Biyernes, Pebrero 21, 2014

Masonic Education 1 " Ang Mabubuting Asal ng isang Mason sa lohiya"

by: Desertknightfm Rhojel
Ang mga alituntunin ng kagandahang asal (Etiquette) ng isang Mason ay hindi lamang tungkol sa mabuting paguugali kundi paggalang sa lohiya, mga miyembro, Worshipful Master, at kapulungan sa kabuuan.



Minsan sa hindi inaasahan pagkakataon, Ang Masonic Etiquette o kagandahang asal ay hindi gaano napaguusapan o di kaya'y bihira tinatalakay lalo na sa atin mga babasahin, kaya't magpahanggang ngayun ay napakahirap parin maunawaan at sundin ang mga panuntunan at kahalagahan nito.



Marami sa atin mga kapatid ang bihasa sa pagaaral ng mga ritual, degree work, floor work, pagkaalam sa mga kasaysayan ng Masoneriya, simbulo, etc... ngunit iilan sa mga mason ang nakakaalam ng mga tamang asal sa lohiya dahil sa limitado lamang ang mga nailathalang babasahin tungkol dito at bihirang ito ay talakayin sa pagaaral.



Bagamat ilan sa mga pagkakamali mapa maliit man o malaki ito man ay sinasadya o hindi, ang bawat inaasal ng isang Mason na pinakikita sa lohiya ay patuloy na minamatyagan ng mga miyembro partikular ang mga bagong kasapi.



Ilan sa mga huwaran Mason (mentors) ang nagtala ng mga tamang asal sa loob ng lohiya, at ito ay kanilang natutunan base sa bawat insidente, sa bawat pagkakamali, at pagpuna ng mga miyembro.

Pagsunod sa kagandahang asal ng isang Mason

Sa katagalan at sa patuloy na pagpuna ng isa't isa (constructive critisism), ang mga miyembro ay unti unting natututo na ipamalas ang kagandahang asal upang lubos na maunawaan ang mga nakaugalian sa lohiya.
At bilang bagong Miyembro mapa Entered Apprentice, Fellowcraft o Master Mason, ay inaasahan na ikaw o tayo ay magpapamalas ng tamang kilos at tamang asal bilang tugon sa pangangailangan upang ating pamahalaanan ang ating sarili na kaanib ng isang kagalang-galang na kapatiran... Bago may isang kapatid na lumapit sa iyo at ipaliwanag ang iyong kamalian... o di kaya'y hindi muna kailangan pang pakinggan o basahin pa ito.

Panuntunan sa Kagandahang Asal ng isang Mason

Ang Kapangyarihan ng Master:

Sa panahon ng kanyang panunungkula bilang Master, siya ay tatanghalin pinaka makapangyarihan miyembro ng lohiya. Sapagkat nakaatang sa kanyang balikat ang buong pananagutan sa anuman sapitin ng lohiya (Vicarious Liability) habang siya ang namamahala nito.

Ang Worshipful Master ay may kapangyarihan upang:






1. Patigilin sa pananalita o pagtatalumpati ang sinuman kapatid anumang oras kung ang tinatalakay niya sa pulong ay di umaangkop sa pinaguusapan (out of order) o banta sa magandang relasyon ng bawat isa (harmony).



2. Desisyunan ang mga bagay na puwede at hindi  puwedeng pagusapan. At kung may kapatid sa kanyang paniniwala ang Master ay naging labis, di makatarungan o di naging patas, o nakagawa ng hindi naayon sa tamang asal, ang kapatid ay maaaring mag apila sa District Deputy Grand Master.



At, kung sakali, ang isang kapatid ay nagpumilit magsalita pagkayari na siya ay pinagsabihan ng Master na wala na sa kaayusan at pinatigil, siya ay nakagagawa na ng paglabag sa OB/ Code of conduct ng Mason.



Ang sinuman kapatid na tumanggap at tumupad sa kahilingan ng Master ay dapat pagkalooban ng lubos na paggalang lalo na kung ang kapatid ay itinalaga upang pangunahan ang isang committees tulad ng examination committee, ang investigation committee at ilan mga gawain, ayon sa pangangailangan ng lohiya.



Ang mga sumusunod ay hindi paglabag sa mga batas o alituntunin ng Masoneriya, kundi isang simpleng kakulangan sa tamang pagaasal ng isang Mason o sa  madaling salita "masamang paguugali."



1. Paglakad sa pagitan ng Altar at ng Worshipful Master:

Mga kapatid huwag dumaan sa pagitan ng Altar at tapat ng Worshipful Master kapag ang lohiya ay bukas sa anumang transaksyon.

Bakit? Sa pagitan ng Master at ng Altar ay isang sagradong lugar upang mapanatili ang kabanalan nito wala sinuman ang dapat na dumaan, isang napakahalaga din na dahilan na mapanatili ang tanglaw ng tatlong mahalagang liwanag dahil ito ay  sumisimbulo ng karunungan mula sa D_s at gabay ng Master sa kanyang pagdidisisyon at pangangasiwa ng lohiya at hindi dapat maantala o matakpan ang tanglaw na ito kahit manlang isang saglit o segundo, lalo na sa anumang gawain tulad ng initiation o degree work.


2. Ang Pagupo sa EAST:

Mga kapatid huwag tayo umopo sa East na wala man lang imbitasyon mula sa Master kahit na ba sabihin natin na wala na maupuan sa ibaba.

Bakit? habang ang lahat ng mga kapatid na nasa loob ng nakapinid (tyle) na lohiya ang lahat ay pantay pantay, at ang mga opisyales ay kinokonsiderang tagapaglingkod sa kapatiran, lahat sila ay nagtratarabaho at nagsisipagaral ng mabuti para sa lohiya.
Kung magkagayon ay  karapatan ng Master na paupuin sa kanyang tabi (East) hindi lamang ang mga pinagpipitagan panauhin kundi ang sinuman katangitanging miyembro ng lohiya bilang parangal at pagkilala sa kanyang dedikasyon sa serbisyo at katapatan.

3. Panatiliin laging kompleto ang kasuotan bago pumasok ng lohiya:


Mga kapatid iwasan pumasok sa loob ng lohiya na walang apron o di kaya'y suot at kasulukuyang itinatali pa ang mga ito.

Bakit? Bilang paggalang sa kaayusang o pormalidad ng lohiya, Inaasahan ng mga opisyales ng lohiya na ang mga kapatid ay papasok ng may maayos at kumpletong pananamit at handa para sa gawain.
Hindi rin nararapat na ang mga opisyales ay magsipaghintay sa mga miyembro habang nagsusuot o nagtatali ng apron sa loob ng lohiya upang sila ay bigyan ng papugay (salute). Inaasahan na sinuman kapatid bago dumaan sa Tiler o pumasok ng lohiya, siya ay nasa angkop na kasuotan at handa na sa anumang gawain.

4. Tumayo pag magsasalita:


Wala sinuman sa mga kapatid sa loob ng lohiya na habang nagsasalita o nakikipagusap sa opisyales o kapatid siya ay nakaupo.


Bakit? Lahat ng gawain sa lohiya ay naka tuon sa bawat isa na bilang tagapaglingkod ng kapatiran. Kabilang dito ang Worshipful Master at ang kanyang mga opisyales.
Dahil ang Worshipful Master ang Master of the lodge nasa kanya ang desisyon kung kanyang patatayuin ang isang kapatid para magsalita. Ito ay inaasahan na kung tayo ay pinahintulutan magsalita sa isang kapulungan ay kailangan tayo ay tumayo upang makita kung sino ang nagsasalita at ito din ay isang uri ng pagrespeto sa ating kausap.


5. Pakikipagusap:


Ang pakikipagusap sa katabi habang isinasagawa ang isang degree (Conferral) o anumang aktibidad sa loob ng lohiya ay isang masamang paguugali.

Ang lohiya ay Templo ng Kataas taasang Arkitekto ng Sansinukob (GAOTU). Ang bawat kapatid ay nagpupursige sa kanilang pagsasaayos ng adobe (ashler) para sa pagbuo ng kanyang ispiritwal na templo.

Kung tayo ay nasa simbahan, mosque, o sinagoga hindi ba't kawalan respeto ang pakikipag usap sa atin katabi habang nananalangin, kaya't isang abala para sa mga opisyales at sa nagtratrabaho, o di naman kaya ay sa kandidato ang anuman ingay sa kapaligiran. Ang pakikipagusap ng di naman kailangan o pinahintulutan ay isang paglapastangan sa gawain. Ang tahanan ng D_s ay para sa pagsamba at pagaaral ng mga katuruan sa araw na iyon. Maliban kung ikaw ay humiling ng permiso magsalita, alalahanin ang katahimikan ay isang patakaran. Ibig sabihin kahit bulong ay hindi pinahihintulutan.



Paano? Kung may nais sabihin, itaas ang kamay. Kung sakaling ikaw ay pinahintulutan ng Master, kailangan ikaw ay tumayo. At simulan sa pagkilala tulad ng:

" Worshipful Master, Right Worshipfuls, Worshipfuls, Wardens, and Brethren". kung ang Most Worshipful Master ay nasa loob, dapat banggitin ang sumusunod "Worshipful Master, Most Worshipful, Right Worshipfuls, Worshipfuls, Wardens and Brethren."

6. Pagtatalumpati o Pagsasalita :

Kung hangad natin mag salita upang talakayin ang isang mosyon o bagay na mahalagang pagusapan sa oras ng pagpupulong, Payuhan ang Master na nais mo talakayin sa pulong ang iyong concern o isyu bago ang tinakdang oras ng pagpupulong.

Bakit? Ang pagpapaalam sa Master ng mga isyu na iyong nais talakayin sa pulong ay napakahalaga at ito ay pagpapakita ng paggalang.
Bagamat puwede natin gawin ang pagtalakay kahit di natin ito ipaalam sa Master, ngunit kung ang Master ay may mga programa na para talakayin ang nakahanda na niyang adgenda sa oras ng pulong, maaaring kapusin ang oras at hindi tayo mapagbigyan na magsalita at talakayin ang nais natin ipaabot sa kapulungan.
Bilang paggalang sa kanya, sa kanya tungkulin at dedikasyon sa mga miyembro, makakabuti na siya ay kausapin ng sarilinan, at kung ikaw ay mapapagbigyan ng pagkakataon magsalita maging bukas sa Master sa iyong hangarin o motibo kung ano dahilan bakit mo nais talakayin ang iyong issue o concern sa kapulungan, upang maiwasan ang anuman argumento, debate, at pagbatikus sa oras ng pagpupulong ika nga ay saving "Face" for both of you. 
At kung sakaling ang issue mo ay sensitibo na puwede maka apekto sa relasyon ng bawat isa sa samahan, hindi magiging kahiya hiya sa iyo kung sakaling ikaw ay patigilin sa pagsasalita. At sa panig naman ng Master siya ay di mag mistulang arogante kung sakaling tanggihan o awatin ka niyang magsalita.

7. Ang paggalang sa Malyete (Gavel)

 Isa sa pinakamahalagang obligasyon ng isang Mason ang pagtalima o pagsunod sa Malyete (Gavel)

Bakit? Ang hindi agad pagtalima sa Malyete ay masasabing isang MATINDING PAGLAPASTANGAN at HINDI KAGANDAHANG ASAL. Dahil anuman naging desisyon ng Master sa pagpupulong ay di na puwedeng baligtarin o bawiin pa. 
May kapangyarihan ang Master na tanggihan o tanggapin ang anumang mosyon sa pulong.
May kapangyarihan ang Master na desisyunan ang isang kapatid na wala sa kaayusan sa anumang paguusap anumang oras.
Puwedeng niyang pahintulutan o di kaya'y hindi pahintulutan ang anumang nais pagusapan. 
Sinuman kapatid na inaakala na ang Master ay di naging patas, umabuso, hindi naging makatwiran o gumawa ng illegal ay nararapat na idulog ang kanyang reklamo sa DDGM. Ang Grand Lodge ay puwede magapila hingil dito. Ganunpaman, sa loob ng lohiya, ang Malyete ng Master, ay simbulo ng pinaka mataas na kapangyarihan (supreme) sa lohiya. Kapag ang isang kapatid ay denisisyunan tumigil, nararapat na agad siyang tumalima. Isang hindi katanggaptangap kung ang isang kapatid ay di susunod sa hatol ng Malyete. Ang hindi pagsunod ng isang kapatid sa nakakataas ay naglalagay sa kanya sa pagitan ng masamang asal at pagsalangsang sa Masoneriya. Ang Masonic etiquette ay isang paraan ng pagtuligsa sa sinumang di sumusunod sa hatol ng Master (Master's Gavel).

8. Pagpapasintabi:


Iwasan magsalita sa kapulungan ng hindi hinihingi ang permisyo ng Master.

Bakit? Anumang nagaganap na debate o pagtalakay ay kinakailangan sundin ang tamang ugali o asal ng Mason. Sinuman kapatid ay kinakailangan tumayo ng maayos kapag nakikipagusap sa Master. Bagamat iba't iba ang nakaugalian ng mga lohiya sa paraan ng pagbibigay pugay, gayun pa man nararapat na lagi mag bigay pugay kapag tayo ay nakikipagusap sa Master. Ang dalawang kapatid na patuloy na tinatalakay ang isang mosyon , at parehong nakaharap sa isa't isa at isinasawalang pansin ang Master ay hindi katanggap tanggap.

9. Pagpugay (salute)

Karamihan sa mga lohiya ay nagbibigay pugay sa Master. Ang bawat kapatid ay kinakailangan magbigay pugay sa Master sa tuwing sila ay papasok o lalabas ng lohiya. Bagamat may ibang lohiya na sa Senior Warden nagbibigay pugay.

Bakit? Ang kagandahang asal sa pagbibigay pugay sa Master ay isang pagpapahayag ng ating katapatan at serbisyo sa kapatiran. Ito ay pagpapakita sa mga kapatid ng ating kaayusan at masinsin na pagalaala sa ating mga obligasyon. Ito rin ay pagbibigay galang at respeto sa paniniwala at paninindigan ng Master at pagpapaalam sa kanya na kinikilala mo ang kanyang kapangyarihan.

Sa pagbibigay pugay ay nararapat na maipamalas natin ang buong pusong pagrespeto at paniniwala sa adhikain ng Master. Ang pagpugay sa Master ay tanda ng ating katapatan at pagtupad sa ating obligasyon. Ang isang pagpupugay na nanggigitata (sloppy), matamlay at walang kaayusan ay isang kawalang respeto at kawalan ng kagandahan asal sa harap ng Master at kapatiran.

10. Pagboto:

Iwasan pumasok o lumabas habang isinasagawa ang pagboto (ballot).

Bakit? Isang kawalan respeto ang lumabas sa lohiya habang may nagaganap na balloting, nagsasalita, degree works, etc. May mga tamang oras na kung saan puwede ang kapatid ay lumabas halimbawa ay ang pagkatapos ng unang seksyon at bago magsimula ang susunod, o kaya'y pag ang lohiya ay nakapahinga hanggang sa marinig muli ang tunog ng malyete. Sa mga pagkakataon na ito ang kapatid ay puwedeng lumabas.
Isang kagandahang asal ng Mason ang bumoto kapag lahat ay naatasan. Ang hindi pagboto ay pagpapatunay ng di mo pagtupad sa iyong tungkulin at ito rin ay isang hayagang ng hindi pakikiisa at pagsunod sa kagustuhan ng Master.

11. Ang pagboto ay isang Mandatoryo

Kapag ang isang isyu ay kailangan pagbotohan, ang lahat ng kapatid ay nararapat bumoto.

Bakit? Ang kapatid na di nakikiisa o hindi bumoboto ay isang pagpapakita ng kawalan galang. Siya ay nagiging isang marupok na bahagi ng isang matatag na tanikala. Anuman ang maging dahilan ng kanyang hindi pagboto, ito ay malaking dagok sa kapatiran at hindi makakabuti sa interest ng lohiya.

12. Paninigarilyo:

Bawal manigarilyo sa loob ng lohiya.

Bakit?  Sapagkat ang anumang gawain sa lohiya ay sagrado at ang paninigarilyo sa loob ay kawalan respeto. Minumungkahi sa mga kapatid na ang paninigarilyo ay nararapat na gawin sa labas ng lohiya.

13. Pagtupad sa inaatang na trabaho:

Isang kagandahang asal ang pagtanggap ng isang trabaho mula sa  kahilingan ng lohiya sa abot ng iyong kakayahan.

Bakit? Ang lohiya ay tulad ng isang bahay-pukyutan na halos lahat ng nasa loob ay nagsisipagtrabaho batay sa trabaho na pinagkatiwala sa kanila. Ang kahilingan mula sa iyong lohiya ay isang karangalan. Ito ay pagpapakita ng pagtitiwala sa iyong kakayahan na maisasagawa mo ang trabaho na may kasanayan.

14. Pagpuna sa kapatid na nagkamali sa pagbigkas ng ritwal sa oras ng seremonya o trabaho.

Nakaugalian na sa lohiya na wala sinuman maliban sa Worshipful Master o di kaya'y ang kanyang tinalaga tagapagayos ang may karapatan itama ang anumang kamalian na maaring mangyari habang isinasagawa ang seremonya, kung di naman kalakihan o siryoso ang pagkakamali puwede ito ay isawalang bahala.

Bakit? Isang kawalang respeto ang punahin ang isang pagkakamali sa gitna ng mga kapatid. Kung sa palagay mo sa iyong sarili ay sapat ang iyong kaalaman at kasanayan, upang gawin ang isang trabaho ng maayos sa tuwing isasagawa ang seremonya at degree work, mainam na magpresinta sa Worshipful Master, upang sa gayun paraan ay matulungan mo siya na magturo sa mga kapatid.

15. Pagpapakita ng tamang postura:

Bakit? Ang pagpapakita ng magandang postura habang nasa loob ng lohiya ay kinakailangan gawin ng mga kapatid. Ang pagiging burarang ugali, nakahapay sa pagtayo at salampak sa pagupo ay di magandang asal ng isang Mason.

16. Iwasan ang anumang pagbibiro o malaswang pananalita.

Bakit? Isa sa mabuting katuraan ng Masoneriya ang iwasan insultuhin ang kapatid sa pamamagitan ng pagbibiro o pangungutya. Ang loob ng lohiya ay hindi tamang lokasyon para sa anuman klase ng horseplay o kasatan at biruan.

17. Tamang pagtawag o paggamit ng titulo bilang Mason:

Bakit? Ito ay isang pangkaraniwang pagbibigay galang ang maging wasto sa pagbigkas ng pangalan, kaya't kagandahan asal sa Masoneriya na tawagin ang isang kapatid, opisyales at panauhin ayon sa kanyang tamang titulo at pangalan.

18. Pagpasok at paglabas sa lohiya habang nagaganap ang pagpupulong.

Kung ang isang kapatid ay papasok matapos ang seremonya ng pabubukas. Siya ay kailangan magtungo sa Altar upang magbigay pugay sa Master. Kung sakali naman na ang kapatid ay lalabas ng hindi pa natatapos ang pagpupulong. Tulad ng paraan ng pagpasok kailangan siya ay magtungo sa Altar at magbigay pugay sa Master bago siya lumabas. Ang pagbibigay pugay ay nararapat na tama at laging nasa ayos na pamamaraan.

19. Ang Lahat ng panalangin sa mga gawain ng Lohiya ay non-sectarian.

Niyayakap at ginagalang ng Mason ang lahat ng relihiyon ito man ay Muslim, Kristiyano, Judaism, Iglesya ni Kristo, Methodista, Aglipay etc... Bawat Mason ay may kalayaan mamili ng kanyang relihiyon at ito ay base sa kanyang personal na kagustuhan, ngunit kailangan din naman isaalang-alang at igalang ang paniniwala ng ating kapwa at iwasan ang anuman pagtatalo sa usapin ng pananampalataya ayon sa katuruan ng sektang kinaaaniban ng isang kapatid.

Bakit? Ang panalangin sa lohiya ay kinakailangan nakabase sa prinsipyo ng Masoneriya. Ang panalangin ay nararapat na pangkalahatan at iwasan ang mga salita na puwedeng maka insulto sa paniniwala ng ilan mga kapatid. Bilang pagrespeto sa D_s na pinaniniwalaan ng ilan mga kapatid na kaanib ng ibang sekta, mas makakabuti na gamitin pang tukoy sa ating D_s ay ang salitang " Tagapaglikha o kaya'y Great Architech Of the Universe kaysa sa Jesus Christ, Mother Mary , Muhammad, Jehovah, Allah etc, upang sa ganitong paraan ay di makaapekto sa pananampalataya ng ilan mga kapatid. Sa ngalan ng pagiging non-sectarian, dapat natin alalahanin na simula na piliin ng Tagapaglikha ang taong mamumuno sa paggawa ng templo ng Babel upang papurihan ang kanilang sarili; Ang Tagapaglikha ang nagkaloob ng ibat'ibang wika, at dahil dito ang Tagapaglikha ay tinawag sa ibat ibang pangalan ayon sa wika o dayalekto na kanyang ginagamit.

20. Patayin ang cellphones o di kaya'y ilagay sa silent mode.

Lahat ng cellphones ay kinakailangan na patayin o ilagay sa silent mode upang hindi makaabala sa pagpupulong.

Buod:

Ang Masonic Etiquette ay isang simpleng alituntunin ng kagandahang asal upang maging kaaya-aya ang pagpupulong  para kaninuman.

Ang Worshipful Master sa East ay isang pinaka mataas na posisyon sa loob ng lohiya. Ang lohiya na hindi marunong rumispeto sa kanyang Master, anuman ang kanilang saloobin sa taong ito, ay walang paggalang sa Masoneriya.

Upang mapanatili ang tamang asal bilang isang Mason, nararapat na igalang ng bawat isa ang tamang nakaugalian sa kapatiran, partikular ang paggalang sa mga inihalal na kapatid at mga naunang naglingkod sa lohiya.

Ang paggalang at tamang paguugali ang pangunahing sangkap ng pagkakaroon ng Masonic Etiquette.

Ang magandang asal ay nangangailangan ng masinsin na pagoobserba ng mga mabubuting katangian mula sa kanyang kapaligiran at taong kanyang nakakasalamuha, upang sa gayon ay kanyang madisiplina at mapagbuti ang sarili, taglay ang paggalang at mabuting pakikitungo sa iba anumang oras. 
It is my hope that you will use your trowel to cement the stones of brotherly love for the “More Noble and Glorious Purpose” of exhibiting these rules of Masonic Etiquette toward one and all within the brethren.

-Tapos na Po!-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento