Huwebes, Pebrero 27, 2014

Masonic Education 3 - Ang Kalendaryo ng Mason

by: Desertknightfm Rhojel

Ang kalendaryo ng Mason ay base sa mahahalagang  pangyayari o kasaysayan na may kaugnayan sa pasimula ng Masoneriya.


Ang Masoneriya at mga kaugnay na sangay nito (appendant bodies) ay gumagamit ng ibat ibang kalendaryo, upang ipagdiwang ang kasaysayan ng pagkakatatag o mahahalagang pangyayari sa bawat sangay nito. Ang mga petcha o taon ay opisyal na ginagamit sa anumang pagdudukumento o okasyon ng Mason.
 Ang makasaysayang petcha o taon ng Mason ay tumutukoy sa panahon na nilkha ang mundo, at hindi dapat bigyan ng maling interpritasyon o paniniwala na itinatag ang Masoneriya buhat ng likhain ang Eden.
Ang Anoo Lucis ay tumutukoy sa kaugnayan ng pagkakalikha ng liwanag sa sansinukob kasabay ang panimula ng ispiritwal at intelektwal na katuruan ng Mason sa isang kandidato.


Samakatuwid nais lamang ipabatid na ang mga prinsipyo at mga katuruan ng Masoneriya ay hinalintulad sa Liwanag ng ito ay likhain ng D_s sa pasimula at sa Masoneriya ito ay simbulo ng kaalaman at katotohanan.

Ito ang pinaka isensya ng institusyon ng Mason kung saan ang kandidato ay minumulat mula sa kawalan, tungo sa liwanag o pagkamulat sa kaalaman.


Bawat kalendaryo ng Mason sa ibaba ay nagsisimula sa salitang Anno. Ang Anno sa latin na salita ay, "Sa taon na." Ang English na salitang, annual, ay mula sa salitang Latin na, anno. Ang C.E. ay pinaikling salita (abbreviation) na ang ibig kahulugan ay Common Era, habang ang B.C. E o B.C ay Before Common Era.

Ang Kalendaryo ng Mason
Craft Masons
Scottish
 Rite
Royal & Select
Masters
Royal Arch
Knights Templar
Present Day
B.C.E.
4000
B.C.E.
3760
B.C.E.
1000
B.C.E. 530
C.E.
1118
C.E. 2014


Ancient Craft Masons: 
Anno Lucis - (A.L. or A:.L:.)  In The Year of Light o sa Taon ng Kaliwanagan

Ang Anno Lucis ay salitang Latin na ang kahulugan ay sa "taon ng kaliwanagan" (In the Year of Light.)

Mahalagang Kasaysayan: Ang taon ng kaliwanagan ay sumisimbolo sa taon ng likhain ang mundo. (Halos 4,000 taon bago sumapit ang Common Era or B.C.E), tulad ng nakasaad sa ikatlong bersyon mula sa libro ng Henesis sa salin ng King James gayun din sa Torah (banal na kasulatan ng mga Hudyo).

1:1- Nang pasimula ay nilikha ng D_s ang langit at lupa.

1:2- At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng D_s ay sumasa ibabaw ng tubig.

1:3- At sinabi ng D_s magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. 


1:4- At nakita ng D_s ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng D_s ang liwanag sa kadiliman.

Ang sinaunang Masoneriya sa York at French Rites, na matatagpuan sa Scotland, England, Ireland, France, Germany, at sa Amerika ay gumagamit ng salitang, Anno Lucis.

Math: Upang makamtan ang taon sa Anno Lucis mag dagdag ng 4000 na taon mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan (4000 B.C.E. + 2014 C.E. = 6014 A.L. (Anno Lucis)

Kahalagahan: Ang pinagdidiwang ng sinaunang kalendaryo ng Mason, ay ang pagkakalikha ng ating mundo, halos 4000 taon bago sumapit ang Common Era, o dikaya'y 6014 taon kasalukuyan.


Scottish Rite: Anno Mundi - (A.M. o A:.M:.)
Ang Anno Mundi ay salitang latin na ang kahulugan ay sa "Taon ng ating Mundo" (In the Year of the World)

Mahalagang Kasaysayan: Ang Anno Mundi tulad ng Anno Lucis ay taon ng likhain ang ating mundo, ngunit ito ay naka base sa sinaunang kalendaryon ng mga Hudyo/Hebreyo (Hebraic Calendar), kung saan nagsisimula ang bagong taon sa buwan ng Setyembre, kumpara sa Gregorian calendar na atin pinagdidiwan ang bagong taon sa buwan ng Enero.
Ang kaibahan ng kalendaryo ng Hebreyo sa Gregorian calendar, ay ang pagkakaroon ng mga buwan na 29 lamang ang araw habang ang ibang buwan ay 30 ang araw. (Tingnan ang Anno Hebraico sa baba)


Math: Sa pagkuha ng Anno Mundi i-add ang 3760 sa taon kasalukuyan. (3760 B.C.E. + 2014 C.E.) matapos ang buwan ng Setyembre (New Year), mag add ng 1 taon, kung ang kasalukuyang petsa ay July, 2014, add 3760 years = 5774 A.M. kung ang kasalukuyang petsa ay Oktubre, 2014, add 3761 = 5775 A.M. (Anno Mundi)

Kahalagahan: Pinagdidiwang ngayon ng Scottish Rite Masonic Calendar ang paglalang sa mundo, 3760/3761 taon bago sumapit ang Common Era o di kaya'y 5774 na taong nakakalipas. Ito ay nakuha sa pamamagitan ng paggamit ng kalendaryo ng Hebreyo/ Hudyo.

Anno Hebraico: 
Anno Hebraico ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay  "In the Hebrew Year".  Madalas sa pinaikling salita (abbreviated) na A.H or A:.H:.

Mahalagang Kasaysayan:  Tishri; Tisri - tish'-re, tiz'-re:  Tisri, o Tishri, ay ang ika-7 buwan ng Jewish ecclesiastical, at unang buwan ng Hebrew/Jewish civil year. (September-October). Ang Tisri ay nagsisimula sa pagsapit ng kabilugan ng buwan o new moon sa buwan ng Setyembre.  Tisri, o Tishri ay tinatawag din na Ethanim sa 1 Kings 8:2.

York Rite - Knights Templar Chivalric
Anno Ordinis: In the Year of the Order (A.O/ A:.O:.)
 (1118 C.E.)
Ang Anno Ordinis ay salitang latin na ang ibig sabihin ay sa "Taon ng Krusada."

Mahalagang Kasaysayan: Noong taon, 1118 C.E., 9 na kabalyero mula sa Pransya at tagasunod ng hari ng Jerusalem na si Baldwyn, ay nanumpa sa kanyang harapan na ipagtatangol ang Jerusalem ng may kababaang loob, dangal, at katapatan. Dahil sa pagiging mapagkumbaba, sila ay hinirang at tinaguriang the Poor Fellow Soldier of Christ. Ang layunin ng kapatiran ay protektahan ang mga manlalakbay patungo sa banal na lunsod ng Jerusalem. Pinagkalooban ang kapatiran ni Haring Baldwyn ng kanilang himpilan malapit sa kanyang kaharian, ito ay ang templo ni haring Solomon. Ang kapatiran ay pinagkalooban din ng isang lugar sa pagitan ng templo ni haring Solomon at Baldwyn at dito nila inilalagak ang kanilang mga sandatang pandigma. Dahil dito mula sa titulong Poor Fellow Soldier of Christ sila ay tinanghal na The Knights Templar.

Math:  Upang makuha ang Anno Ordinis kailangan ay iawas ang 1118 mula sa kasalukuyang panahon o taon, 2014-1118 = 896 A.O. (Anno Ordinis)

Kahalagahan: Ang 896 A.O. ay taon na pinagdidiwang ang pagiging operative at speculative ng mga Knight Templar mula sa taon 1118 C.E. hanggang sa kasalukuyan.

Royal Arch Masons: Ang salitang Anno Inventionist ay nangangahulugan ng "Sa taon ng pagtuklas o the Year of the Discovery" (A.I./ A:.I:.)

Mahalagang Kasaysayang: Si haring Solomo ang naatasan magtayo ng Templo para sa D_s. Nang ang templo ay masira si Governor Zerubbabel ang sumunod na nagtatag ng ikalawang templo. Bagamat kaunti lang ang naitalang impormasyon tungkol kay Zerubbabel gayun paman sa kanya pinagkatiwala ni haring Darius Hystaspis ang pagsasaayos ng Templo at ito ay naitala 520 B.C.E..

Ang Masonic calendar na gamit ng mga Royal Arch Mason ay nagsimula mula sa pagkakatapos ng templo 530 B.C.E. na pinasimulan ni Zerubbabel.

Math: Upang makuha ang taon Anno Inventionis i-add ang taon 530 sa kasalukuyang taon, 2014 C.E. + 530 B.C.E. = 2544 A.I.

Kahalagahan: Ipinagdidiwang ng mga Royal Arch ang pagkakatatag ng ikalawang templo sa taon na 2544 A.I. Ang labi ng templo o haligi ay matatagpuan sa parteng kanluran ng Temple Mount o kilala sa tawag na Wailing Wall o Kotel.

Royal and Select Masters & Cryptic Masons: Ang Anno Depositionis ay salitang latin na ang ibig sabihin ay taon ng Pagkakalagak o "In The Year of the Deposit." (A:.Dep:)

Mahalagang Kasaysayang:  Ang Anno Depositionis ay taon kung kailang ang Templo na pinatayo ni Solomon ay natapos, ito ay noong taon 1000 B.C.E.

Math:  Upang makamit ang taon ng pagkakayari ng Templo na siyang kalendaryo na ginagamit ng Royal and Select Masters & Cryptic Mason, i-add ang 1000 sa kasalukuyang taon, 2014 C.E. + 1000 B.C.E. = 3014 A:.Dep:.
 
Kahalagahan:  Ang Masonic calendar na siyang ginagamit ng Royal and Select Masters and Cryptic Masons ay pinagdidiwang, ang taon ng pagkakayari ng Templo ni haring Solomon na may 3014 A:.Dep:. na ang nakakalipas.

Order of High Priesthood: Ang Anno Bonefacio (A:.B:.) ay isang latin na salita na ang kahulugan ay "sa Taon ng Pagpapala o In the Year of the Blessing."

Mahalagang Kasaysayan: Ang kalendaryong ito ay ginagamit ng Order of High Priesthood upang gunitain ang pagpapala kay Abraham ng kataas taasang saserdorteng si Melchizedek (Genesis 14:18-20)

Math:  I-add ang taon ng pagpapala, 1913 B.C.E. sa pangkasalukuyang taon 2014 C.E.. = 3927 A:.B:. (Anno Boneficio). 

Kahalagahan:  Ginugunita ngayon ng Order of High Priesthood ang ika 3927 A:.B:. taon ng pagpapala ni Melchizedek kay Abraham.

-Wakas-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento