Huwebes, Pebrero 27, 2014

Masonic Education 3 - Ang Kalendaryo ng Mason

by: Desertknightfm Rhojel

Ang kalendaryo ng Mason ay base sa mahahalagang  pangyayari o kasaysayan na may kaugnayan sa pasimula ng Masoneriya.


Ang Masoneriya at mga kaugnay na sangay nito (appendant bodies) ay gumagamit ng ibat ibang kalendaryo, upang ipagdiwang ang kasaysayan ng pagkakatatag o mahahalagang pangyayari sa bawat sangay nito. Ang mga petcha o taon ay opisyal na ginagamit sa anumang pagdudukumento o okasyon ng Mason.
 Ang makasaysayang petcha o taon ng Mason ay tumutukoy sa panahon na nilkha ang mundo, at hindi dapat bigyan ng maling interpritasyon o paniniwala na itinatag ang Masoneriya buhat ng likhain ang Eden.
Ang Anoo Lucis ay tumutukoy sa kaugnayan ng pagkakalikha ng liwanag sa sansinukob kasabay ang panimula ng ispiritwal at intelektwal na katuruan ng Mason sa isang kandidato.


Samakatuwid nais lamang ipabatid na ang mga prinsipyo at mga katuruan ng Masoneriya ay hinalintulad sa Liwanag ng ito ay likhain ng D_s sa pasimula at sa Masoneriya ito ay simbulo ng kaalaman at katotohanan.

Ito ang pinaka isensya ng institusyon ng Mason kung saan ang kandidato ay minumulat mula sa kawalan, tungo sa liwanag o pagkamulat sa kaalaman.


Bawat kalendaryo ng Mason sa ibaba ay nagsisimula sa salitang Anno. Ang Anno sa latin na salita ay, "Sa taon na." Ang English na salitang, annual, ay mula sa salitang Latin na, anno. Ang C.E. ay pinaikling salita (abbreviation) na ang ibig kahulugan ay Common Era, habang ang B.C. E o B.C ay Before Common Era.

Ang Kalendaryo ng Mason
Craft Masons
Scottish
 Rite
Royal & Select
Masters
Royal Arch
Knights Templar
Present Day
B.C.E.
4000
B.C.E.
3760
B.C.E.
1000
B.C.E. 530
C.E.
1118
C.E. 2014


Ancient Craft Masons: 
Anno Lucis - (A.L. or A:.L:.)  In The Year of Light o sa Taon ng Kaliwanagan

Ang Anno Lucis ay salitang Latin na ang kahulugan ay sa "taon ng kaliwanagan" (In the Year of Light.)

Mahalagang Kasaysayan: Ang taon ng kaliwanagan ay sumisimbolo sa taon ng likhain ang mundo. (Halos 4,000 taon bago sumapit ang Common Era or B.C.E), tulad ng nakasaad sa ikatlong bersyon mula sa libro ng Henesis sa salin ng King James gayun din sa Torah (banal na kasulatan ng mga Hudyo).

1:1- Nang pasimula ay nilikha ng D_s ang langit at lupa.

1:2- At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng D_s ay sumasa ibabaw ng tubig.

1:3- At sinabi ng D_s magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. 


1:4- At nakita ng D_s ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng D_s ang liwanag sa kadiliman.

Ang sinaunang Masoneriya sa York at French Rites, na matatagpuan sa Scotland, England, Ireland, France, Germany, at sa Amerika ay gumagamit ng salitang, Anno Lucis.

Math: Upang makamtan ang taon sa Anno Lucis mag dagdag ng 4000 na taon mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan (4000 B.C.E. + 2014 C.E. = 6014 A.L. (Anno Lucis)

Kahalagahan: Ang pinagdidiwang ng sinaunang kalendaryo ng Mason, ay ang pagkakalikha ng ating mundo, halos 4000 taon bago sumapit ang Common Era, o dikaya'y 6014 taon kasalukuyan.


Linggo, Pebrero 23, 2014

Masonic Education 2 - Official Logo of Bataan Lodge No. 104



The Official Logo of Bataan Lodge No. 104







SQUARE AND COMPASSES
Speculative Masonic Symbolism of the Square and Compasses

In speculative Freemasonry, this emblematic symbol is used in Masonic ritual.  
The Square is an emblem of virtue in which we must "square our actions by the square of virtue with all mankind".
The Compasses exemplify our wisdom of conduct,... the strength to "circumscribe our desires and keep our passions within due bounds".
When these 2 Masonic tools are placed together with God (the Creator) as our central focal point... (just as King Solomon built God's Temple, first... and then built his house around it), peace and harmony is the result. 

THE LETTER "G"

"G" stands for God, and is to remind Masons that God is at the center of Freemasonry. In this context it can also stand for Great Architect of the Universe (a reference to God). In a different context, the letter stands for Geometry, described as being the "noblest of sciences", and "the basis upon which the superstructure of Freemasonry is erected."

THE SUN

The "Sun" as the source of material light reminds the Mason of that intellectual light of which he is in constant search.  The Worshipful Master who rules and governs his Lodge is said to be the symbol of the rising sun in the east.  The sun, therefore is the symbol of sovereignty, the hieroglyphic of royalty; and signifies absolute authority. 

COLORS


Red is the color of fire, and fire was to the Egyptians the symbol of the regeneration and the purification of souls. Hence, in the Masonic system, red is the symbol of regeneration of life.

Yellow was to the ancients the symbol of light. Though unemphasized and seemingly almost unrecognised in Masonry yellow is, nevertheless, a true Masonic symbolic color since it symbolizes to the Mason that Great Thing to the finding of which his Masonic Search is devoted and to the source of which his Masonic pathway leads the Light of Truth.

Blue was the symbol of perfection to the Hebrews, to the Druids the symbol of Truth, to the Chinese the symbol of Deity, and to the medieval Christians it was the symbol of immortality. So, for the Mason, the color of his Master Mason's lodge is the symbol of perfection, truth, immortality and Deity.
Finally and preeminently, and following the teachings and conceptions of the Egyptians aald the Hindoos, blue is the symbol of that which the Craftsman must, since he is a Mason, always revere and of that which his Master Mason's lodge must, when its work and its teachings are properly understood and accepted, cause him to Progressively revere the more Divine Wisdom.

White is the symbol of purity, the reasons for adopting this conception being obvious. Therefore, in Masonry it is, properly, the color adopted for certain of the garments of investiture of the candidate.

Black from the remotest antiquity has been the symbol of grief and such is its significance to the Mason.


The two Pillars Jachin and Boaz

Entering King Solomon’s Temple from the eastern gateway, one would immediately notice the two huge freestanding columns, freestanding as these columns did not support a roof or overhead structure. Different views have been expressed as to the actual purpose of the columns, whether they were pillars, obelisks, fire altars, incense stands, or “trees of life.” Popular opinion among most scholars is that these columns, because of their tremendous size, the names given them, and the elaborate capitals placed on top of each, are not of an architectural necessity but purely decorative or symbolic in nature.
.....The columns were hollow bronze castings with a wall thickness equivalent to four fingers thick and having a 6’ 10” diameter, 30’ 8" height, and capitals 8’ 6" tall. The capitals or decorative tops placed upon the shafts were also made of bronze. They were prepared with images of pomegranates, covered network and wreaths, giving the capitals the appearance of imitating the shape of the seed vessel of the lotus or Egyptian lily, a sacred symbol to the Hindus and Egyptians.
.....The column to the left was named Boaz. On this column was etched in Hebrew the phrase “May the Lord establish the throne of David and his Kingdom for his seed forever.” The column to the right was named Jachin, and its inscription read “In the strength of the Lord shall the king rejoice.” Entered apprentices stowed their working tools within the column Jachin.
In turn, Masonry has traditionally set globes upon the tops of the two columns: the celestial globe, symbolic of the spiritual part of our composite nature, and the terrestrial globe, symbolic of our material part. If a Mason is learned in Kabalah (an ancient Jewish mystical tradition), he may delve into more complex symbolism whereby each column or globe represents, among other things, wisdom and understanding, the active and passive principles, positive and negative. This is a complex and advanced level of esoteric thought which usually takes a lifetime of study to comprehend fully.
.....The two columns are probably the most familiar fixture of King Solomon’s Temple to Freemasons and nearly as familiar a Masonic symbol as the Square and Compasses. As all Masonic Temples are symbolic representations of King Solomon’s Temple, the columns are our closest physical link to the original structure.


The Three Stars 

The three   stars symbolized the three degrees of masonry.
The Entered Apprentice Degree, Fellowcraft Degree, and Master Mason Degree.

The Entered Apprentice Degree emphasized beginnings, spiritual birth, the first steps and youth, orientation to the Light, which are all consistent with a rite of induction into the Fraternity. The Second Degree of Fellowcraft symbolizes the methods of developing and progressing in the Craft; and, in a sense, the emergence into spiritual manhood.   Therefore we find symbols of advancement, passage, instruction and elevation throughout this Degree.  We find symbolism of taking the next step and a new way of approaching the East.  What was considered in the last Degree to be our weaker nature has now been squared and elevated.  While keeping our fidelity to the Three Great Lights, we deepen our connection with the Fraternity and take on new commitments. Our Working Tools are now testing instruments. With them we try, aquare and prove. With them we learn to develop the faculty of judgement: what is valuable, what is true, what is real.
The central motif of this Degree being one of advancement we are presented with the symbol of the Winding Staircase consisting of so many steps and leading to the Middle Chamber of the Temple. Staircases, ladders, extended vertical ropes, and mountains are all symbols of ascending to new heights. Gaining entrance to a new place symbolizes a distinct advancement in our work as Freemasons. Attaining this level give us access to certain benefits that we are not entitled to before. These benefits are symbolized by Corn, Wine, and Oil. There are other things granted here as well. We become invested with the ability to hear the teaching of our Fraternity and keep them close to our heart. Finally, we are reminded of our central focus in the symblolism of the letter and the humility it should inspire.

The Trowel:

Is an instrument made use of by operative Masons to spread the cement which unites the building into one common mass; but we, as Free and Accepted Masons, are taught to make use of it for the more noble and glorious purpose of spreading the cement of brotherly love and affection; that cement which unites us into one sacred band, or society of friends and brothers, among whom no contention should ever exist, but that noble contention, or rather emulation, of who best can work and best agree.

The Map of Bataan Peninsula:

The Bataan Peninsula is a rocky extension of the Zambales Mountains, on Luzon in the Philippines. It separates the Manila Bay from the South China Sea. The peninsula features Mount Natib (1,253 m) in the north and the Mariveles Mountains in the south, which includes Mount Samat, the location of the historical marker for the Bataan Death March.
The Bataan Province is located on this peninsula. Defeated in the Battle of Bataan during World War II, after the fall of the fortress of Corregidor the Bataan death march took place down the Bataan Peninsula. The captured allied forces were forced to march off the peninsula to internment camps under brutal and horrid conditions suffering many hundreds of cruel war crimes on the road, where they were allowed little water and even prohibited from relieving bodily functions.

Cable tow:

The Cable Tow is part of the dress of a candidate in which he agrees to go to the aid of a Brother with all his power..."if it be within the length of his tow rope.
The length of rope is symbolic of the first brother's abilities.

It is defined also as a cable's length, which is symbolically measured as 3 miles for an Entered Apprentice.
With its 2 ends, it binds a Mason to the Fraternity as well as bonds the Fraternity to the Mason.

Biyernes, Pebrero 21, 2014

Masonic Education 1 " Ang Mabubuting Asal ng isang Mason sa lohiya"

by: Desertknightfm Rhojel
Ang mga alituntunin ng kagandahang asal (Etiquette) ng isang Mason ay hindi lamang tungkol sa mabuting paguugali kundi paggalang sa lohiya, mga miyembro, Worshipful Master, at kapulungan sa kabuuan.



Minsan sa hindi inaasahan pagkakataon, Ang Masonic Etiquette o kagandahang asal ay hindi gaano napaguusapan o di kaya'y bihira tinatalakay lalo na sa atin mga babasahin, kaya't magpahanggang ngayun ay napakahirap parin maunawaan at sundin ang mga panuntunan at kahalagahan nito.



Marami sa atin mga kapatid ang bihasa sa pagaaral ng mga ritual, degree work, floor work, pagkaalam sa mga kasaysayan ng Masoneriya, simbulo, etc... ngunit iilan sa mga mason ang nakakaalam ng mga tamang asal sa lohiya dahil sa limitado lamang ang mga nailathalang babasahin tungkol dito at bihirang ito ay talakayin sa pagaaral.



Bagamat ilan sa mga pagkakamali mapa maliit man o malaki ito man ay sinasadya o hindi, ang bawat inaasal ng isang Mason na pinakikita sa lohiya ay patuloy na minamatyagan ng mga miyembro partikular ang mga bagong kasapi.



Ilan sa mga huwaran Mason (mentors) ang nagtala ng mga tamang asal sa loob ng lohiya, at ito ay kanilang natutunan base sa bawat insidente, sa bawat pagkakamali, at pagpuna ng mga miyembro.

Pagsunod sa kagandahang asal ng isang Mason

Sa katagalan at sa patuloy na pagpuna ng isa't isa (constructive critisism), ang mga miyembro ay unti unting natututo na ipamalas ang kagandahang asal upang lubos na maunawaan ang mga nakaugalian sa lohiya.
At bilang bagong Miyembro mapa Entered Apprentice, Fellowcraft o Master Mason, ay inaasahan na ikaw o tayo ay magpapamalas ng tamang kilos at tamang asal bilang tugon sa pangangailangan upang ating pamahalaanan ang ating sarili na kaanib ng isang kagalang-galang na kapatiran... Bago may isang kapatid na lumapit sa iyo at ipaliwanag ang iyong kamalian... o di kaya'y hindi muna kailangan pang pakinggan o basahin pa ito.

Panuntunan sa Kagandahang Asal ng isang Mason

Ang Kapangyarihan ng Master:

Sa panahon ng kanyang panunungkula bilang Master, siya ay tatanghalin pinaka makapangyarihan miyembro ng lohiya. Sapagkat nakaatang sa kanyang balikat ang buong pananagutan sa anuman sapitin ng lohiya (Vicarious Liability) habang siya ang namamahala nito.

Ang Worshipful Master ay may kapangyarihan upang:






1. Patigilin sa pananalita o pagtatalumpati ang sinuman kapatid anumang oras kung ang tinatalakay niya sa pulong ay di umaangkop sa pinaguusapan (out of order) o banta sa magandang relasyon ng bawat isa (harmony).



2. Desisyunan ang mga bagay na puwede at hindi  puwedeng pagusapan. At kung may kapatid sa kanyang paniniwala ang Master ay naging labis, di makatarungan o di naging patas, o nakagawa ng hindi naayon sa tamang asal, ang kapatid ay maaaring mag apila sa District Deputy Grand Master.



At, kung sakali, ang isang kapatid ay nagpumilit magsalita pagkayari na siya ay pinagsabihan ng Master na wala na sa kaayusan at pinatigil, siya ay nakagagawa na ng paglabag sa OB/ Code of conduct ng Mason.



Ang sinuman kapatid na tumanggap at tumupad sa kahilingan ng Master ay dapat pagkalooban ng lubos na paggalang lalo na kung ang kapatid ay itinalaga upang pangunahan ang isang committees tulad ng examination committee, ang investigation committee at ilan mga gawain, ayon sa pangangailangan ng lohiya.



Ang mga sumusunod ay hindi paglabag sa mga batas o alituntunin ng Masoneriya, kundi isang simpleng kakulangan sa tamang pagaasal ng isang Mason o sa  madaling salita "masamang paguugali."



1. Paglakad sa pagitan ng Altar at ng Worshipful Master:

Mga kapatid huwag dumaan sa pagitan ng Altar at tapat ng Worshipful Master kapag ang lohiya ay bukas sa anumang transaksyon.

Bakit? Sa pagitan ng Master at ng Altar ay isang sagradong lugar upang mapanatili ang kabanalan nito wala sinuman ang dapat na dumaan, isang napakahalaga din na dahilan na mapanatili ang tanglaw ng tatlong mahalagang liwanag dahil ito ay  sumisimbulo ng karunungan mula sa D_s at gabay ng Master sa kanyang pagdidisisyon at pangangasiwa ng lohiya at hindi dapat maantala o matakpan ang tanglaw na ito kahit manlang isang saglit o segundo, lalo na sa anumang gawain tulad ng initiation o degree work.


2. Ang Pagupo sa EAST:

Mga kapatid huwag tayo umopo sa East na wala man lang imbitasyon mula sa Master kahit na ba sabihin natin na wala na maupuan sa ibaba.

Bakit? habang ang lahat ng mga kapatid na nasa loob ng nakapinid (tyle) na lohiya ang lahat ay pantay pantay, at ang mga opisyales ay kinokonsiderang tagapaglingkod sa kapatiran, lahat sila ay nagtratarabaho at nagsisipagaral ng mabuti para sa lohiya.
Kung magkagayon ay  karapatan ng Master na paupuin sa kanyang tabi (East) hindi lamang ang mga pinagpipitagan panauhin kundi ang sinuman katangitanging miyembro ng lohiya bilang parangal at pagkilala sa kanyang dedikasyon sa serbisyo at katapatan.

3. Panatiliin laging kompleto ang kasuotan bago pumasok ng lohiya:


Mga kapatid iwasan pumasok sa loob ng lohiya na walang apron o di kaya'y suot at kasulukuyang itinatali pa ang mga ito.

Bakit? Bilang paggalang sa kaayusang o pormalidad ng lohiya, Inaasahan ng mga opisyales ng lohiya na ang mga kapatid ay papasok ng may maayos at kumpletong pananamit at handa para sa gawain.
Hindi rin nararapat na ang mga opisyales ay magsipaghintay sa mga miyembro habang nagsusuot o nagtatali ng apron sa loob ng lohiya upang sila ay bigyan ng papugay (salute). Inaasahan na sinuman kapatid bago dumaan sa Tiler o pumasok ng lohiya, siya ay nasa angkop na kasuotan at handa na sa anumang gawain.

4. Tumayo pag magsasalita:


Wala sinuman sa mga kapatid sa loob ng lohiya na habang nagsasalita o nakikipagusap sa opisyales o kapatid siya ay nakaupo.


Bakit? Lahat ng gawain sa lohiya ay naka tuon sa bawat isa na bilang tagapaglingkod ng kapatiran. Kabilang dito ang Worshipful Master at ang kanyang mga opisyales.
Dahil ang Worshipful Master ang Master of the lodge nasa kanya ang desisyon kung kanyang patatayuin ang isang kapatid para magsalita. Ito ay inaasahan na kung tayo ay pinahintulutan magsalita sa isang kapulungan ay kailangan tayo ay tumayo upang makita kung sino ang nagsasalita at ito din ay isang uri ng pagrespeto sa ating kausap.


5. Pakikipagusap:


Ang pakikipagusap sa katabi habang isinasagawa ang isang degree (Conferral) o anumang aktibidad sa loob ng lohiya ay isang masamang paguugali.

Ang lohiya ay Templo ng Kataas taasang Arkitekto ng Sansinukob (GAOTU). Ang bawat kapatid ay nagpupursige sa kanilang pagsasaayos ng adobe (ashler) para sa pagbuo ng kanyang ispiritwal na templo.

Kung tayo ay nasa simbahan, mosque, o sinagoga hindi ba't kawalan respeto ang pakikipag usap sa atin katabi habang nananalangin, kaya't isang abala para sa mga opisyales at sa nagtratrabaho, o di naman kaya ay sa kandidato ang anuman ingay sa kapaligiran. Ang pakikipagusap ng di naman kailangan o pinahintulutan ay isang paglapastangan sa gawain. Ang tahanan ng D_s ay para sa pagsamba at pagaaral ng mga katuruan sa araw na iyon. Maliban kung ikaw ay humiling ng permiso magsalita, alalahanin ang katahimikan ay isang patakaran. Ibig sabihin kahit bulong ay hindi pinahihintulutan.



Paano? Kung may nais sabihin, itaas ang kamay. Kung sakaling ikaw ay pinahintulutan ng Master, kailangan ikaw ay tumayo. At simulan sa pagkilala tulad ng:

" Worshipful Master, Right Worshipfuls, Worshipfuls, Wardens, and Brethren". kung ang Most Worshipful Master ay nasa loob, dapat banggitin ang sumusunod "Worshipful Master, Most Worshipful, Right Worshipfuls, Worshipfuls, Wardens and Brethren."

6. Pagtatalumpati o Pagsasalita :

Kung hangad natin mag salita upang talakayin ang isang mosyon o bagay na mahalagang pagusapan sa oras ng pagpupulong, Payuhan ang Master na nais mo talakayin sa pulong ang iyong concern o isyu bago ang tinakdang oras ng pagpupulong.

Bakit? Ang pagpapaalam sa Master ng mga isyu na iyong nais talakayin sa pulong ay napakahalaga at ito ay pagpapakita ng paggalang.
Bagamat puwede natin gawin ang pagtalakay kahit di natin ito ipaalam sa Master, ngunit kung ang Master ay may mga programa na para talakayin ang nakahanda na niyang adgenda sa oras ng pulong, maaaring kapusin ang oras at hindi tayo mapagbigyan na magsalita at talakayin ang nais natin ipaabot sa kapulungan.
Bilang paggalang sa kanya, sa kanya tungkulin at dedikasyon sa mga miyembro, makakabuti na siya ay kausapin ng sarilinan, at kung ikaw ay mapapagbigyan ng pagkakataon magsalita maging bukas sa Master sa iyong hangarin o motibo kung ano dahilan bakit mo nais talakayin ang iyong issue o concern sa kapulungan, upang maiwasan ang anuman argumento, debate, at pagbatikus sa oras ng pagpupulong ika nga ay saving "Face" for both of you. 
At kung sakaling ang issue mo ay sensitibo na puwede maka apekto sa relasyon ng bawat isa sa samahan, hindi magiging kahiya hiya sa iyo kung sakaling ikaw ay patigilin sa pagsasalita. At sa panig naman ng Master siya ay di mag mistulang arogante kung sakaling tanggihan o awatin ka niyang magsalita.

7. Ang paggalang sa Malyete (Gavel)

 Isa sa pinakamahalagang obligasyon ng isang Mason ang pagtalima o pagsunod sa Malyete (Gavel)

Bakit? Ang hindi agad pagtalima sa Malyete ay masasabing isang MATINDING PAGLAPASTANGAN at HINDI KAGANDAHANG ASAL. Dahil anuman naging desisyon ng Master sa pagpupulong ay di na puwedeng baligtarin o bawiin pa. 
May kapangyarihan ang Master na tanggihan o tanggapin ang anumang mosyon sa pulong.
May kapangyarihan ang Master na desisyunan ang isang kapatid na wala sa kaayusan sa anumang paguusap anumang oras.
Puwedeng niyang pahintulutan o di kaya'y hindi pahintulutan ang anumang nais pagusapan. 
Sinuman kapatid na inaakala na ang Master ay di naging patas, umabuso, hindi naging makatwiran o gumawa ng illegal ay nararapat na idulog ang kanyang reklamo sa DDGM. Ang Grand Lodge ay puwede magapila hingil dito. Ganunpaman, sa loob ng lohiya, ang Malyete ng Master, ay simbulo ng pinaka mataas na kapangyarihan (supreme) sa lohiya. Kapag ang isang kapatid ay denisisyunan tumigil, nararapat na agad siyang tumalima. Isang hindi katanggaptangap kung ang isang kapatid ay di susunod sa hatol ng Malyete. Ang hindi pagsunod ng isang kapatid sa nakakataas ay naglalagay sa kanya sa pagitan ng masamang asal at pagsalangsang sa Masoneriya. Ang Masonic etiquette ay isang paraan ng pagtuligsa sa sinumang di sumusunod sa hatol ng Master (Master's Gavel).

8. Pagpapasintabi:


Iwasan magsalita sa kapulungan ng hindi hinihingi ang permisyo ng Master.

Bakit? Anumang nagaganap na debate o pagtalakay ay kinakailangan sundin ang tamang ugali o asal ng Mason. Sinuman kapatid ay kinakailangan tumayo ng maayos kapag nakikipagusap sa Master. Bagamat iba't iba ang nakaugalian ng mga lohiya sa paraan ng pagbibigay pugay, gayun pa man nararapat na lagi mag bigay pugay kapag tayo ay nakikipagusap sa Master. Ang dalawang kapatid na patuloy na tinatalakay ang isang mosyon , at parehong nakaharap sa isa't isa at isinasawalang pansin ang Master ay hindi katanggap tanggap.

9. Pagpugay (salute)

Karamihan sa mga lohiya ay nagbibigay pugay sa Master. Ang bawat kapatid ay kinakailangan magbigay pugay sa Master sa tuwing sila ay papasok o lalabas ng lohiya. Bagamat may ibang lohiya na sa Senior Warden nagbibigay pugay.

Bakit? Ang kagandahang asal sa pagbibigay pugay sa Master ay isang pagpapahayag ng ating katapatan at serbisyo sa kapatiran. Ito ay pagpapakita sa mga kapatid ng ating kaayusan at masinsin na pagalaala sa ating mga obligasyon. Ito rin ay pagbibigay galang at respeto sa paniniwala at paninindigan ng Master at pagpapaalam sa kanya na kinikilala mo ang kanyang kapangyarihan.

Sa pagbibigay pugay ay nararapat na maipamalas natin ang buong pusong pagrespeto at paniniwala sa adhikain ng Master. Ang pagpugay sa Master ay tanda ng ating katapatan at pagtupad sa ating obligasyon. Ang isang pagpupugay na nanggigitata (sloppy), matamlay at walang kaayusan ay isang kawalang respeto at kawalan ng kagandahan asal sa harap ng Master at kapatiran.

10. Pagboto:

Iwasan pumasok o lumabas habang isinasagawa ang pagboto (ballot).

Bakit? Isang kawalan respeto ang lumabas sa lohiya habang may nagaganap na balloting, nagsasalita, degree works, etc. May mga tamang oras na kung saan puwede ang kapatid ay lumabas halimbawa ay ang pagkatapos ng unang seksyon at bago magsimula ang susunod, o kaya'y pag ang lohiya ay nakapahinga hanggang sa marinig muli ang tunog ng malyete. Sa mga pagkakataon na ito ang kapatid ay puwedeng lumabas.
Isang kagandahang asal ng Mason ang bumoto kapag lahat ay naatasan. Ang hindi pagboto ay pagpapatunay ng di mo pagtupad sa iyong tungkulin at ito rin ay isang hayagang ng hindi pakikiisa at pagsunod sa kagustuhan ng Master.

11. Ang pagboto ay isang Mandatoryo

Kapag ang isang isyu ay kailangan pagbotohan, ang lahat ng kapatid ay nararapat bumoto.

Bakit? Ang kapatid na di nakikiisa o hindi bumoboto ay isang pagpapakita ng kawalan galang. Siya ay nagiging isang marupok na bahagi ng isang matatag na tanikala. Anuman ang maging dahilan ng kanyang hindi pagboto, ito ay malaking dagok sa kapatiran at hindi makakabuti sa interest ng lohiya.

12. Paninigarilyo:

Bawal manigarilyo sa loob ng lohiya.

Bakit?  Sapagkat ang anumang gawain sa lohiya ay sagrado at ang paninigarilyo sa loob ay kawalan respeto. Minumungkahi sa mga kapatid na ang paninigarilyo ay nararapat na gawin sa labas ng lohiya.

13. Pagtupad sa inaatang na trabaho:

Isang kagandahang asal ang pagtanggap ng isang trabaho mula sa  kahilingan ng lohiya sa abot ng iyong kakayahan.

Bakit? Ang lohiya ay tulad ng isang bahay-pukyutan na halos lahat ng nasa loob ay nagsisipagtrabaho batay sa trabaho na pinagkatiwala sa kanila. Ang kahilingan mula sa iyong lohiya ay isang karangalan. Ito ay pagpapakita ng pagtitiwala sa iyong kakayahan na maisasagawa mo ang trabaho na may kasanayan.

14. Pagpuna sa kapatid na nagkamali sa pagbigkas ng ritwal sa oras ng seremonya o trabaho.

Nakaugalian na sa lohiya na wala sinuman maliban sa Worshipful Master o di kaya'y ang kanyang tinalaga tagapagayos ang may karapatan itama ang anumang kamalian na maaring mangyari habang isinasagawa ang seremonya, kung di naman kalakihan o siryoso ang pagkakamali puwede ito ay isawalang bahala.

Bakit? Isang kawalang respeto ang punahin ang isang pagkakamali sa gitna ng mga kapatid. Kung sa palagay mo sa iyong sarili ay sapat ang iyong kaalaman at kasanayan, upang gawin ang isang trabaho ng maayos sa tuwing isasagawa ang seremonya at degree work, mainam na magpresinta sa Worshipful Master, upang sa gayun paraan ay matulungan mo siya na magturo sa mga kapatid.

15. Pagpapakita ng tamang postura:

Bakit? Ang pagpapakita ng magandang postura habang nasa loob ng lohiya ay kinakailangan gawin ng mga kapatid. Ang pagiging burarang ugali, nakahapay sa pagtayo at salampak sa pagupo ay di magandang asal ng isang Mason.

16. Iwasan ang anumang pagbibiro o malaswang pananalita.

Bakit? Isa sa mabuting katuraan ng Masoneriya ang iwasan insultuhin ang kapatid sa pamamagitan ng pagbibiro o pangungutya. Ang loob ng lohiya ay hindi tamang lokasyon para sa anuman klase ng horseplay o kasatan at biruan.

17. Tamang pagtawag o paggamit ng titulo bilang Mason:

Bakit? Ito ay isang pangkaraniwang pagbibigay galang ang maging wasto sa pagbigkas ng pangalan, kaya't kagandahan asal sa Masoneriya na tawagin ang isang kapatid, opisyales at panauhin ayon sa kanyang tamang titulo at pangalan.

18. Pagpasok at paglabas sa lohiya habang nagaganap ang pagpupulong.

Kung ang isang kapatid ay papasok matapos ang seremonya ng pabubukas. Siya ay kailangan magtungo sa Altar upang magbigay pugay sa Master. Kung sakali naman na ang kapatid ay lalabas ng hindi pa natatapos ang pagpupulong. Tulad ng paraan ng pagpasok kailangan siya ay magtungo sa Altar at magbigay pugay sa Master bago siya lumabas. Ang pagbibigay pugay ay nararapat na tama at laging nasa ayos na pamamaraan.

19. Ang Lahat ng panalangin sa mga gawain ng Lohiya ay non-sectarian.

Niyayakap at ginagalang ng Mason ang lahat ng relihiyon ito man ay Muslim, Kristiyano, Judaism, Iglesya ni Kristo, Methodista, Aglipay etc... Bawat Mason ay may kalayaan mamili ng kanyang relihiyon at ito ay base sa kanyang personal na kagustuhan, ngunit kailangan din naman isaalang-alang at igalang ang paniniwala ng ating kapwa at iwasan ang anuman pagtatalo sa usapin ng pananampalataya ayon sa katuruan ng sektang kinaaaniban ng isang kapatid.

Bakit? Ang panalangin sa lohiya ay kinakailangan nakabase sa prinsipyo ng Masoneriya. Ang panalangin ay nararapat na pangkalahatan at iwasan ang mga salita na puwedeng maka insulto sa paniniwala ng ilan mga kapatid. Bilang pagrespeto sa D_s na pinaniniwalaan ng ilan mga kapatid na kaanib ng ibang sekta, mas makakabuti na gamitin pang tukoy sa ating D_s ay ang salitang " Tagapaglikha o kaya'y Great Architech Of the Universe kaysa sa Jesus Christ, Mother Mary , Muhammad, Jehovah, Allah etc, upang sa ganitong paraan ay di makaapekto sa pananampalataya ng ilan mga kapatid. Sa ngalan ng pagiging non-sectarian, dapat natin alalahanin na simula na piliin ng Tagapaglikha ang taong mamumuno sa paggawa ng templo ng Babel upang papurihan ang kanilang sarili; Ang Tagapaglikha ang nagkaloob ng ibat'ibang wika, at dahil dito ang Tagapaglikha ay tinawag sa ibat ibang pangalan ayon sa wika o dayalekto na kanyang ginagamit.

20. Patayin ang cellphones o di kaya'y ilagay sa silent mode.

Lahat ng cellphones ay kinakailangan na patayin o ilagay sa silent mode upang hindi makaabala sa pagpupulong.

Buod:

Ang Masonic Etiquette ay isang simpleng alituntunin ng kagandahang asal upang maging kaaya-aya ang pagpupulong  para kaninuman.

Ang Worshipful Master sa East ay isang pinaka mataas na posisyon sa loob ng lohiya. Ang lohiya na hindi marunong rumispeto sa kanyang Master, anuman ang kanilang saloobin sa taong ito, ay walang paggalang sa Masoneriya.

Upang mapanatili ang tamang asal bilang isang Mason, nararapat na igalang ng bawat isa ang tamang nakaugalian sa kapatiran, partikular ang paggalang sa mga inihalal na kapatid at mga naunang naglingkod sa lohiya.

Ang paggalang at tamang paguugali ang pangunahing sangkap ng pagkakaroon ng Masonic Etiquette.

Ang magandang asal ay nangangailangan ng masinsin na pagoobserba ng mga mabubuting katangian mula sa kanyang kapaligiran at taong kanyang nakakasalamuha, upang sa gayon ay kanyang madisiplina at mapagbuti ang sarili, taglay ang paggalang at mabuting pakikitungo sa iba anumang oras. 
It is my hope that you will use your trowel to cement the stones of brotherly love for the “More Noble and Glorious Purpose” of exhibiting these rules of Masonic Etiquette toward one and all within the brethren.

-Tapos na Po!-

Kabalyero ng Disyerto 7

Ang Paglalakbay ng Maganak sa Lupain ng Egipto





 Nang mangakaalis nga sila, narito ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sangol upang siya ay puksain. ~ Matthew 2:13

Ang maganak ay agad tumongo ng Egipto sa patnubay ng banal na espiritu at duon sila ay pansamantalang namalagi at nagtago. 

Sa kanilang paglalakbay ay kanilang iniwasan ang mga pangunahin lansangan mula Bethlehem, Palestino hanggang sila ay makarating sa bansang Egipto upang hindi sila masundan ng mga naghahanap na mga kawal ni haring Herodes.

Farma at Tel Basta

Pagsapit sa lupain ng Egipto sila ay unang namalagi sa Farma at sumunod ay sa banal na bayan ng Tel Basta o Bubastis (Cat Godess) at sa pagpasok ng maganak sa bayan ito, isang malakas na ihip ng hangin ang nagpabagsak sa mga dios-diosan na nasa templo ni  Ramsis II , ang pangyayaring ito ay katuparan ng propesiya ni Isaiah.

"Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa  isang matuling alapaap, at napasasa Egipto; at ang mga disdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon." ~ Isaiah 19:1

Ang Dios-diosan na si Bast sa gumuhong templo ni Ramsis II, kasalukuyang isinasaayos ng gobyernong Egipto ang nasabing rebulto at ang templo upang gawin tourist spot. Ito ay kuha noon taong 2005.
Dahil sa pangyayaring ito ang mga tao ay nangatakot at nabahala at ang maganak ay agad lumabas ng bayan at nagpatuloy sa paglalakbay patungong timog.

Mostorod

Ang maganak ay nakarating sa bayan ng Mostorod o kilala sa dating tawag na Al Mahamma mga 10 kilometro mula sa Cairo. Ang kahulugan ng Al Mahamma ay "paliguang lugar" dito naganap ang isa pang himala na pinamalas ng batang si Jesus. Ang maganak ay nakahanap ng matutuluyang kuweba at dahil sa matinding uhaw ang batang si Jesus ay naghukay sa lupa ng hanggang isang talampakan ang lalim at mula sa butas sumibol ang tubig at unti unting lumaki ang butas hanggang sa ito ay ganap na maging balon, ang balon na ito ang pangunahing pinagkukunan ng maganak ng inumin, panlaba at pampaligo sa batang si Jesus, sa kanilang pagbalik sa Nazareth ay muling napadaan ang maganak dito sa ikalawang pagkakataon.


Ang balon na gawa ng batang si Jesus ito ay matatagpuan sa loob ng Holy Virgin Church sa Mostorod. Kapansin pansin sa tabi ng balon ang isang hagdanan pababa, ito ang kuweba na kung saan ang maganak ay pansamantalang nanirahan.




Ang kuweba na tinuluyan ng mag-anak sa Mostorod.

Ang Holy Virgin Church at sa loob ng simbahan ito matatagpuan ang balon ng ginawa ng batang si Jesus at ang kuweba na tinuluyan ng mag-anak.

Belbies

Nagpatuloy ang paglalakbay ng maganak hanggang sa sila ay nakarating sa bayan ng Belbeis na may 55 kilometro mula sa Cairo. Dahil sa matinding pagod si Maria ay namahinga sa isa sa mga puno rito na ngayun ay tinawag na "The Virgin's Mary Tree".


Ang Virgin's Mary Tree
Meniet Samanoud

Matapos ang pamamahinga ng maganak sa bayan ng Belbeis sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa  sapitin nila ang  isa sa maliit na bayan ng Meniet Samanuod (Genah), magmula dito ang maganak ay tumawid ng Nile  at nakarating sa lunsod ng Delta, Jemnoty Sumanuod. Naging mabuti ang pagtanggap ng mga tao sa kanila at dahil sa kabutihan pinakita nila sa maganak, ang bayan na ito ay pinagpala. Nanatili ang maganak sa bayan na ito sa loob ng 2 lingo. Sa ngayun  matatagpuan  sa lugar na ito ang balon ng tubig na kung saan ito ay binasbasan ng batang si Jesus. 



Ang balon na binasbasan ng batang si Jesus ito ay tinakpan upang maiwasan madumihan at nilagyan ng jetmatic upang ang pinagpalang tubig ay maipamahagi sa mga tao. Ang balon ay kasalukuyan matatagpuan sa Church of the Virgin Mary and St. Apa Nub.
 

Ang gripo kung saan ang banal na tubig mula sa balon ay masasalok gamit ang jetmatic. Ang gripo na ito ay matatagpuan sa labas ng simbahan.
Sakha

Matapos mamalagi at mamahinga sa Jemnoty sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay hanggang sa sapitin nila ang bayan ng Sakha ito ay nakilala din sa tawag na "Pekha Issous" na ang ibig ikahulugan ay ang paa ng batang si Jesus sapagkat dito matatagpuan ang isang relic na kung saan ang bakas ng yapak ng batang si Jesus ay makikita sa isang bato at pinaniniwalaan na ito ay itinago ng bayan Sakha upang di manakaw at hanggang ngayun ay nasa pagiingat ito ng simbahang katoliko.


Pekha Issous

Wadi El Natroun

Ang maganak ay nakarating sa Wadi El Natroun matapos makatawid sa Rosetta ng Nile patungong kanluran ng Delta at timog ng Wadi el-Natroun (Al Asqeet) ng disyerto ng Egipto.

Matareya

Pagkatapos nila makalampas sa disyerto sila ay nagtungo paputong timog hanggang sapitin nila ang bayan ng Matareya, Ain Shams, at Zeitoun na 10 kilometro mula sa lunsod ng Cairo. Nang sumapit ang mag anak sa sa Ain Shams sila ay sinalubong ng mga kapwa nila hudyo o hebrew dahil ang karamihan sa mga naninirahan dito ay mga hudyo sila ay nakapagtayo ng isang templo o sinagoga para sa kanilang pagsamba. Sa
 Matariyah magpasahanggang ngayun matutunghayan ang puno kung saan ang mag-anak ay nagpahinga sa lilim nito, at sa ikalawang pagkakataon ang batang si Jesus ay nagpasibol ng tubig na maiinom at ito ay kanyang binasbasan, ginamit din ni Maria ang tubig upang hugasan ang kasuotan ni Jesus at ng kanyang isaboy ang tubig na pinagbanlawan sa lupa ang halamang Balsam ay namulaklak at humalimuyak sa buong paligid. Bukod sa taglay na gamot ng Balsam sa kirot, ito din ay ginagamit sa paggawa ng pabango.


 
Ang bulaklak ng Balsam ay hinahalo sa purong langis ng oleo (olive) at ito ay binabasbasan ng obispo upang gamitin sa mga partikular na sakramento. Ang bulaklak din ito ay ginagamit sa paggawa ng pabango at gamot.


Old Cairo

Nagpatuloy ang mag-anak sa paglalakbay at namahinga saglit sa bayan ng Zeitoun hanggang sa sapitin nila ang old Cairo. Ang Msr El Kadima ang pinaka importanteng lugar na pinamalagian ng mag-anak dito din nangyari na muntik ng madaganan ang batang si Jesus na ang dios-diosan ng Fustat ay bumagsak sa kanyang harapan dahil sa matinding takot ng maganak baka sila ay saktan ng mga tao ay agad silang umalis at nagsipagtago sa isa sa mga kuweba sa lugar dito. Pagkayari ng maiksi pananatili sa Old Cairo sila ay nagpatuloy maglakbay patungong timog hanggang sa marating nila ang Makabagong Cairo na sakop ng Maadi. Mula sa Maadi sila ay sumakay ng bangka patungong Deir Al Garnous 10 kilometro pakanlurang patungo sa Ashnein el Nassara. Sa lugar na ito kung saan meron isang balon ng tubig na pinaniniwalaan pinagkunan ng maiinom ng mag-anak. Mula sa lugar na ito sila ay nakarating sa Abai Issous " ang tahanan ni Jesus" ang lugar sa kasalukuyan ay kilala sa pangalan na Sandafa village. Silangan ng Al- Bahnassa na may 17 kilometro sa bayan ng Beni Mazar.

Gabal El-Tair
Patungong timog mula sa Bahnassa hanggang sa Samalout at patawid ng Nile ang maganak ay namahinga sa isang kuweba na kung tawagin ay Gabal El-Tair na ibig kahulugan ay bundok ng mga ibon dahil libolibong ibon ang naninirahan sa lugar na ito, ang El Tair din ay tinawag na Gabal El-Kaf na ibig ipakahulugan ay bundok ng palma. Sa bundok na ito naganap ang himala ng batang si Jesus ng pigilan niya ang isang parte ng bundok na dadagan sa kanyang pamilya, magpasahanggang ngayun ay makikita parin sa lugar na ito ang bakas ng kayang kamay. Nagpatuloy sa paglakbay ang mag-anak hanggang sa madaanan nila ang isang puno ng laurel na animoy yumokod sa kanila ang puno na ito ay tinawag na Al Abed " The Worshipper".

Ang punong yumokod sa panginoong Jesus. Kinuha ang litratong ito bago putulin ang puno. Ang puno ay matatagpuan 2km papuntang timog ng Gabal al-Tayr.

Ang nalabi sa puno matapos ito ay putulin.


Ang balon sa Al-Bahnassa na kung saan kinukuha ng maganak ang kanilang tubig na maiinom at sa paligid din ng balon na ito madalas maglaro ang batang si Jesus.  

Al Ashmounein at Qoussia

Nakarating ang maganak sa bayan ng Al Ashmounein o kilala sa tawag na Hermopolis Magna. Hindi gaano nagtagal ang maganak sapagkat hindi naging maganda ang pakikitungo ng mga naninirahan dito dulot ng pagkasira ng mga dios-diosan nila. Naglakbay ang maganak ng 20 kilometro patungong Qoussia at gaya ng Al Ashmounein ay hindi din naging maganda ang pagsalubong ng mga tao sa maganak dahil sa mga gumuguhong dios-diosan nila sa tuwing dadaan ang batang si Jesus.


Ang Templo ng Thoth sa lunsod ng Khmun o Hermopolis Magna na kung saan ang mga dios-diosan dito ay nawasak ng ang mag-anak ay napadaan dito.


Meir

Ang mag-anak ay nakarating sa Meir mga 7 kilometro lang ang layo sa Qoussia, Sa lugar na ito ay naging mainit ang pagtanggap sa mag-anak at dahil sa magandang pagtanggap ng mga taga rito sila ay binasbasan ng ating panginoon Jesus.

  Bundok Qussqam

Nang makarating ang mag-anak sa bundok Qussqam sa paanan ng bundok na ito ay may kuweba at dito nanirahan ang maganak ng halos 6 na buwan. Sa kuweba din ito nagpakita ang anghel sa panaginip ni Jose na nagsabi "Magbangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel; sapagka't nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng bata."

Ang kuweba sa paanan ng bundok Qussqam kung saan ang maganak ay nanirahan. Ang kuweba ay isa na ngayon simbahan.


Matapos marinig ni Jose ang utos ng anghel ay agad siyang nagbangon at ang maganak ay naglakbay pabalik ng Israel. Dahil nabalitaan ni Jose na ang pumalit na hari ay ang anak ni Herodes siya ay natakot at nagdesisyon na magtungo't manirahan muli sa Nazareth.

Sa paglalakbay ng maganak ay kapansin pansin ang mga pagkawasak ng mga rebulto ito ay isa lamang patunay na sa anumang templo kung saan ginagaganap ang pagsamba, pagsakrepisyo, at pananalangin ang pagkakaroon ng anumang rebulto, o imahen mula sa kalangitan, karagatan, o ibabaw ng lupa ay hindi katanggap-tanggap sa kanya at ito rin ay isang pagsalangsang sa kanyang kautusan. Dahil ang D_s ay ispirito at walang sinuman makapagsabi kung  ano itsura ng ispirito nararapat lang na siya ay sambahin sa ispirito. At sino din makapagsasabi kung ano ang itsura ng ating panginoon Jesus upang ipagpalagay natin sa ating paniniwala na ang imahin gawa ng ating mga kamay ay ang siyang kawangis ng tagapagligtas hindi kaya tayo ay nagkakasala? Hindi ba't mas lubos ang pananampalataya ng taong di nakikita ang panginoon kaysa sa pananampalataya dahil sa nasaksihan ng lima nating pandama.

Ang pagkauhaw sa salita ng D_s ang panimula ng ating pagkakilala at takot sa Kanya at sa pamamagitan ni Jesus magmumula naman ang balon ng tubig na siyang papawi ng uhaw (kamangmangan) at lilinis ng ating pagkakasala, upang tayo ay pagkalooban ng espirito santo na gagabay at magpapaaninaw sa mga katuruan, hula, at propesiya mula sa banal na kasulatan.


Itutuloy...