo. Ang kahulugan ng Al Mahamma ay "paliguang lugar" dito naganap ang isa pang himala na pinamalas ng batang si Jesus. Ang maganak ay nakahanap ng matutuluyang kuweba at dahil sa matinding uhaw ang batang si Jesus ay naghukay sa lupa ng hanggang isang talampakan ang lalim at mula sa butas sumibol ang tubig at unti unting lumaki ang butas hanggang sa ito ay ganap na maging balon, ang balon na ito ang pangunahing pinagkukunan ng maganak ng inumin, panlaba at pampaligo sa batang si Jesus, sa kanilang pagbalik sa Nazareth ay muling napadaan ang maganak dito sa ikalawang pagkakataon.
Ang kuweba na tinuluyan ng mag-anak sa Mostorod. |
Ang Holy Virgin Church at sa loob ng simbahan ito matatagpuan ang balon ng ginawa ng batang si Jesus at ang kuweba na tinuluyan ng mag-anak. |
Belbies
Nagpatuloy ang paglalakbay ng maganak hanggang sa sila ay nakarating sa bayan ng Belbeis na may 55 kilometro mula sa Cairo. Dahil sa matinding pagod si Maria ay namahinga sa isa sa mga puno rito na ngayun ay tinawag na "The Virgin's Mary Tree".
Meniet Samanoud
Matapos ang pamamahinga ng maganak sa bayan ng Belbeis sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa sapitin nila ang isa sa maliit na bayan ng Meniet Samanuod (Genah), magmula dito ang maganak ay tumawid ng Nile at nakarating sa lunsod ng Delta, Jemnoty Sumanuod. Naging mabuti ang pagtanggap ng mga tao sa kanila at dahil sa kabutihan pinakita nila sa maganak, ang bayan na ito ay pinagpala. Nanatili ang maganak sa bayan na ito sa loob ng 2 lingo. Sa ngayun matatagpuan sa lugar na ito ang balon ng tubig na kung saan ito ay binasbasan ng batang si Jesus.
Matapos ang pamamahinga ng maganak sa bayan ng Belbeis sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa sapitin nila ang isa sa maliit na bayan ng Meniet Samanuod (Genah), magmula dito ang maganak ay tumawid ng Nile at nakarating sa lunsod ng Delta, Jemnoty Sumanuod. Naging mabuti ang pagtanggap ng mga tao sa kanila at dahil sa kabutihan pinakita nila sa maganak, ang bayan na ito ay pinagpala. Nanatili ang maganak sa bayan na ito sa loob ng 2 lingo. Sa ngayun matatagpuan sa lugar na ito ang balon ng tubig na kung saan ito ay binasbasan ng batang si Jesus.
Ang gripo kung saan ang banal na tubig mula sa balon ay masasalok gamit ang jetmatic. Ang gripo na ito ay matatagpuan sa labas ng simbahan. |
Sakha
Matapos mamalagi at mamahinga sa Jemnoty sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay hanggang sa sapitin nila ang bayan ng Sakha ito ay nakilala din sa tawag na "Pekha Issous" na ang ibig ikahulugan ay ang paa ng batang si Jesus sapagkat dito matatagpuan ang isang relic na kung saan ang bakas ng yapak ng batang si Jesus ay makikita sa isang bato at pinaniniwalaan na ito ay itinago ng bayan Sakha upang di manakaw at hanggang ngayun ay nasa pagiingat ito ng simbahang katoliko.
Pekha Issous |
Wadi El Natroun
Ang maganak ay nakarating sa Wadi El Natroun matapos makatawid sa Rosetta ng Nile patungong kanluran ng Delta at timog ng Wadi el-Natroun (Al Asqeet) ng disyerto ng Egipto.
Matareya
Pagkatapos nila makalampas sa disyerto sila ay nagtungo paputong timog hanggang sapitin nila ang bayan ng Matareya, Ain Shams, at Zeitoun na 10 kilometro mula sa lunsod ng Cairo. Nang sumapit ang mag anak sa sa Ain Shams sila ay sinalubong ng mga kapwa nila hudyo o hebrew dahil ang karamihan sa mga naninirahan dito ay mga hudyo sila ay nakapagtayo ng isang templo o sinagoga para sa kanilang pagsamba. Sa
Matariyah magpasahanggang ngayun matutunghayan ang puno kung saan ang mag-anak ay nagpahinga sa lilim nito, at sa ikalawang pagkakataon ang batang si Jesus ay nagpasibol ng tubig na maiinom at ito ay kanyang binasbasan, ginamit din ni Maria ang tubig upang hugasan ang kasuotan ni Jesus at ng kanyang isaboy ang tubig na pinagbanlawan sa lupa ang halamang Balsam ay namulaklak at humalimuyak sa buong paligid. Bukod sa taglay na gamot ng Balsam sa kirot, ito din ay ginagamit sa paggawa ng pabango.
Old Cairo
Nagpatuloy ang mag-anak sa paglalakbay at namahinga saglit sa bayan ng Zeitoun hanggang sa sapitin nila ang old Cairo. Ang Msr El Kadima ang pinaka importanteng lugar na pinamalagian ng mag-anak dito din nangyari na muntik ng madaganan ang batang si Jesus na ang dios-diosan ng Fustat ay bumagsak sa kanyang harapan dahil sa matinding takot ng maganak baka sila ay saktan ng mga tao ay agad silang umalis at nagsipagtago sa isa sa mga kuweba sa lugar dito. Pagkayari ng maiksi pananatili sa Old Cairo sila ay nagpatuloy maglakbay patungong timog hanggang sa marating nila ang Makabagong Cairo na sakop ng Maadi. Mula sa Maadi sila ay sumakay ng bangka patungong Deir Al Garnous 10 kilometro pakanlurang patungo sa Ashnein el Nassara. Sa lugar na ito kung saan meron isang balon ng tubig na pinaniniwalaan pinagkunan ng maiinom ng mag-anak. Mula sa lugar na ito sila ay nakarating sa Abai Issous " ang tahanan ni Jesus" ang lugar sa kasalukuyan ay kilala sa pangalan na Sandafa village. Silangan ng Al- Bahnassa na may 17 kilometro sa bayan ng Beni Mazar.
Gabal El-Tair
Patungong timog mula sa Bahnassa hanggang sa Samalout at patawid ng Nile ang maganak ay namahinga sa isang kuweba na kung tawagin ay Gabal El-Tair na ibig kahulugan ay bundok ng mga ibon dahil libolibong ibon ang naninirahan sa lugar na ito, ang El Tair din ay tinawag na Gabal El-Kaf na ibig ipakahulugan ay bundok ng palma. Sa bundok na ito naganap ang himala ng batang si Jesus ng pigilan niya ang isang parte ng bundok na dadagan sa kanyang pamilya, magpasahanggang ngayun ay makikita parin sa lugar na ito ang bakas ng kayang kamay. Nagpatuloy sa paglakbay ang mag-anak hanggang sa madaanan nila ang isang puno ng laurel na animoy yumokod sa kanila ang puno na ito ay tinawag na Al Abed " The Worshipper".
Ang punong yumokod sa panginoong Jesus. Kinuha ang litratong ito bago putulin ang puno. Ang puno ay matatagpuan 2km papuntang timog ng Gabal al-Tayr. |
Ang balon sa Al-Bahnassa na kung saan kinukuha ng maganak ang kanilang tubig na maiinom at sa paligid din ng balon na ito madalas maglaro ang batang si Jesus. |
Al Ashmounein at Qoussia
Nakarating ang maganak sa bayan ng Al Ashmounein o kilala sa tawag na Hermopolis Magna. Hindi gaano nagtagal ang maganak sapagkat hindi naging maganda ang pakikitungo ng mga naninirahan dito dulot ng pagkasira ng mga dios-diosan nila. Naglakbay ang maganak ng 20 kilometro patungong Qoussia at gaya ng Al Ashmounein ay hindi din naging maganda ang pagsalubong ng mga tao sa maganak dahil sa mga gumuguhong dios-diosan nila sa tuwing dadaan ang batang si Jesus.
Ang Templo ng Thoth sa lunsod ng Khmun o Hermopolis Magna na kung saan ang mga dios-diosan dito ay nawasak ng ang mag-anak ay napadaan dito. |
Meir
Ang mag-anak ay nakarating sa Meir mga 7 kilometro lang ang layo sa Qoussia, Sa lugar na ito ay naging mainit ang pagtanggap sa mag-anak at dahil sa magandang pagtanggap ng mga taga rito sila ay binasbasan ng ating panginoon Jesus.
Bundok Qussqam
Nang makarating ang mag-anak sa bundok Qussqam sa paanan ng bundok na ito ay may kuweba at dito nanirahan ang maganak ng halos 6 na buwan. Sa kuweba din ito nagpakita ang anghel sa panaginip ni Jose na nagsabi "Magbangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel; sapagka't nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng bata."
Ang kuweba sa paanan ng bundok Qussqam kung saan ang maganak ay nanirahan. Ang kuweba ay isa na ngayon simbahan. |
Matapos marinig ni Jose ang utos ng anghel ay agad siyang nagbangon at ang maganak ay naglakbay pabalik ng Israel. Dahil nabalitaan ni Jose na ang pumalit na hari ay ang anak ni Herodes siya ay natakot at nagdesisyon na magtungo't manirahan muli sa Nazareth.
Sa paglalakbay ng maganak ay kapansin pansin ang mga pagkawasak ng mga rebulto ito ay isa lamang patunay na sa anumang templo kung saan ginagaganap ang pagsamba, pagsakrepisyo, at pananalangin ang pagkakaroon ng anumang rebulto, o imahen mula sa kalangitan, karagatan, o ibabaw ng lupa ay hindi katanggap-tanggap sa kanya at ito rin ay isang pagsalangsang sa kanyang kautusan. Dahil ang D_s ay ispirito at walang sinuman makapagsabi kung ano itsura ng ispirito nararapat lang na siya ay sambahin sa ispirito. At sino din makapagsasabi kung ano ang itsura ng ating panginoon Jesus upang ipagpalagay natin sa ating paniniwala na ang imahin gawa ng ating mga kamay ay ang siyang kawangis ng tagapagligtas hindi kaya tayo ay nagkakasala? Hindi ba't mas lubos ang pananampalataya ng taong di nakikita ang panginoon kaysa sa pananampalataya dahil sa nasaksihan ng lima nating pandama.
Ang pagkauhaw sa salita ng D_s ang panimula ng ating pagkakilala at takot sa Kanya at sa pamamagitan ni Jesus magmumula naman ang balon ng tubig na siyang papawi ng uhaw (kamangmangan) at lilinis ng ating pagkakasala, upang tayo ay pagkalooban ng espirito santo na gagabay at magpapaaninaw sa mga katuruan, hula, at propesiya mula sa banal na kasulatan.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento