by: desertknightfm Rhojel
|
Golgotha o Place of the Skull kung pagmamasdan maiigi ang bundok na kung saan si Kristo ay pinako ay nahahawig sa mukha ng isang bungo ng tao ang gilid ng bundok. Ito ay matatagpuan sa Jerusalem. |
"At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?" (Matthew27:46)
Kadalasan may mga pagkakataon na pag di na natin kaya ang isang pagsubok sa buhay ay nasisisi natin ang D_s sa ating pagkabigo at nasasambit ang mga katagang nabanggit ni Jesus habang siya ay nakapako. Ngunit ang pagbigkas ng mga salitang ito ni Jesus ay hindi nangahuhulugan na si Siya ay nagsisisi bagkus ito ay isang kapahayagan ng kanyang pagiging tunay na Messiah.
Ang lahat ng nangyari kay Jesus sa mga huling araw ng kanyang pagpapakasakit ay katuparan ng mga propesiya ng isang tunay na Messiah, isang tagapagligtas at tagapagpalaya sa pagkaalipin sa pamamagitan ng Kristyanismo.
Ang Messiah ay isang taong itinalaga ng D_s na mamuno para sa pagpapalaya o pagliligtas. Bagama't ang inaasahan nila na Messiah ay ang magpapalaya sa kanila sa pananakop ng Roma kaya't mas pinili nila si Barabas na palayain sapagkat sa panahon na iyon si Barabas at ang mga tulisan na kasama ni Jesus na pinako sa krus ay kasapi ng grupong rebolusyonaryong Zealots na nakikipag laban para sa kasarinlan ng Israel.
Tingnan ang buong istorya sa Kabalyero ng Disyerto 8 at naniniwala sila na ang sinuman mamuno sa kilusang ito ay tinalagang maging Messiah ng D_s.
Ang Pagpapatunay Na Si Jesus Ang Tunay Na Messiah
Isa sa mga propesiya ng pagdating ng Messiah ay ang pagbaba ni Elijah o Elias mula sa kalangitan. Iilan lang ang nakakaalam sa mga Israelita tungkol dito maliban sa mga Saserdote.
1 Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
2 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.
3 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
5 Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. (Malachi 4:1-5)
Si Elijah o Elias ang isa sa mga propeta na sinundo ng karwahe mula sa langit (2Kings 2:11) at ayon sa propesiya, ang isa sa palatandaan ng pagdating ng Messiah ay pagbalik muli ni Elijah sa lupa upang pagkalooban ng kapangyarihan at karapatan ang isang Messiah. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Israelita o Hudyo ay di naniniwala na si Jesus ang Messiah magpasahanggang ngayun sapagkat wala sinuman sa kanila maliban sa mga apostoles ang nakasaksi sa pagdating ni Elijah upang siya ay italagang Messiah.
Ang Pagpapataw ng Kapangyarihan at Pagtatalaga kay Jesus bilang Messiah.
Dahil mauunang dumating ang tagapagtalaga upang ihanda ang daraanan ng Messiah ito ang isa sa mga propesiya na natupad sa katauhan ng anak nila Zacarias at Elisabeth na si John The Baptist na naunang ipanganak kay Jesus ng 6 na buwan.
Ang pagtatalaga ni John The Baptist sa kanyang pinsan buo na si Jesus ay naganap sa ilog Jordan. (Matthew 3:13-17).
Si John the Baptist ay pinugutan ng ulo sa utos ni haring Herodes ngunit muli sila nagkita ni Jesus sa bundok na naguusap sa katauhan ni Elijah kasama si Moises at ito ay nasaksihan ni Pedro, Santiago, at ng kanyang kapatid na si John.
1At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
3 At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
4 At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
6 At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.
7 At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at huwag kayong mangatakot.
8 At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.
9 At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.
10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay:
12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.
13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya. (Matthew 17:1-13)
Ito ang pagpapatunay at dahilan bakit niya binigkas ang pangalan Elijah upang ipaalala ang propesiya.
“Eli, Eli, lema sabachthani?” "Elias, Elias, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"
Sa kauna unahang huling wika ni Hesus ito ang pasimula ng katuparan ng mga propesiya na mangyayari sa Kristo o Messiah.
"Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?..." Psalm 22:1
"Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako..." Psalm 22:7
"...lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad..." Psalm 22:14
"...kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa." Psalm 22:16
"Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako" Psalm 22:17
"Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan" Psalm 22:18
Ang lahat ng propesiyang ito ay sinulat ilan daan taon na ang nakakalipas bago mangyari ang pagpapako kay Jesus.
Kailanman ang D_s ay hindi nagpabaya sa atin sa kabila ng ating pagkakasala at kakulangan.
" Isang makabuluhan at mapagpalang Huwebes Santo sa inyong lahat."