Ang Pagpapatala
Nagpalabas ng kautusan si emperor Augustus Caesar sa lahat ng dako ng bansa na nasa ilalim ng pamahalaan ng Emperyo ng Roma na ang lahat ng mamamayan nito ay kailangan magpatala kada ikalimang taon, upang sa gayon ay mabilang ang kabuuang populasyon ng isang lugar. Ang talaan na ito ay gagamitin basihan hindi lamang sa pagsingil ng buwis (property tax) kundi upang erehistro ang bawat mamamayan (Civil Registration) at panumpain sa kanilang katapatan sa emperyo(oath of alligiance). Ang census o pagtatala samakatuwid ay isang malaking preperasyon sa gaganapin na selebrasyon ng Roma sa ika 25 anibersaryo (silver anniversary) ng pamumuno ni Augustus (Octavius) Caesar at pagpataw sa kanya ng titulong " Pater Patriae" ( Father of the Country). Ang pagtatala ay naganap noong 3 BC at ang Augustus jubilee year ay naganap noong 05 February 2 BC ito ay base sa pagkakaugnay ng mga sinulat ni Josephus at ni Orosius. Sa pagtatala at pagdidiklara ng mga ari-arian ay may talata ng panunumpa na matatagpuan sa hulihan at ito ang nakasulat
"We swear by the fortune of the Emperor Caesar Trajanus Hadrian Augustus ...under oath."... "And I swear by the Emperor Nero Claudius Caesar Augustus that I have kept nothing back." (Paphlagonian inscription). Upang pangasiwaan ang gaganaping pagtatala ay isinugo si Procurator Sulpicius Quirinius sa Sirya kabilang ang mga tapat na tauhan nito.
"We swear by the fortune of the Emperor Caesar Trajanus Hadrian Augustus ...under oath."... "And I swear by the Emperor Nero Claudius Caesar Augustus that I have kept nothing back." (Paphlagonian inscription). Upang pangasiwaan ang gaganaping pagtatala ay isinugo si Procurator Sulpicius Quirinius sa Sirya kabilang ang mga tapat na tauhan nito.
Ang Pagbabalik-bayan
Si Joseph ay mula sa angkan ni David sa kanyang anak na si Solomon habang si Maria ay mula sa angkan ni Nathan nakababatang kapatid ni Solomon ng Juda. Ang maliit na bayan ng Bethlehem sa Jerusalem ay ang lugar kung saan si David ay ipinanganak at naging hari, ito ang dahilan kung bakit si Joseph kasama si Maria na kasalukuyang buntis noong panahon na iyon ay nagtungo sa lugar na ito mula sa Nazareth bilang pagtalima sa kautusan ng emperyo ng Roma na ang lahat ng mamamayan ay kailangan magpatala sa lugar kung saan nagmula ang kanilang angkan.
Ang Gobernador at ang Procurator
Ang pagpapatala ni Joseph ay naganap bago maging gobernador si PS. Quirinius. Sa talaan ng mga naging gobernador ng Sirya si P. Sulpicius Quirinius ay naupo bilang gobernador nooong 6-7 CE ngunit bago siya naging gobernador siya ay dating "Procurator" na itinalaga sa Sirya noong panahon ng pagtatalaga upang pangasiwaan ito. Ang procurator ay isang opisyales na pangunahing responsibilidad ay ang mamahala sa mga bagay na may kinalaman pang pinansyal isa na rito ang pangongolekta ng buwis.
Ang Procurator ng Emperyo Romano |
Ang gobernador naman ay isang opisyales na ang responsibilidad nito ay pamahalaanan ang isang probinsya, siya din ang responsable sa kapakanan ng mga mamayan nito at paglutas sa mga prublemang pangkatarungan,
Ang Gobernador ng Romano bilang Hukom |
siya din ang pinaka pinuno ng mga hukbong sandatahan ng Roma na nangangalaga sa kaayusa at katahimikan ng kanyang sinasakupan. Ang Procurator at ang Gobernador ay parehong niluklok ng emperyo ng Roma at direktang naguulat ang bawat isa sa emperor. Ang antas ng kanilang titulo sa isa't isa ay halos pantay kung kaya't sa mata ng publiko ang isang Procurator ay isa din Gobernador at ito ay pinatunayan ni Josephus sa isa sa kanyang talaan ng kasaysayan ng tukuyin niya ang gobernador na nakapuwesto sa Sirya at isa sa kanyang mga sinulat ay kanyang nabanggit sa wikang ingles "...the governors of Syria..."kapansin pansin ang paggamit niya ng salitang governors na tumutukoy ng higit pa sa isa sa halip na governor. Ang pagtukoy niyang ito ay naganap sa panunungkulan ni gobernador Saturninus at ang tinutukoy niyang ikalawang gobernador ay ang Procurator. Ito rin ang dahilan kung bakit nasabi ni Lukas sa kanyang talata na si Quirinius na isang Procurator ay kasalukuyang gobernador ng Sirya ganon si L. Calpurnius Piso ang tunay na gobernador ng mga panahon na isinasagawa ang pagtatala (Luke 2: 1-3).
Mga Gobernador ng Sirya at taon ng kanilang panunungkulan.
BCE 10-9 M. Titius
BCE 9-6 Gaius Sentius Saturninus
BCE 6-3 P. Quinctilius Varus
BCE 3-1 L. Calpurnius Piso (?)
BCE 1-4 CE Gaius Julius Caesar
4-6 CE L. Volusius Saturninus
6-7 CE P. Sulpicius Quirinius
Ang Zoroastrian at ang tatlong Magos
Sa panahon ni emperor Augustus Caesar ang mga tagasunod ni Zoroaster (Magi/Magos) ay kamangha mangha dahil sa kanilang mga natatanging kaalaman. Ang magi ay ang mga pari ng Zoroastrian isang relihiyon na ang kanilang propeta ay si Zoroaster taga sunod ni Ahura Mazda " Ang Panginoon ng kaalaman" at ang paglaganap ng nasabing relihiyon ay pinalawig ni Kavi (King) Vishtaspa isang hari ng Bactria (Northern Afganistan).
Ang mga taga sunod ni propeta Zoroaster ay bihasa sa agham at pagaaral ng mga bituwin na siya naman iniuugnay sa mga propesiya ng mga propeta. Sa isang pagkakataon sa kaharian ni haring Nebuchadnezzar nakaharap ni propeta Daniel ang mga magi sa pagpapaaninaw ng mga panaginip ng hari at nailigtas ni Daniel ang mga ito ng kanyang maipaliwanag sa hari ang kahulugan ng panaginip, at si Daniel ay ginawang tagapamahala ng buong pantas.
Ang impluwensya ng Zoroastrianism (pre-islamic religion) ay lumaganap mula Persia hanggang Babylonian (Iraq) at ang impluwensya ng Judaism o pananampalataya ng mga hudyo sa kanila ay nagmula kay propeta Daniel ng pamahalaanan niya ang mga ito (Daniel 2:48) at masaksihan nila ang iba't ibang milagro at kadakilaan tulad ng hindi niya pagkasunog ng siya ay itapon sa apoy, ang pagliligtas sa kanya ng isang anghel sa mga leon, at ang pagpapalaya sa mga hudyo ng masaksihan ni haring Cyrus (Darius) ng Persia ang kapangyarihan ng D_s ni Daniel (Daniel 6:26). Ito ang naging dahilan kung bakit iniutos ni haring Cyrus ang pagpapabalik ng mga hudyo sa Juda (Jerusalem) upang muli itayo ang ikalawang Banal na templo. Ang Zoroastrian ay sumasalungat sa anumang paggamit ng salamangka o magic sapagkat sa modernong panahon ang salitang magic ay mula sa salitang magi. Ang tatlong magi na si Melchior, Baltazar, at Gaspar ay kabilang sa sektang Zoroastrianism. Sila ay di mga hari taliwas sa nakasaad sa propesiya ngunit nirereprisinta nila ang bawat kaharian sa paligid ng Israel na yuyukod at sasamba sa hari ng mga hari.
Ang Tatlong Mago
Ang mga hari ng Tarshish, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob, o lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. ~Psalm 72: 10-11
"The Magi Journeying" ipininta ni James Tissot
Nang malaman ng tatlong pantas ang ibig ikahulugan ng simbulo sa langit sila ay agad nagsipag gayak at naglakbay upang magbigay ng handog at sambahin ang bagong hari ng Israel
(Isaiah 60: 6).
Si Melchior na mula sa lugar ng Nubia Arabia (Sudan) ay naglayag sa karagatan ng Red Sea patungong Israel at lahat ng dumadaan manlalakbay at mangangalakal dito ay nagsasabi na ang tubig sa pampang nito ay kulay pula na mistulang alak (red wine) sa panangin. Ang lupain ng Nubia ay sagana sa natatanging ginto na walang katulad sa buong mundo (Arabian Gold). Kayat ang mga ginto na ito ay handog ni Melchior ng Arabia sa pinanganak na hari ng Israel.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento