Philippine The Rising Tiger Of Asia |
Ang banta sa "Kasarinlan"
Ang Pilipinas ay kasalukuyang nahaharap sa bantang pananakop ng bansang Tsina. Hindi kaila sa atin na ang Tsina ay isa sa mga bansang may malaking populasyon, at sa dami ng populasyon ang kanilang natural resources ay unti unting numinipis at ito ang marahil na dahilan kung kaya ang kanilang mangingisda ay walang pakundangan nangingisda sa mga teritoryo ng mga kalapit bansa nito. At upang maprotektahan ang kanilang mga kababayan mangingisda sa mga karagatan na hindi na sakop ng kanilang bansa ay unti unti nilang pinalalawig ang teritoryo ng kanilang karagatan lalo na sa mga maliliit na bansang walang kakayahan tapatan ang kanilang puwersang militar.
Ito ay kuha mula sa South Korea na kung saan 2 Chinese fishing boats ang nahuli ng mga Korean Coast guard na nangingisda sa kanilang karagatan.~Photo credit to Global Balita |
Dismayado ang isa sa mga opisyales ng Philippine Coast Guard sa mga nahuling Intsik na nangingisda sa ating karagatan.~ Photo credit to NBC News. |
Nitong ika-30 ng Marso 2014 araw ng Lingo ang Pilipinas ay pormal na nagsampa ng kaso sa International tribunal hingil sa pananakop ng Tsina sa teritoryo ng ating bansa. Ang nasabing kaso ay tinawag na "Memorial" na tumatalakay sa pagtatangol ng soberanya at ang kahalagahan nito para sa kinabukasan ng ating mga anak at ng mga manlalayag.
Minsan na hinanapan ng ating gobyerno ang Tsina ng mga legal na dokumento na magpapatunay sa kanilang pagangkin sa pitongpong (70%) pursyento ng ating karagatan sa West Philippine sea ngunit ang naging basihan lamang ng Tsina ay ang sinaunang mapa nito. Wala din silang naging tugon sa kasong isinampa (Memorial) sa kanila ng ating gobyerno sa International Tribunal hingil sa panghihimasok at pagangkin nila sa pinatutupad na 370- kilometer o 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (EEZ) ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Ang EEZ ay itinakda sa bawat karagatan ng bawat bansa para sa pagsasaliksik o pagexplore ng mapagkukunan ng enerhiya nito tulad ng langis, mineral, at mga yaman dagat. Sa madaling salita hindi ginagalang ng Tsina ang batas na ito at handa nilang sakupin ang ating karagatan sa marahas na pamamaraan.
Psywar Tactics ng Tsina
“It is without any doubt that the Philippine side is the one who provokes and makes troubles.” ito ang winika ni Hong Lei Foreign Ministry ng Tsina. Sa kanyang binitiwan mga salita ay tila ang Pilipinas pa ang siyang nanggugulo o lumalabas na masama sa kabila ng kanilang pananakop sa ating teritoryo. Ang paraang ito ay isang defense mechanism na tinatawag na Denial at Rationalization upang sa ganon ay kanilang mapaglabanan ang kanilang konsensya sa kanilang pagkakasala o GUILT. Mabisang paraan din ito upang bigyan katwiran ang anumang agresibong pagkilos ng Tsina laban sa Pinas at ituring bilang dipensa o self defence kung sakaling atakihin nila ang anumang barko o bangka naglalayag sa ating teritoryong na kanilang sinakop. Isang halimbawa na ay ang naganap na pagharang ng China Coast Guard sa Philippine Government vessel AM700 ng ito ay magdala ng supply sa Second Thomas Shoal na kung saan ang grupo ni 1st Lt. Mike Pelotera ay nagbabantay sa ating teritoryo gamit ang Philippine Navy ship LT 57 Sierra Madre, base sa paliwanag ng Tsina, ang pagharang sa barko ay isa lamang daw na paraan ng pagdipensa sa kanilang teritoryo, ang pahayag na ito ay umani ng pagbatikos mula sa iba't ibang bansa kabilang na ang US.
Ang nasabing pang bubully ay nasabay sa pagsasampa ng kaso sa UNCLOS ng Pilipinas laban sa Tsina sa kanilang pananakop sa West Philippine Sea noong ika-30 ng Marso 2014 at ito ay tinurin ng Tsina na pagatake sa kanila. Ang nangyaring pang bubully na ito ay lalong nagdiin at nagpatunay sa akusasyon ng Pilipinas na lalong kinabahala ng Tsina, dahil sa legal na pamamaraan na ipaglaban ang kasarinlan ng ating bansa sa isang sibilisado at mapayapang solusyon ay maaaring magdulot ng alyansa ng iba't ibang bansa upang papanagutin ang Tsina sa kanilang paglabag.
Nitong ika-2 ng Abril 2014 ay dumaong ang 2 Japanese destroyer sa Manila South Harbor para sa isang goodwill visit upang sanayin ang ating Philippine Navy sa pakikidigma. Bagamat ang bansang Japan ay naging kaaway natin noong World War II, ngayun sila at ang US ay tinuturing na isang matalik na kaibigan ng ating bansa at kabilang sila sa mga bansa na nagpahayag nadin ng pagsuporta sa isinusulong na diplomatikong pagresulba sa pagangkin ng Tsina sa ating karagatan.
Ang psywar na isinasagawa ng Tsina upang makakuha ng simpatya sa United Nation ay di umubra kaya ngayon ito ay kanilang ginagamit sa kanilang mamamayan upang bulagin sa katotohanan na ang kasalukuyang namumuno nila ay dumadanas ng tinatawag na Delusion Of Grandeur na siyang dinanas ni Hitler at ni Sadam Hussain ng sila ay magsimulang manakop dahil sa pagaakala na ang kanilang kagamitan pandigma at sundalo ay higit na malakas sa buong daigdig at sa pamamagitan ng pananakop ay mapapayaman nila ang kanilang bansa.
Sana ay mamulat ang Tsina na ang panahon ng Emperyalismo sa panahon ngayon ay hindi na kukunsintihin ng mga sibilisadong bansa o ng buong mundo at ang paniniil o tyranny ng isang lider o gobyerno ay lubos na tinututulan ng may matinong pagiisip tulad ng naganap sa gitnang silangan halimbawa na rito ay ang mga rebolusyon sa Tunisian, Egypt, Libya, at Syria.
Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei's Regular Press Conference on April 1, 2014~ Photo Credit to Ministry of Foreign Affairs of the People's Republic of China |
1st Lt. Mike Pelotera at ang kanyang mga tauhan habang itinataas ang ating bandila sa Pilippine Navy ship BRP Sierra Madre photo credits to INQUIRER/GRIG.C MONTEGRANDE |
Ang dating kaaway na ngayun ay matalik na kakampi.
Ang pagdaong ng Japanese Destroyer JS Shirane sa Manila South Harbor nitong ika-2 ng Abril 2014 ~ Photo credit to Alexis Romero |
Matatandaan nitong nakaraang ika-22 ng Enero 2014 ang Japan Prime Minister na si Shinzo Abe ay nagsalita sa ginanap na World Economic Forum sa Davos Switzerland at kanyang kinumpara ang ginagawa ng Tsina sa Germany noong World War II dagdag pa rito ang kanyang pasaring na pananalita sa Tsina.
“We must restrain military expansion in Asia . . . which otherwise could go unchecked,”
Ito ay sinabi ni Abe sa taunang pagpupulong ng global business and political leaders,
dagdag pa niya...
“If peace and stability were shaken in Asia, the knock-on effect for the entire world would be enormous,” ...“The dividend of growth in Asia must not be wasted on military expansion.”
Nito lang nakaraan buwan March 2014 sa emergency meeting ng G8 na ngayun ay G7 muli dahil sa pagkakatanggal ng Russia sa grupo, sa Hague Netherland ay muling nagsalita si Abe at kanya ikinumpara ang Tsina sa Russia sa usapin ng pagsakop nito sa Crimea na lalong ikinainsulto ni Chinese Foreign Ministry Hong Lei.
AFP Modernization Act.
Noong 1995 sa ilalim ng panunungkulan ni dating pangulong Fidel V. Ramos nilagdaan ang AFP Modernization Act na isasagawa sa loob ng 15 taon, ngunit hindi naisaprayoridad ng mga sumunod na administrasyon dahil sa naganap na Asia financial problem nitong 1997 at simula noon ang AFP modernization Act ay tuluyan ng isinantabi.
Ngayun ang bansa ay nahaharap sa magkabilang pagatake ng ibat ibang armadong grupo at kasabay nito ang pagangkin ng ating karagatan ng Tsina. Ang AFP Modernization Act ay muling niribisa at nilagdaan ng kasalukuyang pangulo na si Pangulong Benigno Aquino III. Sa bagong nilagdaan AFP Modernization Act ang Department of National Defense sa pamumuno ni Secretary Voltair Gazmin ay maglalaan ng pondo na umaabot sa halagang P85.3 billion para sa taon 2013-2017.
Ang pondo na nakalaan sa modernisasyon ng Army ay umaabot sa halagang P8.6 billion, ang Air Force naman ay P43.4 billion, ang pondo para sa Navy ay P28.2 billion at ang General Headquarters ay P5.2 billion. Bagamat di pa nasisimulan ay marami nanaman mga gustong magpasikat sa Kongreso at sumasalungat sa planong modernisasyon, isa na dito si Representative Rodolf Albano III na patuloy na kumokontra sa planong pagbili ng anti-submarine-aircraft, fighter jet, at helicopter. Giit niya na imbis na ipambili ang P5.4 billion ng anti-submarine-aircraft eh ipambili nalang ng basic equipment para sa ating mga sundalo tulad ng combat shoes.
Sa halimbawang tulad nito ay dito natin maoobserbahan ang ilan mga leader na hindi naiisip o di kaya'y kulang ang pangunawa sa programang nilagdaan ng pangulo at ang brakedown ng budget para sa modernization ng AFP na may nakalaan naman talaga sa modernisasyon ng ating mga Army para sa basic equipment nito, at ang nakakabahala pa ay baka marami tulad niya na sumangayon sa kanyang panukala.
Leaders With A Little Knowledge Is Dangerous
Ngayun ko lubos napatunayan ang kasabihan na "little knowledge is dangerous." ayon kay Albert Einstein, sapagkat kung maraming mga lider na makikitid ang utak na walang ibang gawin kundi maghanap ng pagkakamali at pagpuna sa kongreso at sa senado ay baka sa huli sa kangkungan nalang tayo pulutin.
Pinaguusapan sa kongreso ay ang kahandaan ng ating bansa sakaling sumiklab ang gera, abay! kung saan na napunta ang usapan kaysa hindi kailangan ang mga sopistikadong gamit laban sa NPA, kaysa mas kailangan bumili ng eroplano para sa pagdadala ng relief good in case may kalamidad, ang boots mas higit na kailangan sa pagpapatrol at kung ano ano pa ang nasabi ganon ang issue ay ang pagapruba at pagbili ng anti-submarine-aircraft para sa AFP Modernization Act.
Siyempre di pahuhuli ang mga militanteng Pambansang Lakas ng Kilusang Pamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA sa issue at ito ang kanilang aksyon at pakiusap sa Pangulong Aquino III, na bawiin ang pagangkat ng fighter jet sa Korea at helicopter sa Canada bagkus ang perang gagamitin sa AFP Modernization Act ay ilaan nalang sa rehabilitasyon ng mga lugar ng tinamaan ng bagyong Yolanda. Hindi manlang naintindihan ng mga ito na sila ang pangunahing apektado sakaling makuha ng Tsina ang ating karagatan.
Son of a Gun! ito ang dahilan bakit hindi matuloy tuloy ang AFP Modernization Act dahil sa ganitong klaseng kaisipan na lagi nangyayari sa loob at labas ng kongreso, hindi malayo na baka mamulat nalang tayo na ang ating mga anak ay ala ng makain isda sa hapag kainan dahil pinagbabawalan tayo ng Tsina na mangisda sa karagatan natin.
Ang pagasa na maka ahon ang Pilipinas sa kahirapan dahil sa mga yaman dagat na di pa natutuklasan tulad ng langis sa pinagaagawan teretoryo ng West Philippine Sea ay tuluyan ng maglaho kasabay ang paglaho ng ating bansa sa mapa.
Ang kailangan natin leader sa panahon ngayun bukod sa matalino ay ang proactive, sibilisado, at modernong magisip tulad ng kasalukuyang Pangulong Aquino III at ng dating pangulong Marcos. Noong administrasyon ni Pangulong Marcos ang bansang Pinas ay pinangingilagan ng buong bansa sa Asia at nakilala tayo sa tawag na the Tiger of Asia dahil sa pinaka moderno at sopistikadong mga kagamitan pandigma sa buong Asia at ipinanukala din ni Marcos ang paggamit ng Nuclear Power Plant na noong panahon ng kanyang administrasyon ay kasalukuyan ito itinatayo sa Morong Bataan, alinsunod sa makabagong teknolohiya na pagkukunan ng murang enerhiya.
Isa pa sa hindi makakalimutan sa kasaysayan ng administrasyon Marcos ay ang pagiging pangalawa natin sa Japan sa pinaka mayamang bansa at kung sakaling nakipagsabayan tayo sa Japan sa paggamit ng Nuclear Energy Plant malamang naungusan pa natin ang Japan.
Sapagkat kaakibat ng paglakas ng ekonomiya ng bansa ay ang kalidad ng pinagmumulan ng enerhiya at ang mababang gastusin sa pagangkat nito. Bilyon piso ang matitipid ng bansa sa mababang presyo ng kuryente at kung magkagayon ang pangunahing mabebenepisyuhan ay ang mahihirap natin mamamayan.
Makakaakit din tayo ng maraming foreign investor dahil sa mababang kosto dulot ng mababang singil ng kuryente at magkakaroon ng maraming job opportunity, mababawasan na ang mga Filipinong Domestic Helper sa ibang bansa dahil matutugunan na ng gobyerno ang libreng edukasyon.
Lalaki din ang revenue at sa pamamagitan nito ay makakabili tayo ng mga moderno at higit na epektibong kagamitan para sa ating AFP na magagamit upang masiguro ang sekyuridad at kapayapaan ng bansa sa mga lokal at banyagang may masamang tangka sa ating gobyerno, ekonomiya at kasarinlan.
Siguro panahon na upang ipagbawal makisabat sa usapan ang mga lider na may little knowledge dahil mas dangerous pa sila sa mga nuke.
-End-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento