Ang pagkakaluklok ni Herodes bilang hari ng Judea.
Dahil sa pagkamatay ni Alexander the great ang emperyo ng Gresya (Greece) na kanyang tinatag ay unti unti sinakop ng Republika ng Roma. Ang Judea na parte ng Israel ay naging isang ganap na probinsiya ng Roma. Si Herodes ay anak ni Antipater I na siyang nagtatag ng Herodian Dynasty. Si Antipater ay naging makapangyarihang opisyales ng Hasmonean Kings at naglingkod kay Pompey the Great kilala sa tawag na Magnus isang pulitiko at lider ng Roman Republic sa partidong pulitikal na Optimates.
Si Julius Caesar lider ng partidong pulitikal ng Populares ay naging matalik na kaibigan ni Pompey ngunit dahil sa politika sila ay naging magkalaban na siyang naging dahilan ng pagsiklab ng Ceasar's civil war . Sa pakikipag laban ni Julius Caesar sa Alexandria siya ay sinagip ni Antipater at bilang ganti sa tulong at katapatan pinamalas ni Antipater siya ay ginawang punong ministro ng Judea na may karapatan mangolekta ng buwis. Niluklok ni Antipater ang kanyang dalawang anak bilang Gobernador ng Jerusalem at Galilee. At si Herodes ang nagsilbing gobernador ng Galilee. Di naglaon ng ipapatay si Julius Caesar ni Marcus Junius Brutus sa kanyang bayaw na si Gaius Cassius Longinus, ang punong ministro na si Antipater ay napilitan pumanig kay Gaius laban kay heneral Marcus Antnious (pamangkin at tapat na kawal ni Julius Caesar-naging asawa ng reyna ng Egypt na si Cleopatra). Ang pagkamatay ni Julius Caesar at Marcus Antonius ay pasimula ng pagbagsak ng Roman Republic at pagusbong ng Roman Empire.
Ang pagiging bihasa sa pakikipag diplomasya at pamumulitika ni Antipater ang nagdala kay Herodes sa antas ng pagiging aristokratiko at dahil dito ay kanyang napangasawa ang prinsesa ng Hasmonean Dynasty na si Mariamne I (ikalawa sa asawa ni Herodes) upang sa ganon ay igawad sa kanya ng Roma ang trono bilang hari ng Judea at siya ay di nabigo. Upang patunayan ang katapatan niya sa Judaism (bagamat si Herodes ay isang hudyo ang kanyang katapatan sa relehiyon ay kadudaduda dahil sa siya ay naimpluwensyahan ng Roma at ang unang asawa niya ay isang samaritana) at makuha niya ang simpatya ng bawat hudyo sa kanyang pamamahala, kanyang pinaayos at pinaganda ang ika-lawang templo sa tuktok ng bundok Moriah/Zion.
Ang pagpatay kay Julius Caesar |
Ang ika-lawang Templo na pinalawig at pinaganda ni Herodes |
Sa orihinal na sukat ng banal na templo (King Solomon's Temple) halos kalahati ng sukat nito ay di nasunod ng itatag ang ika-lawang templo na pinasimulan at dinesenyo ng Gobernador ng Juda na si Zerubbabel ito ay binase sa kautusan ni haring Cyrus (Ezra 6: 1-12).
Titus Flavius Josephus ang manunulat ng kasaysayan ng Israel.
Si Joseph Ben Mattathias sa tunay na pangalan ay kilala sa tawag na Titus Flavius Josephus. Siya ay pinanganak sa Jerusalem at isa din sa namuno ng himagsikan sa Galilee laban sa mga Romano. Siya ay nabilango at ginawang interpreter ni emperor Vespasian. Dahil sa mabuting serbisyo ni Josephus sa emperyo siya ay pinalaya at ginamit ni Josephus ang apilyidong Flavious bilang tanda ng kanyang pagdepekto sa Roma. Ang Flavious ay apilyido na gamit ng emperyo na si Vespasian. Nagsilbi siyang interpriter sa anak ni Vespasian na si Titus. Kayat dahil dito siya ay nakilala sa pangalan na Titus Flavius Josephus.
Isinalarawan ni Josephus ang templo pinagawa ni Herodes.
"Ang harapan ng templo ay tunay na kagilagilalas sa paningin ng sinuman at kamangha mangha sa hinagap ng makakasaksi. Ang harapan pinto nito ay nababalot ng napakakapal ng ginto na sa tuwing sisilay ang liwanag ng araw mula sa silangan at tatama sa pinto nito'y tunay na masisilaw ang sinumang titingin. Habang ang tuktok nitoy kung titingnan sa malayo animo'y bundok na nababalot ng niyebe at ang ibabaw naman ay natatanuran ng matutulis na sibat upang di makadapo ang mga ibon at masalahula ang templo."
Nakabingit sa alanganin ang pagiging hari ni Herodes sa emperyo ng Roma dahil noong panahon na iyon tanging ang may mga dugong bughaw lamang ang puwedeng maging hari at ang pinanghahawakan titulo ni Herodes ay ang kanyang pagiging asawa sa reyna na si Mariamne I ng Hasmonean Dynasty kaya't upang masiguro na di mawawala sa kanya ang pagiging hari ay sunod sunod niyang pinapatay ang 45 Hasmonean na tagasunod at kinumpiska ang mga ari-arian nito. Pinapatay din niya ang kapatid ni Mariamne na naging punong saserdote sa apila ng kanyang ina na si Alexandra kay Cleopatra. Dahil sa pagiging malapit ng ina ni Mariamne kay Cleopatra na kasintahan ni Marcus Antonius, hindi nakaligtas kay Herodes ang biyenan at ito ay kanyang pinapatay. Pinapatay din niya ang kanyang 2 anak na lalake kay Mariamne dahil sa pagkakaroon nito ng dugong bughaw. Kinamuhian ni Mariamne si Herodes at dahil dito ang pagmamahal niya kay Herodes ay napalitan ng poot. Dahil sa panlalamig ni Mariamne naghinala si Herodes na may kalaguyo si Mariamne sa sulsol ng kanyang kapatid na babae na si Salome ito ay kanyang pinapatay. Ang lahat ng banta sa kanyang pagiging hari ay agad niya pinapapatay kaya siya ay tinaguriang "mad man" o taong tulad ng asong ulol. Dahil dito naubos ang Hasmonean Dynasty sa kamay ni Herodes.
Ang pangyayari sa angkan ni Heshmon ay masasabing isang kaparusahan ng Dios. Ang Hasmonean ay binubuo ng mga heneral ng coup d'etat at pagkatapos mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga hentil (Greece-Seleucid Empire) ng magtagumpay ang Maccabean revolt ang trono ng paghahari ay kanilang inangkin at hindi ibinalik sa lahi ni David na si Simon, sila ay pinarusahan ng Dios sa pamamagitan ng pagkaubos ng kanilang lahi.
Ang paglipon sa mga Hasmonean ay isang paraan ng Dios ng pagsasaayos upang maisakatuparan ang pagtatalaga ni Jacob sa anak niyang si Juda at magsilbing babala sa sinuman na ang tinalaga ng Dios na mamuno ay dapat igalang at sundin. At ang sinuman aagaw nito tulad ng ginawa ng Hasomonean dynasty ay kanyang parurusahan. " 8. Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway: Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo. 9. Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? 10. Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa. 11. Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas. At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak, At ang kaniyang damit sa katas ng ubas. 12. Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak, At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas." ~ Genesis 49: 8-12
Si haring Solomon, David...at Jesus ay mula sa lahi ni Juda.
Pagkaubos ng Hasmonean Dynasty magaganap ang isang propisiya ng kapanganakan ng susunod na hari ng Israel na magmumula sa isang maliit na bayan ng Bethlehem.
"Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.~ Micah 5: 2
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento