Lunes, Pebrero 17, 2014

Throw Back


From left to right first level:  Rolland Tria, PMC, Geoffrey Canlas, PMC, Lani Iguico, PHQ, Benzel Mallari, 
2nd level:  Lawrence Siasat, Donato Quimbao,PMC, Jesus Santiago Jr., PMC, Paulo Santos, PMC, Jorehl Santos, PMC, Roel Remudo, PMC.



With our Chapter Dad Advisor  WM. Rene Sioson



LTC at Corregidor Island


Biggest civic project during my term as Mater Councilor Brgy. Pantalan Luma

Now I realized why HRPI are so close to my heart!


My Officers and Preceptors during my term.


115th Celebration of Philippine Independence Day 06/12/2013



http://tinypic.com/useralbum.php?ua=zKZe3Q6rdolyc%2B1R1TjDyQ%3D%3D&page=1

























Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Kabalyero ng Disyerto 6


Ang kapanganakan ng Messiah



Ayon sa pagaaaral ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) noong 7-2 BCE nagkaroon ng hindi pangkaraniwang paggalaw ang ilan mga planeta (planetary alignment). Ang mga tanda sa kalawakan na nabanggit ay nangyari sa mga panahon naganap ang pagdadalangtao ni Maria, ang kapanganakan ng messiah at ang pagpunta ng 3 magi sa Bethlehem upang handugan at sambahin ang messiah. Ang lahat ng ito ay hudyat ng kaganapan ng propesiya tulad ng nakasaad sa banal na kasulatan;
" Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob (Israel), At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab (Jordan), At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi (Numbers 24:17-19)." 


Ang tanda ng pagdating ng hari ng Israel gaya ng nakasaad sa propesiya ay magmumula sa mga bituwin sa kalawakan at ito ay naobserbahan ng mga Zoroastrian na kinabibilangan ng 3 magi. Ang bawat bituwin at konstilasyon ay may kahulugan sa mga Zoroastrian.

Ang Jupiter - ay simbulo ng isang hari, pagiging matuwid at tagapagligtas.

Ang Venus - ay simbulo ng isang ina.

Ang Saturn - ay simbulo ng isang tagapagtangol ng mga Hudyo.

Ang Mars - ay simbulo ng digmaan, kaguluhan, at panganib.

Ang Mercury - ay simbulo ng pagiging maliksi, tagapagbalita, at paglilinlang.

Ang Regulus -  ay simbulo ng pagiginghari at ito ang pinakatala ng konstilasyon Leo.

Ang bawat konstilasyon naman ay sumisimbulo sa 12 tribo ng israel o 12 anak ni Jacob (Psalm 147:4).

Anak ni Jacob kay Leah 1-6

1. Reuben - dahil sa pakikiapid sa kinakasama ng kanyang ama (Bilhah) siya ay tinanggalan ng karapatan bilang panganay. Taglay niya ang simbulo ng Capricornus, isang kambing na inaalay sa Dios sa kapatawaran ng kasalanan, si Reuben ang umako ng kasalanan ng kanyang ama na si Jacob.

2. Simeon - isang kriminal, mamatay tao, at malupit sa mga hayop. Sinisimbulo niya ang Scorpius o scorpion o prinsipe ng kaguluhan.

3. Levi - si Levi ay isa sa mga nagbuyo kay Simeon upang patayin si Shechem isang Canaanite na lumapastangan sa kanilang kapatid na si Dinah. Sa kanyang lahi magmumula ang magiging saserdote ng Israel at tagapangalaga't tagapagpatupad ng banal na kautusan. Sinisimbulo niya ang Pisces ang dalawang isda sa konstilasyon na ang ibig sabihin ay tagapamagitan sa mga mananampalataya at simbulo ng Israel.

4. Judah -Kay Judah pinagkaloob ang karapatan ng isang panganay at tagapamuno ng buong tribo ng Israel. Siya ay tinawag na Leon na sumisimbulo sa konstilasyon ng Leo. Ang panginoon natin ay tinawag na Leon ng tribo ng Juda.

5. Zebulun - Siya ay maninirahan malapit sa karagatan at taglay niya ang simbulo ng Aquarius o tagapangalaga ng tubig.

6. Issachar - Siya ay inihalintulad sa asno (dunkey) tagapagbitbit ng mga tribo, simbulo niya ay ng Aries. Pangungunahan niya ang ilang mga tagapagbibit ng tribo sa kanilang patutunguhan.

Anak ni Jacob kay Bilhah ( Katulong ni Rachel)

7. Napthali - ay isang usa sinisimbulo niya ang Virgo o ang birhen.

8. Dan - na ang kahulugan ay katarungan, hukom. Sinisimbulo niya ang Libra o timbangan.

Anak ni Jacob kay Zilpah

9. Gad - punong tagapaglusob, sinisimbulo niya ang Sagittarius ang tagapana.

10. Asher - siya ang kakain ng taba ng lupa, sinisimbulo niya ang Tauros o baka.


Anak ni Jacob kay Rachel 11-12

11. Joseph - si Joseph ay tumanggap ng dobleng pagpapala ng isang panganay. Ang anak niyang si Ephraim at Manasseh ay inampon ni Jacob at ang dalawang ito ang sumisimbolo sa Gemini ang kambal na pagpapala.

12. Benjamin - siya ay kinumpara sa isang hayok na lobo na kanyang kinakain ang anumang natira sa pagtatagumpay. Kanyang sinisimbulo ang Cancer o alimango.

Ang 12 tribo ng Israel


Ang mga planetary alignment at ang ibig ipaaninaw sa mga Zoroastrian.

7 BCE mula May, September at December
-Ang Jupiter at Saturn ay nagtapat sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng hari (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng mga hudyo  (saturn), ng bansang Israel (picses).
 
6 BCE February
-Ang  pagtatapat ng Jupiter, Saturn at Mars sa konstilasyon ng Pisces. Na ang kahulugan ay ang nalalapit na pagdating ng haring (jupiter), tagapagligtas at tagapagtangol (Messiah) ng hudyo (saturn) sa panahon ng panganib, digmaan, at kaguluhan (mars) ng bansang Israel. (Ang Israel ay nasa ilalim ng pananakop ng Emperyong Roma at ng baliw na si haring Herodes)
 
3 BCE May
-Ang Saturn at Mercury ay nagtapat. Na ang kahulugan ay ang mabuting balita mula sa mensahero  patungkol sa pagdating ng tagapagtangol (Messiah) ng Israel

3 BCE June
-Ang pagtatapat ng Saturn at Venus na ang kahulugan ay ang tagapagtangol (Messiah) ng Israel at ang kanyang Ina (Mary).

3 BCE August
-Ang pagtatapat ng planetang Jupiter at Venus sa konstilasyon ng Leo. Ang planeta sumisimbulo sa Messiah (jupiter) at ina (venus)  sa konstilasyon ng kaharian ng Juda. Ang pagdadalangtao ni Maria sa magiging hari ng Israel mula sa angkan ni Juda.

3 BCE September
- Ang Jupiter ay tumapat sa Regulus, ang pinakatala sa konstilasyon ng Leo, ang kumbinasyon ng haring planeta at haring tala habang ang araw  ay nasa tapat ng Virgo (Virgin Constellation, Isaiah 7:14), at Kabilugan ng buwan (New Moon) sa konstelasyon ng Leo (Judah). Ang kabilugan ng buwan sa buwan ng Elul- Tishrei (September) ay hudyat ng  pasimula ng unang araw ng Rosh Hashanah o bagong taon ng mga hudyo. Ang kabilugan ng buwan ay naganap ng 05 September 3 BCE at ang kasunod nito ay ang mga paggalaw ng planeta na naganap ng 11 September 3 BCE.


 




3 BCE November
- Ang pagtatapat ng 4 na planeta ang Jupiter, Mars, Venus, Mercury sa konstilasyon ng Leo ngunit may nagbabadyang paglilinlang at panganib. Sa mga panahon na ito naganap ang kalupitan ni Herodes sa mga kapwa niya hudyo ang paglipon niya sa Hasmonean Dynasty at pagusig sa sinuman banta sa kanya kaharian.

2 BCE February
- Ang pagtapat ng Jupiter sa Regulus (sa posisyon ng konstilasyon ng Leo) pananatili ng hari sa Jerusalem.
2 BCE May
- Ang pagtapat ng Jupiter sa Regulus (sa posisyon ng konstilasyon ng Leo) pananatili ng hari sa Jerusalem.

2 BCE June
-Ang Jupiter at Venus (magkatabi) sa konstilasyon ng Leo

2 BCE August
-Ang Jupiter, Mars, Saturn, Venus ay nagtapat. Ang planeta ng hari at reyna kasama ang tagapagtangol ng Israel ay nanganganib.

2 BCE December
-Ang Jupiter ay nagsimulang gumalaw pakanluran, mula sa pananatili nito sa tapat ng Virgo. Nagsimulang gumalaw ang haring planeta mula sa lugar ng birhen (Virgo) pakanluran. (Ang pagsunod ng magi sa mga tala upang matunton ang tinutuluyan ng maganak.)

Ayon sa obserbasyon ng mga eksperto sa astrolohiya, ang mga galaw ng planeta sa pagitang ng 3-2 BCE ay hindi pangkaraniwan at ito ay naging palaisipan sa mga Zoroastrian upang ang mga tanda na ito ay kanilang saliksikin. At dahil sa pagaaral ng mga propesiya ng mga propeta at pagkakaugnay nito sa mga tanda sa kalangitan, napagalaman ng mga magi na ang lahat ay may kinalaman sa kapanganakan ng bagong hari  ng gitnang Asya (Jeremiah 23:5, Isaiah 9:6, Daniel 7:13-14),  kanila din napagalaman na ang bansang pagmumulan ay nasa parteng Juda (dahil sa constilasyon ng Leo) ng bansang Israel. Dahil sa kaalaman na ito sila ay nagsimulang magsipaghanap. Ang pagpapakita ng mga tanda  sa kalangitan ay isang paraan ng pagapagpapahayag ng katuparan ng mga pangako ng D_s sa kanyang mga nilalang (Psalms 1:1-4). At para sa paglilinaw, ang ginawa ng mga Zoroastrian ay hindi panghuhula kundi isang interpretasyon sa mga tanda na kanilang nakita at ang lahat ng ito ay binase sa mga sinabi ng mga propeta sapagkat alam nila na anumang mahika at panghuhula gamit ang mga bituwin o anumang bagay upang malaman ang mga mangyayari sa hinaharap ay isang pagsalangsan sa banal na utos at ito ay isang uri ng dibinasyon na sumasalungat sa kanilang paniniwala (Deuteronomy 18:9-11).

Sa mga panahon ng mga pagbabago ng mga bituwin sa kalangitan, walang sinoman ang nakakabatid sa  mga pangyayaring ito maliban sa mga Zoroastrian.

Ang Kapistahan ng Trompeta
(Yom Teruah Leviticus 23:24)

Sa buwan ng Setyembre ng taon 3 BCE ipinanganak ang Messiah taliwas sa paniniwala na ito ay nangyari ng buwan ng Disyembre. Ang hudyo ay gumagamit ng lunisolar calendar habang tayo naman ay Gregorian calendar (Christian calendar), at kung tayo ay nagsisimula bumilang bago sumikat ang araw sila naman ay nagbibilang sa oras na lumobog ito. Ang Sabado naman ang kanilang ika pitong araw samantala sa atin naman ay Lingo. Sa araw ng Sabbath o Sabado (Exodus 20:8-11) sila ay nagpapahinga at sumasamba sa D_s samantalang tayo ay nagtratrabaho o di kaya'y nagpapakasaya. Ang Elul- Tishrei ay katumbas ng Setyembre sa ating kalendaryo at ang ukasyon ng Rosh Hashanah ay ang simula ng bagong taon para sa mga hudyo, ito rin ang araw ng paggunita, pagluwalhati, at pasasalamat sa D_s sa paglalang kay Adan at Eba at ang panibagon buhay para sa sangkatauhan ng ang Arko ni Noah ay sumadsad sa Mt. Ararat pagkatapos gunawin ang mundo (Genesis 8:13). Ito din ang simula ng panahon ng tagsibol (Spring Season). Sa sulat ni Pablo sa mga taga Corinthians tinukoy niya ang Messiah na ikalawang Adan (1 Corinthians 15:45) at sa okasyon na ito si Jesus (Yeshua) ay isinilang, siya ang ikalawang Adan ang messiah at pag-asa sa ilalim ng pananakop ng Roma (Numbers 10:9). Ang hudyat ng panimula ng kapistahang ito ay tinatapat sa kabilugan ng buwan o full moon. Sa talaan ng NASA moon phases noong taon 3 BCE sa okasyon ng Rosh Hashanah  ang kabilugan ng buwan (full moon) ay naganap noong ika-5 ng Setyembre ng umaga ito ang araw ng kapanganakan ng Messiah.

Ang Pagtutuli (pakikipagtipan) at pagaalay sa Templo


Nakaugalian na ng mga Hudyo na pagkatapos magsilang ang isang babae ay kailangan muna siya ay lumayo sa kanyang asawa "niddah" sa loob ng 7 araw, ito din ay kadalasan sinasagawa ng mga babae kapag siya ay dinadatnan ng buwanang dalaw (Leviticus 12:2). Sa edad na ika-8 araw ng bagong panganak ang bata ay kailangan tuliin bilang pagtupad sa kautusan at kasunod nito ay ang pagbibigay nila Joseph at Maria sa kanilang anak ng pangalan "Jesus" (Genesis 17:10-14, Matthew 1:21). Matapos ang seremonya ng pagtutuli si Maria at ang kanyang anak ay mananatili parin nakabukod sa loob ng 33 araw at sa ika- 40 araw ang pagaalay at pagtatalaga sa templo ay isinasagawa upang magkagayon ay malinis sila sa anuman pagkakasala o karumihan at maging karapatdapat sa paningin ng D_s (Leviticus 12:1-4). Nang sumapit ang ika 40 araw si Maria at Joseph ay nagtungo sa Templo upang italaga ang kanilang anak at sila ay nagsipagalay ng kalapati bilang sakrepisyo. Ang pagaalay ng kalapati ay karaniwang isinasagawa ng mga mahihirap na hudyo samanatalang tupa at guya naman sa mga nakakaangat sa buhay. Ang pagaalay ng kalapati ay isang pagpapatunay kung anong antas ng buhay meron sila Joseph at Maria sa lipunin ng mga panahon na iyon. Kung sinasabi sa kuwento na pagkayari manganak ni Maria ay nagsidating ang mga pantas na may mga kaloob partikular si Melchior na may dalang ginto disin sanay hindi lang kalapati ang kanilang mga handog kundi tupa o kaya'y guya. Noong mga araw na iyon sila ay inaabangan ni Simeon at dahil siya ay puspos ng banal na espirito ay agad niyang natukoy ang batang si Jesus at si Maria na binabangit ni propeta Isaiah. Si Simeon ay isang iskolar at tagapagsalin ng Torah sa salitang griyego o kilala sa tawag na Septuagint. Nang kanyang isasalin ang Isaiah 7:14 hindi siya makapaniwala na ang isang birhen ay magsisilang ng bata kaya't inisip niya ito ay palitan ng salitang babae imbis na birhen ngunit ng isusulat niya ito ang kanyang kamay ay tinapik ng Anghel at sa kanya ay nagwika " Iyong makikita ang katuparan ng propesiyang ito at hindi ka mamatay hanggat di mo nakikita ang Messiah na ipapanganak ng isang birhen." kaya't ng makita niya si Jesus siya ay nagalak at pinapurihan ang Dios (Luke 2:25-32). Pinaniniwalaan na si Simeon ay nabuhay sa loob ng 360 na taon.

Simeon at ang batang si Jesus


Ang pagbabalik sa Galilee Nazareth

Isang paghahalintulad sa mga kabahayan at kalsada noong panahon ng ating Panginoon Jesus
Buwan ng Oktubre 3 BCE matapos maisakatuparan ni Joseph at Maria ang pagpapatala at pagsasagawa ng mga rituwal sa templo, sila ay nagsibalik sa Nazareth upang balikan ang dati nilang pamumuhay(Luke 2:39). Taliwas sa paniniwala na pagkayari makapanganak si Maria ay agad sila nagtungo sa Ehipto upang duon magtago.

Isang paglalarawang ng mga kababaihang Hebrew o Hudyo kalong ang isang 15 buwan na gulang na anak na lalaki.
 Makalipas ang isang taong pamumuhay nila sa Nazareth ang maganak ay nagdesisyon na bumalik muli sa Bethlehem sapagkat naisipan nila na makakabuti sa kanilang maganak ang manirahan sa kanilang sariling bayan kaya bago sumapit ang taginit (Summer season ay June-September 2 BCE) ang maganak ay naglakbay papuntang Jerusalem at duon sila ay nakakuha ng bahay na matutuluyan sa Matthew 2:11 kapansin pansin ang pagdating ng mga magi sa bahay taliwas sa ating akala na sila ay dinatnan ng 3 magi sa sabsaban.

Ang tatlong Magi upang sambahin at magbigay ng handog sa 15 buwan na gulang na si Jesus.
 Noong buwan ng Disyembre 2 BCE natunton ng 3 magi ang maganak at sila ay nagsipagalay at sinamba si Jesus na isang hari. Noong gabi na iyon ang tatlong magi ay inutusan ng anghel na huwag na bumalik kay haring Herodes upang iulat ang kinaroroonan ng Messiah bagkus magsipagbago ng landas pauwi (Matthew 2:12). Nagpakita ang anghel sa panaginip ni Joseph upang iutos naman sa kanya ang pagtakas papuntang Ehipto dahil sa nanganganib ang buhay ni Jesus (Matthew 2:13). Kaya ang maganak ay agad tumakas at iniwan ang Bethlehem dala ang mahahalagang handog ng 3 magi upang magamit nila ito sa pagtakas at pagtatago sa Ehipto. Nang malaman ni haring Herodes na nalinlang siya ng mga magi iniutos niya ang pagpatay ng mga batang lalaki na ipinanganak sa Bethlehem mula 2 taon pababa. Ang dahilan sa pagpapatay sa mga bata na may idad 2 taon pababa ay upang makasigurado si Herodes na di makakaligtas ang Messiah. Si Jesus ay pinanganak ng September 3 BCE at mula sa buwan na ito hanggang Disyembre 2BCE si Jesus ay may 15  na buwan na gulang at isama ang 9 na buwan na pagbubuntis ni Maria sa kanya, ang kabuuang bilang ay 24 na buwan o 2 taon. Kaya pinadala ni Herodes ang mga kawal nito at kanilang pinagpapatay ang mga batang may 2 taon pababa sa bayan ng Betlehem. Ang katuparan ng propesiya ay naganap ayon sa banal na aklat ni Jeremiah 31:15.

Ang pagpatay ng mga inosente

Ang Pagkamatay ni Herodes

Madaming mananalaysay ng kasaysayan ang nagsasabi na si haring Herodes ay namatay ng 4 BCE ngunit kung pagbabasihan ang mga mahahalagang pangyayari ng kapanahunan na iyon ay di tumutugma sa nabanggit na taon ang kanyang kamatayan. Sapagkat ang kanyang kamatayan ay may malaking kaugnayan sa panahon kung kailan ipinanganak ang ating panginoong Jesus.

Noong 40 BCE si Herodes ay inihalal ng senado ng Roma bilang isang hari ng mga Hudyo. Makalipas ang 3 taon (37 BCE) sinakop ni Herodes ang Judea sa tulong ng mga kawal ng emperyong Roma at pinatay niya si Antigonus, dahil dito mula sa pagkakahalal ay diniklara niya ang kanyang sarili bilang hari ng mga hudyo. Si Herodes ay nanungkulan sa Emperyo sa loob ng 37 taon. Ang 34 na taon nito ay kanyang ginugol sa Jerusalem matapos niya itong sakupin at ito ay ayon kay Josephus.

..."having reigned, since he had procured Antigonus to be slain, thirty-four years; but since he had been declared king by the Romans, thirty-seven." ~Antiquities of the Jews Book XVII , Chapter 5, Section 2

Upang lubos maunawaan, ang chart na ito ang magpapakita ng kabuuang taon ng pagkahirang hari ni Herodes ng senado ng Roma mula 37 BCE- hanggang siya ay bawian ng buhay noong 1 BCE. Ang Regnal Years Period ay ang kabuuang taon ng kanyang pagiging hari at sa kaliwa column naman ay ang taon ng mga panahon na iyon.


Ang pagkakaroon ng lunar eclipse ayon kay Josephus ay isa pang palatandaan ng mga panahon bago mamatay si haring Herodes at sa pamamagitan ng talaan ng kasaysayan ng mga naganap na lunar eclipse mula sa NASA ay madaling matutukoy ang eksaktong taon ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa mga iskolar si Herodes ay namatay sa pagitan ng Marso at Abril 4 BCE.

Base sa talaan may naganap na lunar eclipse noong 13 March 4 BCE at ang ikalawang eclipse naman ay noong 05 September 4BCE.

Sa taong 3BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 31 January, 02 March, 27 July, at 29 December.

Sa taong 2 BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 20 January at 17July.

Sa taong 1 BCE ay may naganap na lunar eclipse noong 10 January, 05 July, at 29 December.

Para sa karagdagan impormasyon tingnan ang link na NASA.

Ang huling mga panahon ni Herodes ay nauwi sa mga kahindikhindik na pagpatay at ilang sa mga ito ay ang pagpapapatay sa mga inosenteng bata, ang pagsunog sa monesteryo sa dakong Qumran, ang pagtirik ng Aquila sa bungad ng banal na templo na isang paglapastangan at pagsalansan sa banal na utos (Exodus 20:4-5, Leviticus 26:1).

  
Ang Aquilas  ni Augustus na simbulo ng emperyo ng Roma na siyang tinirik ni Herodes sa harapan ng banal na Templo.


 Dahil sa mga krimen at pagsalangsan sa mga banal na kautusan ng D_s, si Herodes ay nagkasakit ng malubha sa balat (Fournier gangrene) at ito ay kanyang pinagdudusahan. Habang nagdurusa si Herodes sa kanyang sakit ang pagkakataon ito ay sinamantala nila Matthias at ni Judas mga kilalang guro sa sinagoga kasama ang kanilang mga istudyante upang tanggalin ang rebultong agila sa templo na siya naman kinagalit ni Herodes. Agad niya pinadakip ang gurong (rabi) si Matthias pati na ang mga istudyante nito at walang kaabog abog na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagsunog ng buhay at noong gabi na iyon naganap ang lunar eclipse ~Antiquities of the Jews Book XVII , Chapter 6, Section 4.

Inaresto at pinakulong niya ang matitikas na kalalakihan ng Jericho upang patayin sa oras na siya ay mamatay ng sa gayon ay magsipagtangis ang kanilang mga asawa at mga anak na tila ang pagluluksa ay patungkol sa pagkamatay niya, sapagkat siya ay nagaalala na sa oras na siya ay mamatay ang kaharian ay magsasaya at wala sinuman sa kanila ang tatangis. Ang kautusan na pagpatay sa mga kalalakihan ng Jericho ay ibinilin sa kanyang anak na si Archilaus at kapatid niyang babae na si Salome. Namatay si Herodes bago sumapit ang kapistahan ng Paskwa (Passover) ngunit ang pagpatay sa mga kalalakihan ay di nangyari at pinakawalan sila ni Salome at Archilaus at nagsibalikan sa kanilang mga tahanan upang ipagdiwang ang kapistahan.

Sa pamamagitan ng Timeline masusuri natin ang mga mahalagang naganap sa pagitan ng 3BCE at 1 BCE.

05 September 3 BCE- Kapanganakan ng Messiah.

13 September 3 BCE- Pagtutuli at pagbibigay pangalan sa Messiah.

15 October 3 BCE- Purification sa Templo at si Simeon.

November 3 BCE- Pagbabalik ng maganak sa Nazareth.

May 2 BCE- Ang maganak ay nagsibalik muli sa Bethlehem.

Disyembre 2 BCE- Ang pagdalaw ng 3 magi.

Disyembre 2 BCE- Ang pagtakas ng maganak papuntang ihipto.

December 2 BCE- Pagpatay ng mga inosente.

20 January 1 BCE- Ang pagsunog kay Matthias, Judas, at mga tagasunod nila (Lunar Eclipse- Umbral).

18 April 1 BCE- Ang araw ng pagkamatay ni Herodes.

19 April 1BCE- Ang pagdidiwang ng Paskwa (passover) ang pagpapakawala at pagbabalik ng mga kalalakihan ng Jericho sa kanilang pamilya upang ipagdiwang ang Paskwa.


Itutuloy...








Lunes, Pebrero 3, 2014

Kabalyero ng Disyerto 5


Ang Pagpapatala 


Emperor Augustus Octavius Caesar
"FATHER OF THE COUNTRY"

 Nagpalabas ng kautusan si emperor Augustus Caesar sa lahat ng dako ng bansa na nasa ilalim ng pamahalaan ng Emperyo ng Roma na ang lahat ng mamamayan nito ay kailangan magpatala kada ikalimang taon, upang sa gayon ay mabilang ang kabuuang populasyon ng isang lugar. Ang talaan na ito ay gagamitin basihan hindi lamang sa pagsingil ng buwis (property tax) kundi upang erehistro ang bawat mamamayan (Civil Registration) at panumpain sa kanilang katapatan sa emperyo(oath of alligiance). Ang census o pagtatala samakatuwid ay isang malaking preperasyon sa gaganapin na selebrasyon ng Roma sa ika 25 anibersaryo (silver anniversary) ng pamumuno ni Augustus (Octavius) Caesar  at pagpataw sa kanya ng titulong " Pater Patriae" ( Father of the Country). Ang pagtatala ay naganap noong 3 BC at ang Augustus jubilee year ay naganap noong 05 February 2 BC ito ay base sa pagkakaugnay ng mga sinulat ni Josephus at ni Orosius. Sa pagtatala at pagdidiklara ng mga ari-arian ay may talata ng panunumpa na matatagpuan sa hulihan at ito ang nakasulat
"We swear by the fortune of the Emperor Caesar Trajanus Hadrian Augustus ...under oath."... "And I swear by the Emperor Nero Claudius Caesar Augustus that I have kept nothing back." (Paphlagonian inscription). Upang pangasiwaan ang gaganaping pagtatala ay isinugo si Procurator Sulpicius Quirinius sa Sirya kabilang ang mga tapat na tauhan nito.

Ang Pagbabalik-bayan

Si Joseph ay mula sa angkan ni David sa kanyang anak na si Solomon habang si Maria ay mula sa angkan ni Nathan  nakababatang kapatid ni Solomon ng Juda. Ang maliit na bayan ng Bethlehem sa Jerusalem ay ang lugar kung saan si David ay ipinanganak at naging hari, ito ang dahilan kung bakit si Joseph kasama si Maria na kasalukuyang buntis noong panahon na iyon ay nagtungo sa lugar na ito mula sa Nazareth bilang pagtalima sa kautusan ng emperyo ng Roma na ang lahat ng mamamayan ay kailangan magpatala sa lugar kung saan nagmula ang kanilang angkan. 


Si Joseph at Maria mula Nazareth patungong Bethlehem upang magpatala


Ang Gobernador at ang Procurator 

Ang pagpapatala ni Joseph ay naganap bago maging gobernador si PS. Quirinius. Sa talaan ng mga naging gobernador ng Sirya si P. Sulpicius Quirinius ay naupo bilang gobernador nooong 6-7 CE ngunit bago siya naging gobernador siya ay dating "Procurator" na itinalaga sa Sirya noong panahon ng pagtatalaga upang pangasiwaan ito. Ang procurator ay isang opisyales na pangunahing responsibilidad ay ang mamahala sa mga bagay na may kinalaman pang pinansyal isa na rito ang pangongolekta ng buwis.



Ang Procurator ng Emperyo Romano

  Ang gobernador naman ay isang opisyales na ang responsibilidad nito ay pamahalaanan ang isang probinsya, siya din ang responsable sa kapakanan ng mga mamayan nito at paglutas sa mga prublemang pangkatarungan,


Ang Gobernador ng Romano bilang Hukom


 siya din ang pinaka pinuno ng mga hukbong sandatahan ng Roma na nangangalaga sa kaayusa at katahimikan ng kanyang sinasakupan. Ang Procurator at ang Gobernador ay parehong niluklok ng emperyo ng Roma at direktang naguulat ang bawat isa sa emperor. Ang antas ng kanilang titulo sa isa't isa ay  halos pantay kung kaya't sa mata ng publiko ang isang Procurator ay isa din Gobernador at ito ay pinatunayan ni Josephus sa isa sa kanyang talaan ng kasaysayan ng tukuyin niya ang gobernador na nakapuwesto sa Sirya at isa sa kanyang mga sinulat ay kanyang nabanggit  sa wikang ingles "...the governors of Syria..."kapansin pansin ang paggamit niya ng salitang governors na tumutukoy ng higit pa sa isa sa halip na governor. Ang pagtukoy niyang ito ay naganap sa panunungkulan ni gobernador Saturninus at ang tinutukoy niyang ikalawang gobernador ay ang Procurator. Ito rin ang dahilan kung bakit nasabi ni Lukas sa kanyang talata na si Quirinius na isang Procurator ay kasalukuyang gobernador ng Sirya ganon si L. Calpurnius Piso ang tunay na gobernador ng mga panahon na isinasagawa ang pagtatala (Luke 2: 1-3).


Mga Gobernador ng Sirya at taon ng kanilang panunungkulan.

BCE 10-9         M. Titius
BCE 9-6           Gaius Sentius Saturninus
BCE 6-3           P. Quinctilius Varus
BCE 3-1           L. Calpurnius Piso (?)
BCE 1-4 CE     Gaius Julius Caesar
4-6 CE              L. Volusius Saturninus
6-7 CE              P. Sulpicius Quirinius

Ang Zoroastrian at ang tatlong Magos

Sa panahon ni emperor Augustus Caesar ang mga tagasunod ni Zoroaster (Magi/Magos) ay kamangha mangha  dahil sa kanilang mga natatanging kaalaman. Ang magi ay ang mga pari ng Zoroastrian isang relihiyon na ang kanilang propeta ay si Zoroaster taga sunod ni Ahura Mazda " Ang Panginoon ng kaalaman" at ang paglaganap ng nasabing relihiyon ay pinalawig ni Kavi (King) Vishtaspa isang hari  ng Bactria (Northern Afganistan).
 
Si Propeta Zoroaster

 Ang mga taga sunod ni propeta Zoroaster ay bihasa sa agham at pagaaral ng mga bituwin na siya naman iniuugnay sa mga propesiya ng mga propeta. Sa isang pagkakataon sa kaharian ni haring Nebuchadnezzar nakaharap ni propeta Daniel ang mga magi sa pagpapaaninaw ng mga panaginip ng hari at nailigtas ni Daniel ang mga ito ng kanyang maipaliwanag sa hari ang kahulugan ng panaginip, at si Daniel ay ginawang tagapamahala ng buong pantas. 

Ang impluwensya ng Zoroastrianism (pre-islamic religion) ay lumaganap mula  Persia  hanggang  Babylonian (Iraq) at ang impluwensya ng Judaism o pananampalataya ng mga hudyo sa kanila ay nagmula kay propeta Daniel ng pamahalaanan niya ang mga ito (Daniel 2:48) at masaksihan nila ang iba't ibang milagro at kadakilaan tulad ng hindi niya pagkasunog ng siya ay itapon sa apoy, ang pagliligtas sa kanya ng isang anghel sa mga leon, at ang pagpapalaya sa mga hudyo ng masaksihan ni haring Cyrus  (Darius) ng Persia  ang kapangyarihan ng D_s ni Daniel (Daniel 6:26). Ito ang naging dahilan kung bakit iniutos ni haring Cyrus ang pagpapabalik ng mga hudyo sa Juda (Jerusalem) upang muli itayo ang ikalawang Banal na templo. Ang Zoroastrian ay sumasalungat sa anumang paggamit ng salamangka o magic sapagkat sa modernong panahon ang salitang magic ay mula sa salitang magi. Ang tatlong magi na si Melchior, Baltazar, at Gaspar ay kabilang sa sektang Zoroastrianism. Sila ay di mga hari taliwas sa nakasaad sa propesiya ngunit nirereprisinta nila ang bawat kaharian sa paligid ng Israel na yuyukod at sasamba sa hari ng mga hari.


 Ang Tatlong Mago

Ang mga hari ng Tarshish, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob, o lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. ~Psalm 72: 10-11



"The Magi Journeying" ipininta ni James Tissot

Nang malaman ng tatlong pantas ang ibig ikahulugan ng simbulo sa langit sila ay agad nagsipag gayak at naglakbay upang magbigay ng handog at sambahin ang bagong hari ng Israel
(Isaiah 60: 6).




Si Melchior na mula sa lugar ng Nubia Arabia (Sudan) ay naglayag sa  karagatan ng Red Sea patungong Israel at lahat ng dumadaan manlalakbay at mangangalakal dito ay nagsasabi na ang tubig sa pampang nito ay kulay pula na mistulang alak (red wine) sa panangin. Ang lupain ng Nubia ay sagana sa natatanging ginto na walang katulad sa buong mundo (Arabian Gold). Kayat ang mga ginto na ito ay handog ni Melchior ng Arabia sa pinanganak na hari ng Israel.


Isang halimbawa ng primerang klase na ginto sa buong mundo na matatagpuan sa Arabia


Si Baltazar ay nagmula sa bansang Saba (Ethiopia) kung saan matatagpuan ang madaming puno ng magagandang klase ng insenso (Frankincense) na ang dagta ang pangunahing prudukto nito. Ang insenso ay ginagamit sa mga banal na ritwal, ginagamit ito bilang handog at simbulo ng paglilinis (purification), at tulad ng mabangong usok nito, pinararating sa kalangitan ang bawat dasal ng isang banal (Psalms 141: 2, Revelation 5: 8, Revelation 8: 3).


Si Gaspar magi ng Tarshish (Egypt). Bitbit niya ay ang langis ng mira (myrrh) isang mamahaling langis dahil sa taglay nitong mabangong amoy at gamot sa iba't ibang karamdaman o pananakit (Mark 15: 23). Ito rin ang pinakamahalagang sangkap sa ritwal ng paglilinis (purification), pagtatalaga sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis sa ulo ng punong saserdote, ng banal na lugar tulad ng tabernakulo, at pagbasbas sa hari ng isang bansa. Exodus 30: 23-31
 




Itutuloy...



























Sabado, Enero 25, 2014

Kabalyero ng Disyerto 4

Ang pagkakaluklok ni Herodes bilang hari ng Judea.
Dahil sa pagkamatay ni Alexander the great ang emperyo ng Gresya (Greece) na kanyang tinatag ay unti unti sinakop ng Republika ng Roma. Ang Judea na parte ng Israel ay naging isang ganap na probinsiya ng Roma. Si Herodes ay anak ni Antipater I na siyang nagtatag ng Herodian Dynasty. Si Antipater ay naging makapangyarihang opisyales ng Hasmonean Kings at naglingkod kay Pompey the Great kilala sa tawag na Magnus isang pulitiko at lider ng Roman Republic sa partidong pulitikal na Optimates.

 Si Julius Caesar lider ng partidong pulitikal ng Populares ay naging matalik na kaibigan ni Pompey ngunit dahil sa politika sila ay naging magkalaban na siyang naging dahilan ng pagsiklab ng  Ceasar's civil war . Sa pakikipag laban ni Julius Caesar sa Alexandria siya ay sinagip ni Antipater at bilang ganti sa tulong at katapatan pinamalas ni Antipater siya ay ginawang punong ministro ng Judea na may karapatan mangolekta ng buwis. Niluklok ni Antipater ang kanyang dalawang anak bilang Gobernador ng Jerusalem at Galilee. At si Herodes ang nagsilbing gobernador ng Galilee. Di naglaon ng ipapatay si Julius Caesar ni Marcus Junius Brutus sa kanyang bayaw na si Gaius Cassius Longinus,  ang punong ministro na si Antipater ay napilitan pumanig kay Gaius laban kay heneral Marcus Antnious (pamangkin at tapat na kawal ni Julius Caesar-naging asawa ng reyna ng Egypt na si Cleopatra). Ang pagkamatay ni Julius Caesar at Marcus Antonius ay pasimula ng pagbagsak ng Roman Republic at pagusbong ng Roman Empire.


Ang pagpatay kay Julius Caesar
Ang pagiging bihasa sa pakikipag diplomasya at pamumulitika ni Antipater ang nagdala kay Herodes sa antas ng pagiging aristokratiko at dahil dito ay kanyang napangasawa ang prinsesa ng Hasmonean Dynasty na si Mariamne I (ikalawa sa asawa ni Herodes) upang sa ganon ay igawad sa kanya ng Roma ang trono bilang hari ng Judea at siya ay di nabigo. Upang patunayan ang katapatan niya sa Judaism (bagamat si Herodes ay isang hudyo ang kanyang katapatan sa relehiyon ay kadudaduda dahil sa siya ay naimpluwensyahan ng Roma at ang unang asawa niya ay isang samaritana) at makuha niya ang simpatya ng bawat hudyo sa kanyang pamamahala, kanyang pinaayos at pinaganda ang ika-lawang templo sa tuktok ng bundok Moriah/Zion.  



Ang ika-lawang Templo na pinalawig at pinaganda ni Herodes


Sa orihinal na sukat ng banal na templo (King Solomon's Temple) halos kalahati ng sukat nito ay di nasunod ng itatag ang ika-lawang templo na pinasimulan at dinesenyo ng Gobernador ng Juda na si Zerubbabel ito ay binase sa kautusan ni haring Cyrus (Ezra 6: 1-12).

Sa kabuuang dimensyon ng orihinal na templo ang sukat ng banal na lugar at kabanal banalang lugar kung pagsasamahin ay nasa 20x30x60 cubits (30x45x90 feet) at ang tatlong palapag na silid sa magakbilang gilid nito ay may sukat na 30x30x60 cubits (45x45x90 feet) at ang harapan ng gusali ay may taas na 20x120x10 cubits (30x180x15 feet).

Upang masunod ang orihinal na disenyo ay sinimulan ni haring Herodes ang pagsasaayos ng templo. Ang pagpasok ninuman maliban sa mga saserdote sa lugar ng altar at kabanal banalang lugar ay mahigpit na pinagbabawal kaya't upang maiayos ang lugar na ito 1,000 saserdote ang nagsipagtrabaho bilang mason at karpintero sa nasabing lugar. Ang templo ay natapos sa loob ng apat naput anim na taon (John 2: 20).


Titus Flavius Josephus ang manunulat ng kasaysayan ng Israel.

Si Joseph Ben Mattathias sa tunay na pangalan ay kilala sa tawag na Titus Flavius Josephus. Siya ay pinanganak sa Jerusalem at isa din sa namuno ng himagsikan sa Galilee laban sa mga Romano. Siya ay nabilango at ginawang interpreter ni emperor Vespasian. Dahil sa mabuting serbisyo ni Josephus sa emperyo siya ay pinalaya at ginamit ni Josephus ang apilyidong Flavious bilang tanda ng kanyang pagdepekto sa Roma. Ang Flavious ay apilyido na gamit ng emperyo na si Vespasian. Nagsilbi siyang interpriter sa anak ni Vespasian na si Titus. Kayat dahil dito siya ay nakilala sa pangalan na Titus Flavius Josephus. 
Isinalarawan ni Josephus ang templo pinagawa ni Herodes.

"Ang harapan ng templo ay tunay na kagilagilalas sa paningin ng sinuman at kamangha mangha sa hinagap ng makakasaksi. Ang harapan pinto nito ay nababalot ng napakakapal ng ginto na sa tuwing sisilay ang liwanag ng araw mula sa silangan at tatama sa pinto nito'y tunay na masisilaw ang sinumang titingin. Habang ang tuktok nitoy kung titingnan sa malayo animo'y bundok na nababalot ng niyebe at ang ibabaw naman ay natatanuran ng matutulis na sibat upang di makadapo ang mga ibon at masalahula ang templo."

" Ang templo ay nababakuran ng mataas na haligi na gawa sa magandang bato upang magkagayon di makalapit ang mga hentil at makasalanang sa banal na lugar at altar. At sa haligi nito ay may paalala na nagbababala " Ang sinuman hentil na mahuhuli sa loob ng banal na lugar ay parurusahan ng kamatayan." (Ephesians 2: 11-22)

Ang paglipon ng Dios sa Hasmonean Dynasty




Nakabingit sa alanganin ang pagiging hari ni Herodes sa emperyo ng Roma dahil noong panahon na iyon tanging ang may mga dugong bughaw lamang ang puwedeng maging hari at ang pinanghahawakan titulo ni Herodes ay ang kanyang pagiging asawa sa reyna na si Mariamne I ng Hasmonean Dynasty kaya't upang masiguro na di mawawala sa kanya ang pagiging hari ay sunod sunod niyang pinapatay ang 45 Hasmonean na tagasunod at kinumpiska ang mga ari-arian nito. Pinapatay din niya ang kapatid ni Mariamne na naging punong saserdote sa apila ng kanyang ina na si Alexandra kay Cleopatra. Dahil sa pagiging malapit ng ina ni Mariamne kay Cleopatra na kasintahan ni Marcus Antonius, hindi nakaligtas kay Herodes ang biyenan at ito ay kanyang pinapatay. Pinapatay din niya ang kanyang 2 anak na lalake kay Mariamne dahil sa pagkakaroon nito ng dugong bughaw. Kinamuhian ni Mariamne si Herodes at dahil dito ang pagmamahal niya kay Herodes ay napalitan ng poot. Dahil sa panlalamig ni Mariamne naghinala si Herodes na may kalaguyo si Mariamne sa sulsol ng kanyang kapatid na babae na si Salome ito ay kanyang pinapatay. Ang lahat ng banta sa kanyang pagiging hari ay agad niya pinapapatay kaya siya ay tinaguriang "mad man" o taong tulad ng asong ulol. Dahil dito naubos ang Hasmonean Dynasty sa kamay ni Herodes.

Ang pangyayari sa angkan ni Heshmon ay masasabing isang kaparusahan ng Dios. Ang Hasmonean ay binubuo ng mga heneral ng coup d'etat at pagkatapos mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga hentil (Greece-Seleucid Empire) ng magtagumpay ang Maccabean revolt ang trono ng paghahari ay kanilang inangkin at hindi ibinalik sa lahi ni David na si Simon, sila ay pinarusahan ng Dios sa pamamagitan ng pagkaubos ng kanilang lahi.


Maccabees Revolt

Ang paglipon sa mga Hasmonean ay isang paraan ng Dios ng pagsasaayos upang maisakatuparan ang pagtatalaga ni Jacob sa anak niyang si Juda at magsilbing babala sa sinuman na ang tinalaga ng Dios na mamuno ay dapat igalang at sundin. At ang sinuman aagaw nito tulad ng ginawa ng Hasomonean dynasty ay kanyang parurusahan.  

" 8. Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway: Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo. 9. Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? 10. Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa. 11. Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas. At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak, At ang kaniyang damit sa katas ng ubas. 12. Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak, At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas." ~ Genesis 49: 8-12

Si haring Solomon, David...at Jesus ay mula sa lahi ni Juda.

 Pagkaubos ng Hasmonean Dynasty magaganap ang isang propisiya ng kapanganakan ng susunod na hari ng Israel na magmumula sa isang maliit na bayan ng Bethlehem.

 "Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.~ Micah 5: 2





Itutuloy...

Linggo, Enero 19, 2014

Ang Kabalyero ng Disyerto 3

 Ang pagkawasak ng Unang Templo
 (King Solomon's Temple)


Kung ang lahat ay may simula lahat din ng bagay dito sa mundo ay may wakas kung kailan, ay tanging Dios lang ang nakakaalam. Ang Banal na Templo na pinatayo ni haring Solomon (606 BC) na halos malaki lang ng konti sa sukat ng isang tennis court ay nawasak ng sakupin ang Jerusalem (Juda) ng hari ng  Babylonian (Iraq) na si Nebuchadnezzar (Daniel 1:1-2). Sinubukan tumakas ni haring Zedekiah ng magapi ang kanyang mga kawal ngunit siya ay nasukol ni Nebuzaradan kumander ng Babylonian imperial guard. Dinala si haring Zedekiah kay haring Nebuchadnezzar na nasa Riblah  isang lugar sa hilagang parte ng Israel at duon siya ay pinatawan ng parusa. Si Zedekiah ay binulag pagkatapos patayin ang anak nito sa kanyang harapan at dinala sa kaharian ng Babylonian. Si kumander Nebuzaradan ang sumonog ng mga bahay sa Jerusalem kasama na dito ang Banal na Templo na pinagawa ni haring Solomon (2 King 25). Ang pangyayaring ito ay katuparan ng propesiya ni Jeremiah 26: 1-12.


Ang Persya at ang Bagong Templo


Sinugod at sinakop ng Media at Persya (Iran) ang bansang  Babylonian (Iraq). Ang Jerusalem na nasakop ng Babylonian ay naging bahagi ng emperyo ng Persya na pinaghaharian ni haring Cyrus (Darius). Binigyan ng kalayaan ni haring Cyrus ang mga Hudyo (Jew) at inutasan na magsibalik sa kanilang lupain (Jerusalem) upang magtayo ng panibagong Templo para sa Dios at isaayos ang nasira haligi ng Jerusalem (Ezra 1: 1-11, Ezra 3). Ang pagtatayo ng templo ay sinimulan 535 BC at natapos ng 515 BC. Nagtagal ang pagkumpleto ng Templo dahil sa ito ay natigil ng 16 na taon. Ang haliging nasira naman ay natapos isaayos sa loob ng 52 araw (Nehemiah 6:15).

Ang paglusob ni Alexander sa Tyre upang paslangin ang haring si Melqart.

Ang hari ng Tyre na si  Melqart- Dios ng Karagatan

Ang Tyre (Lebanon) na kaalyadong bansa at naging bahagi sa pagtatatag ng banal na templo sa Jerusalem ay kinasuklaman ng Dios dahil sa kapalaluan ng hari nito. Sapagkat tinanghal ng hari ng Tyre ang kanyang sarili na isang dios ng karagatan at siya ay kinilala sa pangalan Melqart Dahil dito siya at ang kanyang bansa ay pinarusahan ng Dios. Ang Tyre ay sinakop ni Alexander the Great (Ezek. 28:1-10, Zechariah 9: 1-4).





Si Alexander the Great at ang 
Punong Saserdote na si Jadduah


Sinakop ng Gresya ang Tyre (Lebanon) sa pangunguna ni Alexander the Great at pagkatapos ay agad nagtungo si Alexender sa Jerusalem. Nangatakot ang mga Hudyo sa balita ng pagtungo ni Alexander sa kanilang lugar dahil dito sila ay nanalangin at nagsipagalay sa Dios sa pangunguna ng punong saserdote na si Jadduah. Nagpunta ang punong saserdote sa kabanal banalang lugar ng Templo (holy of the holies) upang hilingin ang gabay ng Dios, Nakausap ni Jadduah sa panaginip ang Dios at siya'y inutusan na huwag matakot sa pagdating ng mga Hentil (non-Jew), pinasusuot din sa kanya ang banal na kasuotan na kulay lila at  ang "Hoshen" (breastplate) tanda ng paghirang sa kanya bilang punong saserdote. Pagsapit ni Alexander sa bukanan ng Jerusalem ay agad siya sinalubong ni Jadduah, nagbigay pugay at yumukod si Alexander sa harapan ni Jadduah. Sabay sabay na tinig ng pagbati ang pinaabot ng buong Jerusalem. Nasaksihan ni heneral Permenio ang ginawa ng kanilang hari kung kaya't pinagutos niya sa mga kawal na magsipag pugay din sa punong Saserdote na si Jadduah, sinabi sa kanila ni Alexander na hindi si Jadduah ang kanyang pinapupurihan kundi ang Dios na nagtalaga sa punong saserdote. Si Alexander ay inakay ni Jadduah at sabay sila nagsipagdasal at nagalay ng handog sa Templo ng Dios. Pagkayari ng seremonya sila ay pinaligiran ng mga iba pang saserdote na gusto rin makita ng malapitan si Alexander. Sa iksenang ito ay biglang may naalala si Alexander ilan taon na ang nakakalipas at kinuwento niya ito kay Jadduah, habang nagiisip siya kung paano niya matatalo ang emperyo ng Persya ay nagkaroon siya ng pangitain "isang lalaki na nakaturo sa pintuan ng malaking haligi at sa harap nito ay may mga kalalakihan na nakaputing damit at isa sa kanilang harapan ay may mga hiyas na kumikinang sa parteng dibdib (hoshen) at kulay lila na kasuotan, halos parehong pareho sa eksena ng siya ay dumating at salubungin. Lumapit sa kanya si Jadduah bitbit ang isang iskrolyo na isinulat 200 taon ng nakakalipas. Ang bawat talata nito ay kanyang binasa at pinaliwanag kay Alexander ang nakasaad dito ...
...3. Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli. 4. Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.
5. At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata. 6. At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan. 7. At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay. 8. At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit. 9. At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain (Emperyo ng Romano)...

...16.At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.


Ang pangitain ni Propeta Daniel

...17. Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan. 18.Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako. 19.At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan. 20.Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia. 21.At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Gresya: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari. 22.At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.( Ptolemaic Kingdom ng Ehipto, the Seleucid Empire sa silangan, ng Pergamon sa Asya Minor, at ang  Macedon.) 23.At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita (Antiochus IV)...

...27.At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa  (Daniel 8).

Pagkatapos niyang marinig ang propisiya na nakasaad sa iskrolyo siya ay naniwala na ang binabanggit ng anghel na si Gabriel na hari ay siya na si Alexander. Dahil dito pinagkalooban ni Alexander ng prebelehiyo humiling kung ano ang nais ng Punong Saserdote, binigyan din niya ng karapatan ang mga hudyo na nagnanais maging kanyang kawal na hindi maapektuhan ang kanilang paniniwala, at kultura na kanilang nakaugalian at sa huli ang lahat ng Hudyo saan man dako naninirahan ay di pagbabayarin ng buwis. 

Itutuloy...