"Be without fear in the face of your enemies. Be brave and upright that God may love thee. Speak the truth always, even if it leads to your death. Safeguard the helpless and do no wrong." isang iksena na paborito ko sa pelikulang The Kingdom of Heaven habang si Balian ay ginagawang isang kabalyero.
Sa sariling interpritasyon ko sa wikang tagalog "Huwag masindak sa harap ng mga pagsubok, Magpakatatag at mamuhay ng matuwid upang ikay kalugdan ng Dios, Maging tapat hanggang kamatayan. Ipagtanggol at tulungan ang mga aba at maging makaturungan."
Sa huling parte ng pelikula ng the Kingdom of heaven nagusap si Balian at si Saladin para matapos na ang digmaan. Napagkasunduan nilang dalawa na isusuko lamang ni Balian ang Jerusalem kung mangangako si Saladin na bibigyan niya ng safe passage ang lahat ng kristiyano. At pumayag si Saladin at ng matapos ang kanilang kasunduan tinanong ni Balian si Saladin. " Gaano kahalaga ang Jerusalem? ang sagot ni Saladin "Everything!"...Sinabi ni Balian sa mga taga Jerusalem "kung ito ang kaharian ng langit naway ang kalooban ng Dios ang siyang maghari... Ang kaharian ng Dios ay nasa puso ng sinuman sumasampalataya sa kanya at ito ang kaharian na kailanman hindi maisusuko o masasakop."
Si Sir Knight Balian sa parteng kaliwa at si Malik- Saladin sa parteng kanan habang pinaguusapan ang kundisyon sa pagsuko ng Jerusalem. Hango sa pelikulang The Kingdom of Heaven. |
Ang Panimula ng Knights Templar
Pagkayari mabawi ng krusada ang banal na lupain ng Jerusalem sa mga Muslim, Noong 1118 AD sa pamumuno ng ikatlong hari ng Israel na si Baldwin II ay inatasan niya si Sir. Hugues De Payen ng knight of Champagne at ang walo niyang kasamahan na ipagtanggol ang Juda (Jerusalem). Ipinagkaloob sa grupo ni Hugues ang isang templo ang Al Aqsa Mosque na matatagpuan sa mount Zion (Moriah) na pinaniniwalaan ng mga krusada na bahaging lugar ng templo ni haring Solomon upang ito ay gawin nilang himpilan. Sa 9 na bilang nila ay ginampanan ang isang mahalagang misyon ang mag patrol at bantayan ang bawat dinaraanan ng mga manlalakbay na tumatawid patungong Jerusalem. Sa tulong din ng mga manlalakbay sila ay inaabutan ng makakain at maiinom sa gitna ng disyerto kaya sila ay binansagan the poor knight of the temple "pauvres chevaliers du temple". Upang mapalakas ang puwersa ay nagtungo si Sir Hugues sa kanluran upang hingin ang basbas ng simbahan at upang mangalap ng miyembro. Sa patnubay ni St. Bernard of Clairvaux at suporta ng Order of Cistercians na binubuo ng mga monghe (monks) dumami ang mandirigma ni Hugues ngunit di tulad ng pangkaraniwang kabalyero na binubuo ng mga maharlikang mamayan sa lipunan ang mandirigma ni Sir Hugues ay mga monghe na sinanay sa pakikidigma para ipagtangol ang kristiyanismo. Ang Rule of St. Benedict na sinasapamuhay ng Cistercians Monks ang naging gabay ng Templar sa paglikha ng Latin Rules na tumatalakay sa tamang asal ng isang Templar habang ang kasuotan nila na puting mantel ay nilagyan ng Pulang Krus at dito binase ang disenyo ng kanilang watawat. Ang Knights Templar ay binubuo ng 2 grupo ang grupong pandigma na kinabibilangan ng mga Chivalry at Serjeants, at ang grupong di pandigma o non fighting men gaya ng mga Magsasaka at Chaplain (Pari). Ang Chivalry o knight ay ang heavy cavalry na pangunahin sumusugod sa harap ng digmaan habang ang Serjeants naman ang siyang light cavalry ng Knight Templar na pangunahin misyon ay magmatyag o mangalap ng impormasyon (reconnaissance mission), dagliang pagsalakay (raid), pagtabing (screening tactics), skirmisher, at komunikasyon.
Ang Sagradong Templo
"Now I shall lay a stone in Zion, a granite stone, a precious corner-stone, a firm foundation-stone: no one who relies on this will stumble." Isaiah 28:16
Ang mount Moriah (Zion) o Haram Al Sharif sa Arabic ay isang sagradong lugar sa mga Muslim at Kristiyano. Dito kung saan pinaniniwalaan na nakalagak ang altar na kung saan ang panganay na anak ni Abraham (Isaac- sa paniniwala ng mga kristiyano, Ismael sa paniniwala naman ng mga muslim) ay hiniling ng Dios na sa kanya ay ialay bilang pagsubok sa kanyang katapatan. Dito din sa lugar na ito itinayo ni haring David ang altar ng pagaalay at ito ay naging sagradong lugar. Dito din sa lugar na ito naganap ang ilan sa mga mahahalagang parte ng buhay ni Jesus mula ng siya ay bata, naging guro, at messiah. Ito rin ang tinutukoy na lugar ng kabanal banalan lugar (holy of holies) na kung saan ang Dios ay namimirmihan o sa salitang Hebrew Shekhinah ( Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion. Isaiah 8:18 ). Binanggit din sa banal na Koran ang lugar na ito..."Ang Dios ay papurihan na siyang nagdala sa kanyang lingkod ( Mohammad ) noong gabi upang bumisita mula sa Sagradong Mosque (Mecca) tungo sa Aqsa Mosque (Jerusalem). Pinagpala ng Dios ang buong paligid ng Aqsa Mosque. Sinama niya ang kanyang lingkod (Mohammad) sa kanyang pagdalaw upang ipamalas ang mga milagrong pagpapatunay na siya ay totoo. Siya na nakakarinig at nakakakita ng lahat." Koran Sura Al- Isra'17:1. Sinasabi din ng mga iskolar na bilang pagalaala ng muslim sa pananampalataya ni Propeta Abraham at Mohammad, sila ay nagpatayo ng mosque na kilala sa tawag na the Dome of the Rock. Binanggit din nila na sa dakong ito nakasama ni propeta Mohammad sa pagdarasal ang mga propeta tulad nila Abraham, Moises, at Jesus. Dito din naganap ang pagakyat ni Mohammad sa langit, ang lahat ng ito ay naganap noong gabi na siya ay naglakbay.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento